Crush 4

57 4 0
                                    

Ilang araw na maganda yung mood ko nang dahil nadin kay Chinito. pero hindi ko naman akalaing kung sino nagpapaganda ng araw ko ay sya din palang sisira nito.

Isang gabi pagkatapos namin manood ng game nila naisipan ko munang magpaload bago sana umuwi. Doon ako sa malapit na tindahan sa court nagpaload wala kasing dagdag na piso dito, di tulad dun sa malapit samin.

Noong naglalakad na kami ng daddy ko pauwi nakita ko sya ...

si Chinito

Na sya naman ikinataka ko, kasi hindi naman ito yung way papunta sa bahay nila. Naisip ko naman na, baka tatambay pa sya? eh ni-hindi pa nga sya nakakapagpalit ng damit dahil nga katatapos lang nya maglaro.

pero hindi pala tambay ang pinunta nya doon.

Napansin ko nalang na may tinabihan syang babae.

</3

ouch!

Akala ko ba wala syang girlfriend o nililigawan man lang?

AKALA KO LANG PALA YUN.

:(

sa mga oras na to gustong-gusto ko na sumigaw.

gusto ko umiyak.

pero hindi ko pwedeng gawin yun.

Nasa labas pa ko ng bahay. Nakakahiya -.-

Tsaka katabi ko si daddy. Baka isipin nito nababaliw nako at bigla-bigla nalang nasigaw. -.-

:(

Ang saket talaga. SYET!

Akala ko ba Crush ko lang sya?

eh bakit ganito?

Bat ang sakit na makita syang may kasamang iba?

Yung load na gagamitin ko sana sa pag GM ng masayang happening tungkol kay chinito, mas nagamit ko pa sa pag-eemote sa mga kaibigan ko.

Lahat ng maaasahan kong kaibigan tinext ko na. Pero anak ng tokwa lahat sila hindi pwede.

nakakasama ng loob.

:(

kung kelan sobrang kailangan mo yung mga taong alam mong makakapag pasaya sayo kahit pano eh dun pa sila hindi mahagilap.

Eto lang hirap sa konti ang kaibigan eh. Kapag hindi sila pwede, wala kanang maasahan. Hindi naman kase ganoon karami yung kaibigan ko. hindi naman sa hindi ako friendly. Madami akong acquaintances pero sadyang iilan lang yung sobrang pinagkakatiwalaan ko.

Ayun nga pagkatapos ng konting pilitan, buti napapapayag ko yung Best friend ko na pumunta naman dito.

Yun lang kase kailangan ko ngayon.

Kaibigan.

Ang saket kase eh.

Sobra.

:(

KINIKILIG AKO! (Summer Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon