~ROADTRIP
(DAWN ANTOINETTE'S POV)
3 days later..What's wrong with me? Bakit di ako makatulog? Ilang gabi na akong ganto. Hindi ko maalis sa isip ko yung sinabi ni Zeus noong gabing yun. Sana hindi ko na lang siya sinundan. Sana kinumbinsi ko na lang yung sarili ko na isa lang yun na malaking JOKE! ARGH!
*FLASHBACK*
What's wrong with that dork?! Agad akong tumayo para habulin siya. Palabas na ako nang makita ko siya sa parking lot, binubuksan ko niya yung pinto sa driver's seat ng kotse.
"Zeus!" Sigaw ko. Lumingon naman siya sakin pero yung mga mata niya parang walang emosyon. Dali-dali ako lumapit sa kanya.
"Oh bakit? Miss mo kaagad ako? Wag ka mag-alala babe. Bukas magkikita ulit tayo." WTF? BABE?!!! Sabay ngumiti siya ng matamlay. He's mocking me again! Hinampas ko siya sa braso at napa-Aww siya.
"Ano yung pinagsasabi mo kanina?!"
"Dawn.. Seryoso nga ako doon." Napayuko siya bigla. Parang may mali kay Zeus ngayon. Ramdam ko.
"Ha?! B-bakit?"
"Para wala kang choice kundi matutunan mahalin si Parker. Dawn.. Kailangan mo siya mahalin."
Umiling ako. Anong tingin nila, laro-laro lang ang pag-ibig? Di naman yun Math lesson na pwedeng pag-aralan eh.
"Hindi ko maintindihan. Para saan yung panglawang bet?"
"Para kapag di mo siya minahal, wala kang magagawa kundi pakasalan mo ako. Alam ko naman kasing ayaw mo mangyari yun kaya kung ako sayo. Mamahalin ko na si Parker! HAHAHA!" Kita nyo? Ngayon naman mukhang monster na naman siya. Bipolar yata 'to si Zeus eh.
"Pero kung gusto mo naman pala ako, sige papakasal tayo. Hihi! Alam ko namang pinagnanasahan mo ako."
"Siraulo ka! Syempre ayoko 'noh! Kay Parker na lang ako. Ano namang mapapala sa hambog na katulad mo 'noh.."
"HAH! TALAGA LANG HA! Feeling mo gusto ko din? Parang pinatay ko na yung sarili ko nun!"
"Wow ha! Ang kapal ng mukha mo!"
"Psh. Buti sana kung mala-Beauty Queen ka. Ang liit-liit mo!"
See! Akala ko naman nalulungkot siya or what pero ngayon nakikipagtalo na naman siya sakin at nilalait ako! Ang kapal niya!
"Oh sige! Tinatanggap ko na yung bet na yan! Pero sisiguraduhin ko sayo na kay Parker ako magpapakasal!!" Sabay tinalikuran ko siya. Hmp! Ang yabang niya. Nagsimula na ako maglakad.
"Talaga? Odi maganda. Walang mawawala sakin!" Sigaw niya.
*END OF FLASHBACK*
ARGH! NAKAKAINIS TALAGA! HE'S SO RUDE! Ang nakakainis pa kailangan niya pa talaga ako insultuhin. Siguro nga nasaktan yung ego ko dun. Siya nga pala nakalabas na si daddy sa hospital pero matigas pa rin si daddy, bumalik na agad siya sa work. At yung Zeus na yun? Tatlong araw na din siyang di nagpapakita, si Zeus kasi pasulpot-sulpot lang. Parang kabute siya, hindi ko alam kung saan siya nakatira kahit pa yung mga basic facts about him ultimo yung phone number niya. Mysterious siya, parang si Parker. Magkaibigan nga talaga sila.
Bakit pa puro na lang ako Zeus?! AAAAAAHHHH! I NEEDED TO DO SOMETHING! Simula noong gabing yun palagi na siyang umeepal sa isip ko.
Tama! I must go out with Gwen. Tatawagan ko siya! And so I did. Mabilis naman niya sinagot yung tawag ko at ayun, she agreed. Masyado kasing lakwatsera yun. Agad akong nagbihis. Siguro naman malling lang ang gagawin namin pero syempre doon sa mall nila Gwen, yeah. May sarili silang mall, well Gwyneth's clan are in the politics.
BINABASA MO ANG
Breaking His Dark Secrets
RomanceFanfiction of Zeus Collins and Dawn Chang. Enjoy reading guys. :) And oh BTW it's Fifty Shades Of Grey inspired din pala guys. Full of mysteries 'tong story na 'to.