Jenny Mendoza, 18, Half Girl, Half Boyish. Hoy! Hindi ako tomboy ha. Upakan ko kayo eh!
Ngayon araw nag simula ang Sembreak, ibig sabihin tatlong lingo akong NgaNga sa bahay. Ho! Team Bahay! Syempre ano pa ba ang ginagawa ng mga team bahay?
Una! Mag iinternet buong araw!
Pangalawa! Titingala sa kisami at mag aabang ng butiking mahuhulog. At higit sa lahat! Ang pangatlo! Uutusan ka ng uutusan sa bahay ng mga magulang mo na feeling nila pag nasabahay ka ay meron silang bagong kasambahay! Hay Buhay!Bumangon na ako bago pa ako tawagin ng mga magulang ko at utusan ng kung ano ano. Makalayas na lang nga! Ang ibig sabihin ng layas sa akin ay aalis lang ako. Hindi mag lalayas.
Nagsuot lang ako ng ordinaryong damit, malaking t shirt at shorts, sama na rin ang tsinelas at cap.
Alam kung mukha akong lalaking tambay na mahaba ang buhok, pero kahit ganito ang porma ko, wag kayo, maganda at sexy ako, pumipila ang manliligaw ko, pero wala akong pakialam sila kuya na ang bahala sa mga manliligaw kung mukhan mga tipaklong! Ahaha...
Dahan dahan kung binuksan ang pinto ng kwarto ko, para hindi ako marinig nila Mama at nila Kuya, para hindi ako mautusan. He he...
"Jenny? Saan ka pupunta?" Hindi pa man ako nakakalabas ng pinto ko na ka abang na sila kuya. Tsk.
"Ah.. Kuya pupunta lang akong internet cafe, malapit lang naman yun eh."
"Internet Cafe? May Wifi naman tayo meron ka namang Computer sa kwarto mo. Meron ka namang Laptop at Cellphone. Bakit dadayo ka pa para mag internet?" Ano bato si Kuya Jun parang gusto niya akong pa aminin sa isang kasalanan. Nakakatakot.
"Kuya Jun, payagan mo naman si Jenny makalabas ng bahay." Kuya Jay! Tulungan mo ako! Huhuhu..
"Bakit ka pa nga dadayo sa internet cafe ha? Siguro may boyfriend ka na no!" Ano bato si Kuya Jun, napaka paranoid.
"Kuya naman! Wala akong boyfriend! Kita niyo naman lahat ng manliligaw ko kayo ang pinapakausap ko diba."
"Oo nga naman kuya Jun. Sa porma ng bunso natin ngayon tingin mo may papatol pa ba dito? Mas mukha pa nga siyang lalaki sa atin diba bunso?" Tumango na lang ako, pero kahit nakaka insulto ang mga sinabi ni Kuya Jay.
"Sige, pero itxt mo sa akin ang internet cafe na pupuntahan mo ha. At mag pasundo ka sakin o Kay kuya Jay mo ha." Tumango na lang ako. Para akong 12 years old.
"Opo, kuya."
"Sige, alis na, mag text ka o tumawag ka kung pauwi ka na ha. Susunduin kita."
"Opo, kuya" ano bayan puro Opo nlng ako lgi.
"Sige na bunso, bago pa magbago ang isip ni Kuya Jun." Sabi ni Kuya Jay.
"Thank you kuya Jay and Jun" at nag kiss na ako sa cheeks nila at kumaripas na ng takbo palabas ng bahay.
Ang unang rason bakit gusto kung umalis ng bahay ay makaiwas sa mga utos at mag counter strike sa internet cafe. Malaki ang pustahan dun eh.
Ako kasi, dumadayo ako para makipag pustahan sa mga naglalaro sa internet cafe at nakikipag laro. At kaya ganito ang porma ko kasi hindi nila ako pinapasali pag nalaman nilang babae ako, kaya ang ginagawa ko nagdadamit lalaki ako, at tinatali ko ang buhok at tinatago ito sa cap ko para mas mukha akong lalaking tignan.
Naglakad lakad ako at kung siniswerti ka nga naman nakita ko ang isang malaking tarpulin nakalagay na Counter Strike Tournament! Yes! Tiba tiba naman ako neto!
Nag ayos ako ng kaunti at nag astang lalaki. Hehe...
Nag register na ako at ng nakuha ko na ang PC ko nag simula na agad ang tournament at wag kayo pero lalaki ang kalaban ko at isa ako sa na ngunguna! Mwahaha...
Yes!!! Nanalo ako! Yes! Nanalo ako! 3k lang naman ang premyo eh! Nag tinginan na silang lahat sakin ng matalo ko ang pinaka magaling sa kanilang lahat! Ahahaha..
