#20 'Kwatro'

545 2 3
                                    

#20 'Kwatro'

Ang sabi niya, hindi niya ako isisingko, Sa halip ay ikakwatro lang niya ako dahil kulang lang naman ako ng isang project. Pilit akong nagmakaawa para hindi makwatro. Kahit tres lang, h'wag lang kwatro. ayos na kahit matanggal na ako sa dean lister huwag lang akong matanggal sa pagkaka-scholar ko. Hindi na ako makakapag-aral pa kapag nawala na ang scholarship ko.

At para di ako matanggalan ng scholarship, pikit-mata akong pumayag na magpa-kwarto sa halip na makwatro. Iyon na lamang ang pag-asa. Buti na lamang at mabait si Sir at binigyan niya ako ng Uno sa halip na Tres.

Pero, P*tang-inang manyakis yan! Na-four plus one ako! Nakakuha nga ako ng Uno sa grado ko, ngunit ako naman itong kanyang nasingko at ngayon ay sira na ang pangarap ko.

Panandaliang Aliw [Koleksyon ng mga kwentong dagli]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon