33rd Chapter

10 0 0
                                    

Ashley

This is it! 6:30 am pa lang at gising na ako! Oh well, excited nga kasi ako. Okay na kaya si Gabbie? Yung gitara nya kaya? Eh si Gabe? Baka mamaya may sira pala 'yung kotse nya. Si Rade ba? Ngayon na ba talaga sya lalabas ng ospital?

"Okay, Ashley. Inhale.. Exhale." Ginaya ko ang palaging sinasabi sa akin ni mama pati na rin ni Gabbie at saka humarap sa salamin, "Relax. Everyhting will be alright." Nakakatawa pala ang itsura ko pag ginagaya ko si mama!

Imbes na magpaka baliw, inayos ko na lahat ng kakailanganin ko at isusuot ko. 7:05 na ako bumaba para kumain, sakto namang luto na 'yung mga pancakes na niluto ni mama. Pinag timpla nya ako ng hot choco at sabay kaming nag almusal. Mamaya pa kasi ang gising ng mga kapatid ko at si papa, alam kong pagod sila sa pag m-movie marathon na naman nila!

"Ngayon na ilalabas ng ospital si Rade, hindi ba?" Tanong ni mama.

"Opo ma, pupuntahan po namin sya sa bahay nila. Kasama ko sina Gabbie." Sabi ko at saka sumubo ng pagkain.

"Okay, anong oras ka aalis?" Pag-uusisa ni mama, "Dalhan mo kaya nitong mga banana bread? Bagong gawa ito."

"Sige ma. Pagdadalhan ko po sya."

*

All set! Naka lagay na sa paper bag lahat ng ginawa ko, naka yellow floral dress ako, with plain white barbie doll shoes at may sling bag din. I also change the case of my phone, from black to yellow. Para matchy matchy! 9:45 nang bumaba ako at nagpa picture kay mama. Bakit ba? I feel so beautiful today, hehe.

"Hi bes! You ready?" Excited na tanong ni Gabbie habang papunta na kami sa kanila.

"Super!" I said. Napag alaman ko na sa isang bahay pala nila Rade sya iuuwi kaya medyo matagal tagal ang byahe.

"Good luck, Ashley! I'm sure Rade will be surprise." Pag c-cheer up sa akin ni Gabe. Bakit? Mukha na ba akong kinakabahan? Fuck.

"Baka nga maiyak pa 'yun no!" Ani Gabbie sabay halakhak, "Thank you so much, Ashley. I love you! Pwe." At pareho nilang pinag tawanan ni Gabe 'yon. Mga baliw talaga 'tong mga 'to!! And I also smiled at the thought.

*

Naka set na lahat. Naka lagay na sa kama nya 'yong scrap book, naka dikit na sa pader 'yung ginawa kong pictures namin sa naka shape ng hearts. At ready na rin si Gabbie sa gitara nya, si Gabe naman ready na mag video. Oh my!! Kinakabahan talaga ako..

"Cheer up bes! Matutuwa talaga si Rade sa surprise mo. Mahal ka non!" Ani Gabbie.

"Paano pag pumiyok ako?" Nag-aalala kong tanong.

"Don't worry, Rade will understand. And besides that's what you call effort!"

Sasagot pa sana ako pero biglang nag bukas 'yong pinto at biglang lumitaw si Rade.. Nag simulang mag strum ng gitara nya si Gabbie at ako naman ay kumanta.

Kung ika'y magiging akin
Di ka na muling luluha pa
Pangakong di ka lolokohin
Ng puso kong nagmamahal

Oh grabe, this is it! Kinakabahan ako, at shet. Yung boses ko! Nakikita ko ang mga ngisi sa labi ni Gabbie at Gabe! Humanda sila sakin mamaya.

Kung ako ay papalarin
Na ako'y iyong mahal na rin
Pangakong ikaw lang ang iibigin
Magpakailanman

Nakita ko ang mga ngiti sa labi ni Rade, ang ngiting matagal ko nang hindi na nasisilayan pa dahil sa katangahan ko. At unti unti syang lumalapit sa akin..

Break FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon