From: ILikeButterflies12
Hihingi rin po sana ako ng advice. Kasi po noong brigada kami sa school tapos po may nakita akong isang lalaki na nag aayos ng libro tapos tumingin siya sakin. Hindi ko na lang siya pinansin pagka first day of school nakita ko siya ulit at napansin ko tinggin siya ng tinggin sakin hindi ko na lang pinapansin noong time na yun hindi ko pa alam name niya tapos noong ika second week ng school lumapit siya sakin. Sabi niya may heheramin siya na gu8nting tapos pagkasabi niya nun hinawakan niya pa tuhod ko nakakainis pag kagawa niya nun kinuha ko agad tuhod ko tapos these 4th week sa last subject namin napansin ko na ilang beses siya palipat lipat ng upuan. Anong ibig sabihin nun?
My Advice:
Sorry kung ngayon lang kita na replyan kasi hindi ko nakita agad eh haha so yun nga? Wag mo lalagyan ng malisya ang lahat ng ginagawa niya sayo. Ibig sabihin nun gusto ka lang niya pag tripan lang r asarin o kaya naman gusto niya lang din makipagkaibigan sayo. Paano ko nasabi yan? Ganyan din kasi ako eh hahaha ok sorry kung based nanaman sa experience ko pero para na rin maka relate kayo kaya ganun hahaha. Ganyan din kasi yung kaklase ko eh akala ko nga hindi ko siya makakaclose eh kasi nga peymus at may itsura naman talaga tas trip na trip niya kong asarin, bwisitin, kahit sa messenger at twitter hindi nagpapaawat. Pero ayun wala namang something akong naiisip or naiimagine na baka may gusto siya sakin. Kahit inaasar na kami ng mga barkada namin wala talaga hahaha. Basta iniisip ko lang na baka gusto niyang makipag kaibigan din sakin :) BASTA WAG MONG LALAGYAN NG MALISYA ANG LAHAT NG PWEDENG MAY MEANING NA GINAGAWA NIYA KASI KAPAG NANGYARI YUN BAKA MA FALL KA PA NG BONGGA. MAHIRAP PA NAMAN YUN, IKAW DIN SIGE. HAHAHAHA. Sana nakatulong :))
BINABASA MO ANG
Tips para mapansin ni Crush
Short StoryGusto mo bang malamang kung ano ang ibig sabihin ng Crush?, Signs na may Crush ka?, Signs na gusto ka din ng Crush mo? at higit sa lahat TIPS para mapansin ka niya? tara na dito ateng at BASAHIN NA!