Chapter 4

6 0 0
                                    

Zandra

Akala ko papagalitan ako ni mama kasi umalis ako ng bahay pero hindi, at natuwa pa nga siya...

Nandito ako ngayon sa room, kasama si Travis. Wala silang 6....

"Travis....."
Tawag ko sakanya na nagtetext.
Pero hindi niya ako pinansin.

"Travis.. nagugutom ako...."
Halos maiyak na ko para mapansin niya.

Agad naman siyang napatingin saakin. Napahilamos siya ng mukha ng makita niya ang itsura ko.

"Halika na nga! Baka mapatay pa ako ni Darwin at Adam kapag umiyak ka!" Hila niya saakin. Napangiti naman ko ng tagumpay. Hahahaha

"Teka nga! Anong kinalaman ni Adam?"

"Tsss. Wala!"

"Ang pangit mo!"

Sinamaan lang niya ako ng tingin saka naglakad ulit.
Hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon niya.

Nang makarating kami agad akong nag order ng pagkain ko. Since gentleman siya. Siya na ang nagdala.

"Thank you" habang sinasabi ko yun nagka-clap pa ako.

"Travis..gaano na kayo katagal ni Kiera?"

Napatingin siya saakin saka ngumiti bago sinagot ang tanong ko "3 years.."

"3 years? So 4th year kayo nung naging kayo?"

"Oo"

"Wow.. Paano kayo nagkakilala?"

"Tsss, daldal mo talaga ano?"

"*pout* nagtatanong lang eh"
Sabi ko sakanya. Pinisil niya ang ilong ko.

"Ang cute cute mo. Magkababata kami nila kiera,jenna,klien at Adam."

Nabilaukan ako sa sinabi niya.

"Oh tubig. Anu ba yan! Mag ingat ka nga sa pagkain! Mapapatay ako nung dalawa kapag me nangyari sayo eh!" Habang sinasabi niya iyon ay hinihimas niya ang likod ko.

"Tsss! Don't touch my back!"

"Sorry naman" saka bumalik sa sa pwesto niya sa harap.

"Pero di nga? Childhood friends kayo? So adopted pala si Darwin at si Lily?"

Natawa siya sa sinabi ko.

"Ganon na nga pero si Lily, i don't think so.."

"Ha? Bakit? Matagal niyo naring kakilala si Lily?"

Umiling ito, "nung 1st year lang din namin siya nakilala, pinsan siya ni Adam"

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Imposible naman yun!

"Don't worry hindi lang ikaw yung may reaksyon ng ganyan nung malaman namin, laking ibang bansa si Lily kaya bago lang namin siya nakilala..."
Ah.. ganon pala. Kaya pala kung masupladuhan si Lily a ganon nalang dahil magpinsan pala sila.

"Eh sila Klien?" Tanong ko ulit.

"Uhmmm 6 years, i think"
Napanganga ulit ako sa sinabi niya.

"Wow! As in Wow!" Amaze na amaze kong sabi.

I heard him chuckled.
Tapos napatingin siya saakin.

"Eh ikaw Zandra-------"
Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Nah! Don't call me na Zandra, Sandie nalang" pagtatama ko dito.

"Okay Sandie, sinong boyfriend mo?"

"Hahahaha, boyfriend? Uhmmm marami" nakangiti kong sagot sakanya.

Napakamot naman siya sa batok. "Hindi Boy-friend. I mean ba Boyfriend"

Ah! Akala ko Boy-friend. Umiling ako bilang sagot.

"Wee?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Yap! Promise! Wala akong boyfriend...." habang sinasabi ko yung promise nakataas pa yung kamay ko.

"Pero nagkaroon ka?"

Ngumiti ako. "Oo naman, mga 5 na ata!"
Muntik na niyang maibuga yung kinakain niya saakin kaya hinampas ko siya.
"Ano ba yan! Travis! Pati ako bubugahan mo ng pagkain mo! Kadiri ka!!!"

"Sorry! Nakakagulat lang! Knowing na meron kang 2 kuya at pinsan na si Darwin"

Ha? Paano niya nalaman?

"Correction 3! At paano mo nalaman na may kuya ako?"

"Ha? 3 ba? 2 lang yung sinabi ni Darwin saamin"

Aish! Si Darwin talaga! Madaldal!

"Oo!"

"Ah, pero paano nakalusot yung 5 sakanila?"

Natawa ako ng maalala yung mga exes ko "eh paano sila yung may pakana, hindi ko nga alam na me boyfriend na ako, sila yung sumagot sa mga yun, tapos sabi nila baka daw may magustuha ako. Tss mga palusot nila! As if naman na di ko malalaman na hinuhothutan lang nila yung mga naging boyfriends ko. May rules pa nga sila eh. Bawal akong hawakan lalo na ang halikan."

Natawa siya sa kwento ko.
Pero namula ako ng maalala ko yung first kiss ko. Haaay. Sino kaya yun?

"Aba! Santa ka pala eh! Never been kiss never been touched"

"Pero may first kiss na ako...."

"Yung muntik nang------"

"Aish! Si Darwin talaga! Chismoso! Hindi yun! Hindi niya ako nahalikan, kahit saang parte ng katawan ko ewww! Nakakadiri siya! Napunit lang niya yung damit ko! Buti nga nakasando ako non eh"
Ang daldal talaga ng pinsang kong yun!

Napanganga siya sa sinabi ko. "Pero----"

"Muntik nga pero duuuh? Anong silbi at lumaki akong kasama ang mga lalaki kung hindi ako manlalaban. Pero promise! Kung hindi dumating si Warren baka dumikit yung nakakadiri niyang labi sa leeg ko.. ewwww" habang sinasabi ko yun ay nadidiri talaga ako.
Oo muntik na akong marape. Pero lumaban ko no! Don lang ako di nakalaban nung sinikmuraan niya ako, napunit nga yung manggas ng damit ko kahihila niya saakin. Pero ang kinaiinisan ko sinira niya ung blouse ko na gift ni daddy...

Tawang tawa naman si Travis sa kwento ko.

"You're unbelievable Sandie" pailing iling pa niyang sabi.

"I know right! Tara na nga! Balik na tayong room"
Aya ko sakanya.
BTW. I texted Keira, na magkasama kami ni Travis na kumain sa canteen.
Busy kasi siya. May tinapos silang ewan ba yun! Kasama niya si Lily. Si Klien at Jenna naman may date daw. Si Darwin at Adam naman pinapunta daw ni Tito sa Company. Kaya naiwan si Travis na classmate ko.

Bago kami bumalik sa building namin ay dumaan kami kila Kiera na busy sa paggawa ng script para daw yun sa gagawin nilang movie. Communications and Arts ata yung course nila. Basta yun! Malay ko ba sa course nila. Di naman ako interesado. Hahahaha.

"Awww. Ang sweet" narinig kong sabi ni Kiera.

"Thank you Sandie" si Lily.
I smiled at her.
Binilhan kasi namin sila ng makakain. Syempre baka gutom na sila.

"Oh sige na, balik na kayo. Hoy! Travis si Sandie ha? Bantayan mo!" Paalala ni Kiera.

"Eeeh? Mamaya na. Tignan mo pawis na pawis ka"habang sinabi niya iyon ay pinupunasan niya ng bimpo si Kiera. Ang sweet nila.

"ay naku! Travis! Balik na kayo sa building ninyo. Hindi ko matatapos ang ginagawa namin kapag dito ka!" Pagtataboy niya dito.

I'm one of the boys.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon