From: jungalin
Advice nga po. Kasi po yung crush ko sinabi ko na mahal ko siya sa maraming tao at sabi nya papansin daw ako at gusto daw niya ako sapakin. Kahit masakit tumakbo na lang ako palayo sakanya kahit na alam kong hindi niya ko magugustuhan kasi di ako maputi. Isa lang akong hamak na black beauty pero nung mga nakaraang araw po po parang dumadalas yung pagtingin niya sakin sa twing titingin ako iiwas siya ng tinggin. Pag minsan naman nginingitian niya ako. SA TINGGIN NIYO PO BA GUSTO NIYA PO BA AKO? Atsaka meron po yung time na naglalaro sila ng truth or dare tapos sabi niya truth at tinanong po siya kung may crush ba siya sa room sabi naman po niya meron pero hindi niya po binanggit. Sana po masagot niyo yung tanong ko.
My Advice:
Ay nako be, Sa lahat ng nag pa advice sakin ganyan din. Tbh, baka mamaya trip ka lang niyan, siyempre nag fifeeling na kasi nga crush/ mahal mo siya. Ganyan naman mga lalaki eh. Tapos pag tinanong mo ikaw pa feelingera. Nakuuu kung ako sayo itigil mo na yang nararamdaman mo dahil kahit sakin 9nanaman0 nangyari na yan. Yung crush ko nga inaasar ako dati ng "kami na lang" daw pero tignan mo ano nangyari ngayon? (syempre di mo alam hahaha) may nililigawan na pala siya kaya tigil mo na yang feelings mo sakanya. Alam kong mahirap pero kelangan dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. Wag ng umasa pa.
jungalin:
Parang hirap naman po nun
Me:
lahat ng bagay na gusto mong mangyari ay talaga namang pinaghihirapan. Oo,mahirap talaga mag move on lalo na at minahal mo na siya pero kapag naka move on ka na marerealkize mo din at sasagi din sa isip mo na "sinayang ko lang yung mga mahahalagang oras sa buhay ko para lang mapansin niya" marerealize mo din na di siya worth it :)
BINABASA MO ANG
Tips para mapansin ni Crush
Short StoryGusto mo bang malamang kung ano ang ibig sabihin ng Crush?, Signs na may Crush ka?, Signs na gusto ka din ng Crush mo? at higit sa lahat TIPS para mapansin ka niya? tara na dito ateng at BASAHIN NA!