"Anak ng! Sino ang tunalo sakin ha!!" Lagot na! Yumoko nlng ako at nagulat na lang ako ng hilahin niya damit ko patayo at ambang susuntokin niya na ako ng may biglang pumigil sa kamay niya. Nakakatakot ang mukha ng sira ulong to!
"Pare, laro lang ito diba? Natalo ka kaya wag kanang manakit, just accept it." Kinakausap ni sino bato? Si Superman na nga lang. Dko siya kilala eh, at tinutulungan niya naman akoko
Kinakausap ni Superman si... Si Pangit habang nakahawak parin si pangit sa kwelyo ko at si Superman naman nakahawak sa kamao ni Pangit. Imaginin niyo na lang.
"Pare, wag kang makialam, baka gusto mong masaktan!" At sa isang iglap nag ramble na silang dalawa. Actually anim sila Laban kay Superman, kawawa naman siya, biglang may humarap sa akin at ambang susuntokin na naman ako, pero naman, nakuha ni Kuya Jun! Patay naman ako neto!
Ayon na nga ang nangyari nag rumble na silang lahat. Kawawa naman ang mga kapatid ko at si Superman infairness gwapa siya! Aayyieee!!!
Sumali na ako sa rumble. Akala nila porket babae ako hindi ako marunong makipag laban, FYI lang ha. Isa akong martial arts expert at ang mga kapatid ko naman at kick boxing champions.
Tumulong na ako, at agad natapos ang laban.
Nang matapos na ang lahat at nasa labas na ako ng internet cafe at ang mga kapatid ko naman ay nakikipag settle pa sa mga nasira sa loob ng internet cafe.
"Pare, ang galing mong mag laro ng counter strike at magaling ka naman palang makipag away."
"Sala-" magsasalita pa lang sana ako ng may bumatok sa akin! Alam ko na kung sino yun, nalaglag ang cap ko. Tsk.
"Ikaw Jenny ha! Sabi ko sayo dati pa na bawal kang makipag away diba!"
"Babae ka?!?" Nagulat naman ako Kay Superman, andyan pa pala siya.
"Oh? Sino ka naman? Jenny Sino yan?" Ayan naman tayo.
"Kuya Jun, kuya Jay si Super- ah, teka ano mga pangalan mo?" Nakakahiya naman tatawagin ko sa siyang superman. Hehe.. Gwapo talaga!
"Nathan, pero babae ka pala." Ang kulit ni Sup- Nathan.
"Kuya's, siya nga pala ang tumulong sakin kanina. Bago pa kayo dumating"
"Salamat Pare ha. Oo babae ang kapatid ko at bawal ang manliligaw." Ano bayan kuya nakakahiya ka! Kuya Jun naman eh!
"Pare, Salamat sa pagtulong sa Kapatid ko ha." Tumango lang si Nathan.
"Jenny, let's go. Get in the car." Sabi ni Kuya Jun.
"Kuya ma una na kayo sa kotse, mag papasalamat lang ako." Tumango na lang sila Kuya.
"Nathan, salamat nga pala ha."
"Okay lang yun, akala ko lalaki ka. Ang ganda mo pa lang Babae." Buliro si Superman ngayon ko lang nalaman. Ahaha...
"Sige, Salamat ulit." Magpapa alam na sa na ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Ah, Jenny pwede ba akong dumalaw sa inyo?" Lagot ka sa mga Kuya ko.
"Sige, pero siguraduhin mo na lang na hindi ka matatakot sa mga Kuya ko. Kaya ka nilang kainin ng buo. Ahaha... Sige, mauna na ako. Ito ang number ko. Itxt mo ako at mag pakilala ka."
At yun na! We separate our ways. Ang Gwapo ni Superman! Sana nga lang wag siyang matakot sa mga kapatid ko.
Nakatikim ako ng sandamakmak na sermon sa mga kapatid ko at grounded ako sa buong sembreak, no internet but I can use phone no access lang sa Wifi. Kawawa naman ako.
*1 message*
~Hi SuperGirl, its me your Superman.~
Kinilig naman ako! Maybe this is the start of something new!
°----------------°
Because I'm bored I made a short story hope you enjoy it.
°annoyingbluegirl
BINABASA MO ANG
My Hero
Teen FictionKwento ito ng buhay ko, kung gusto mong malaman ang nilalaman ng aking buhay at kung bakit "My Hero" ang tittle ng One Shot Story ko, wag ka ng mag atubili at buksan at basahin ang maiikling kwento ko. Ako si Jenny Mendoza tara at alamin ang aking...