TRUE STORY #30 (from: @ynakathrina)

3.2K 77 4
                                    

@ynakathrina's POV


Ate Rose


Bata pa lang ako nun. Siguro nasa 5-6 years old. Meron akong Tita. Kapatid siya ni Mama pero Ate yung tawag ko sa kanya. Tawagin nalang natin siyang Ate Rose. Mabait yun. Sobra. Matalino. Palakaibigan. May respesto sa magulang. Ideal daughter kumbaga. Kaya lang, kung sino pa talaga yung mabait, yun yung unang kinukuha ni Lord. Nakakalungkot yung nangyari sa kanya.


Isang tanghali, naglalaro si Ate Rose kasama yung kaibigan niya ng badminton. May nakiusap daw na mga lalaki sa kanila na kung pwede, makikiinom daw sila ng tubig. Dahil nga sa likas na mabait si Ate Rose eh niyaya niya na dun na daw sa bahay nila uminom ng tubig. Hanggang sa di na siya nakabalik pa sa paglalaro nila. Nagtaka na daw nun yung kaibigan niya.


Kinahapunan, pag-uwi ng Mama at Papa ni Ate Rose which is Lola at Lolo ko sa bahay nila ay nagitla sila sa nadatnan. Si Ate Rose, nakabigti na sa hagdanan nila, wala ng buhay.


Di makapaniwala sina Lolo at Lola nun. Kasi nga mabait na bata si Ate. Pano nila magagawa yun? Nung nalaman ng kaibigan ni Ate yung nangyari eh sinabi niya kina Lolo yung tungkol dun sa mga lalaki. At yun ipina check yung bangkay. Nalaman na nirape muna bago pinatay si Ate Rose.


Pumunta kami sa morgue nun para tingnan yung mga labi ni Ate Rose pero hindi na ako pumasok kasi iyak daw ako ng iyak nun.


Tapos nung last night na ng lamay ni Ate Rose, nasa ikalawang palapag kami ng bahay. Sa kwarto ni Lolo at Lola. Biglang nagbrown out. Yung bintanang sirado nun, biglang bumukas tapos doon namin nakita sa punong kahoy na nasa tapat ng bintana, si Ate Rose, nakabigti. Kitang kita ng dalawang mata ko yun. Pati ng mga pinsan ko, kitang kita din nila. Nagsisigaw kami tsaka nagtatatakbong pababa. Iyak ako ng iyak nun. Kasi di ko maintidihan kung anong ibig sabihin nun kasi nga bata pa ako. Pero ang alam ko lang ay takot na takot ako.


Hanggang ngayon nga, palaisipan pa rin sakin yung nakita namin. Pero siguro way ni Ate Rose yun para sabihin na hindi siya masaya sa pagkamatay niya at kailangan niya ng hustisya.


Hanggang ngayon di pa rin nahuhuli yung mga gagong gumawa nun kay Ate at hanggang ngayon din, patuloy ang pagpapakita niya. Minsan sa hagdan kung saan siya nakitang nakabigti at kung minsan naman sa panaginip namin.



_END_


Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon