Noah's POV
Nanlulumo akong nakaupo dito sa bedroom ko. Umalis na si Audrey at alam kong nagtatampo ito sa akin. I know that I hurt her feelings. Eto namang Margie na ito bakit pa ba bumalik ito? Wala namang may mangyayari kung hindi ko kakausapin ito. I just need to have a closure in our past.
Nakaupo ito sa sala at malayo ang tingin. She's still the same Margie that I know, sophisticated at palaging nagsusuot ng mamahaling damit. Lumapit ito sa akin at bigla akong niyakap. Ewan ko ba but I don't feel anything for her. Kakaiba pag kasama ko si Audrey, palaging may excitement, palagi akong masaya. Tinanggal ko ang mga kamay ni Margie na nakayakap sa akin.
"Noah, pumunta ako sa office mo. Dumaan ako dito para makapag usap tayong dalawa. Please hear me out." Nagsusumamo nitong pakiusap. I guess kailangan ko ding pakinggan si Margie at nang matuldukan na ang aming nakaraan.
Para na lang itong dati kong kakilala, no spark, nothing. "Upo ka muna." Sabi ko pa sa kanya. "I think kailangan na rin nating mag usap." Sabi ko sa kanya sabay upo sa tabi nito.
Nakikita kong lumuluha na ang kanyang mga mata. "Noah anlaki ng pagsisisi ko sa mga ginawa ko sayo. Hanggang ngayon araw araw akong nag sisisi at nanalangin na sana mapatawad mo ako. Ang totoo niyan ay niloko lang ako ni Raul. Kasalanan ko rin na nagpaloko ako sa kanya. Ayun pagkatapos kung sumama sa kanya at ipagpalit kita. Iniwan din ako." Tumutulo na ang luha nito. Binigyan ko ito ng tissue at umupo ulit sa tabi niya.
"Akala ko galit pa rin ako sayo. Pero alam mo looking at you right now, hindi na pala. Aminin kong nasaktan ako at kung ano anong pinanggagawa ko sa buhay ko dahil hindi ko matanggap na nakipag break ka sa akin at iniwan mo ako ng ganon ganon na lang. Kung kapatawaran ang hinihingi mo Margie. Pinatawad na kita. Para na rin ito sayo at para na rin sa akin. Kailangan na nating mag move on na na dalawa." Tinagilid ko ang ulo ko habang nagsasalitang nakatingin sa kanya.
Napatingin din ito sa gawi ko. "Noah hindi lang kapatawaran ang hinihiling ko. Kundi nandito akong gustong bumalik sayo." Matapang nitong sabi sa akin na puno ng sensiridad.
Tuluyan akong humarap dito. "Kapatawaran lang ang kaya kong ibigay. Ang sinasabi mong pagbabalik ng dati ay talagang napaka impossible na. Gusto ko lang na mag usap tayo para magkalinawan." Habang tumitingin ako sa kanya.
Tumigin ito sa mga mata ko. "Handa akong mag sakripisyo Noah sa piling mo. Bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon." Humahagulgol na itong lumapit sa akin. Laking gulat ko ng niyakap ako nito. "Lahat gagawin ko para sayo Noah. Lahat titiisin ko!" At walang tigil na ito sa pag iyak.
Naawa akong bigla kay Margie and I tried to calm her down by hugging her back. At saka pinaghahagod ko ang likod nito. "Ayokong umiiyak ang babae sa harapan ko." Sabi ko pa dito. Nasa ganon kaming position na magkayakap ng makita kong dumating si Audrey at Aling Ana na may dala dalang snacks. Nakita ko ang gulat at galit sa mga mata ni Audrey. Ayaw ko itong masaktan. Ayaw ko itong magalit at magtampo sa akin.
Inihiwalay ko si Margie sa akin. "Salamat Aling Ana. Audrey you can stay here." Utos ko pa sa kanya. Napaka vulnerable ng babaeng ito. Madali kong malaman kung galit ito. Kung masaya ito by just looking at her eyes. She gave me that piercing look. Tumikhim muna ako. "Margie, hindi ko pa pala sayo pinakilala si Audrey, bestfriend ng kapatid kong si Mae. At si Margie pala Audrey kaibigan ko." Introduced ko sa kanila.
Audrey extend her hand and Margie took it. "Nice to meet you po. May kailangan pa po ba kayo Sir, Mam bago ako umalis." Narinig kong tanong nito sa aming dalawa ni Margie.
Nakaupong tumingala si Margie sa kanya. "Naku thanks Audrey for asking. Wala na akong kailangan." Narinig kong sagot ni Margie sa kanya.
Nandito akong parang natulala na naman sa ganda ni Audrey. I was so mesmerized na kahit pala galit ito. Ito pa rin ang pinaka magandang babaeng nakikita ko. Her beauty is beyond compare. Lahat sa kanya is so perfect. My God! I can't get enough of her.
Nilaro ni Audrey ang dalawa nitong kamay. "Sige po. Alis na muna ako. Pag may kailangan po kayo sabihin niyo lang." Dagdag pa nitong sabi. Hindi na ito tumingin sa akin at sabay ng tumalikod.
"Noah, napakagandang bata niyan. I've never seen a woman with such a beautiful face." Pagka mangha pang sabi ni Margie.
I just ignore what Margie said. "Halika mag snacks muna tayo." At nagsimula na kaming dalawang kumain.
Habang kumakain kami. Dumating si Michael kasama nito si Janine at Mae. Andami nilang dala. Nagulat sila ng makita kaming dalawa ni Margie na kumakain ng snacks. Nagsalita si Michael. "Kuya, hi Margie!" Bati pa nito kay Margie. "Tapos na ang bahay na pinapagawa namin ni Janine. In fact kagagaling lang namin doon. Lilipat na ako doon next week. Naayos ko na rin sa HR na ibigay ang position na department clerk kay Audrey. Pwede na daw siyang magsimula next week." Balita sa amin ni Michael.
"Congrats bro for the new house. Kumain muna kayo." Sabi ko sa kanila.
"Congrats Janine and Michael." Sabi naman ni Margie sa kanilang dalawa.
Napansin ko ang mga boxes na dala dala ni Mae. "O Mae ano ba ang mga iyan?" Tanong ko pa dito.
"Hi Ate Margie." Bati nito kay Margie. Humahagikhik nitong tawa. "Damit ko Kuya para sa Sabado na debut ko. Ang isang box ay surprise ko na ipapasuot kay Audrey. Sobrang sexy at ganda ng napili kong damit para sa kanya. Marami kasing invited nila Mom and Dad sa modeling company owner na dadalo. Baka magkandarapa silang lahat pag nakita nila si Audrey."
Nagsalita ako. "Hindi niya kailangang dumalo sa party mo. Kailangan natin ng tulong sa paghahanda." Ayokong naeexpose si Audrey sa mga tao. Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit napaka possessive ko sa kanya?
Nagmamaktol na si Mae. "Kuya, hindi natin kailangan ang katulong for my party. May company na nag aasikaso sa lahat. Wala na toyong problemahin except ang pumunta sa venue." Sabi pa ni Mae.
"Alright! Alright! Bahala ka nga. Sayong birthday naman yan." Sabi ko pang give up na sa kapatid kong si Mae.
BINABASA MO ANG
Langit Ka Sa Akin (Completed)
De TodoTinulungan si Audrey Fernando ng kaibigan niyang mayaman na si Mae Tansinco para makapasok ng trabaho sa bahay nila bilang katulong. Dahil biglang namatay ang kaisa isang Tita ni Audrey sa America na sumusuporta sa kanya. Tadhana ang nagdala upang m...