Ikadalawangpu't-pitong Kabanata

1K 16 2
                                    

PRESSCON

Last shooting day na namin kahapon.

Minadali na ang presscon ngayon.

At ngayon, ang pinakanakakatakot na araw sa buhay ko.

Ang malaman ang mahal ng 'mahal' mo. Ang ipakilala sayo harapan. Sakit nun ha.

Nandito pa muna kami sa dressing room. Inaayusan. At sobrang awkward ng atmosphere kasi kasama ko si Pat at hindi pa kami bati.

"Okay guys, get ready."

May biglang pumasok sa room namin

Okayy.

First time ko to at sobrang ninenerbyos ako. Gaano kadaming press? Gaano kahirap na mga question? Mas mahirap ba kaysa sa mga long test namin sa History at Physics?

Gaaah. Pwedeng magback out na?

Lumabas na kami at pumunta dun sa mahabang table.

Nakita ko si Giann sa kabilang side. Bale sa right side kaming mga babae lalabas, sa left side naman ang mga boys.

Ngumiti siya sakin. Ngumiti din naman ako.

"Let us all welcome the lead stars of Mara Clara: The Remake! Yaelle Velasquez, Patricia Paz, Gian Lopez and Francel Viloria!"

Sabi nung MC.

Lumabas na kami.

Nagsiflash'an naman ang mga camera. Ngiti dito, ngiti doon. Pero nanginginig ang mga ngiti ko. Grabe. Never in my life I'd stand in a crowd like this. Nakakakaba talaga.

Umupo na kami sa mga upuan namin. Ang arrangement;

Yaelle | Pat | Ako | Giann

Sa sobrang panginginig ko, napansin ni Giann. Hinawakan niya ang mga kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

"Wag kang kabahan. Smile lang. Be confident."

Bulong niya sakin.

Pakasabi niya yun sakin, feeling ko lumakas naman ang loob ko. Iba din talaga ang nagagawa ni Giann sakin.

Nagsimula na silang magtanong.

"Ms. Francel and Ms. Patricia, bilang bago sa mundo ng industriya, ano ang inyong masasabi at kayo ang napili upang gampanan ang lead roles ng isa sa pinakahit na serye nung araw?"

"Super thankful po kami kasi samin naibigay ang project na to which is really big."

Panimulang sagot ni Pat.

"Pero at the same time, sobrang pressused po kami and nervous on how will the movie turn out. If it will be a flop or a success."

Pagpapatuloy ko.

"Mr. Giann, after the separation of the GiFfany, ano po ang masasabi niyo sa inyong new loveteam? How was it working with Ms. Francel?"

"Medyo madaming adjustments naman since nakasanayan ko ang pagwowork with Tiffany. But Francel, siya yung tipong madali mo lang makaclose. In a short span of time, naging comfortable ako sakanya. Francel is beautiful in and out. Wala kang masasabi sakanya."

Sagot naman ni Giann.

Naks. Beautiful in and out? Ako? Hahahaha.

Other questions were being asked and habang tumatagal, nagiging kumportable na talaga ako. Nakakasagot na ako ng hindi nagsa-stummer. 

"Ms. Francel and Mr. Giann, masasabi niyo po bang ang inyong loveteam ay pwedeng mauwi sa isang relasyon?"

"Francel is not hard to like pero ewan ko lang. Siguro. Pwede."

Sagot ni Giann na tumawa pa sa huli.

"Hmm, honestly, Giann is a very nice guy. He is not hard to like din. Pero I don't think so."

Sagot ko din naman.

He is not really hard to like. Love ko na nga din siya eh.

And I don't think so. He is inlove with somebody else. Somebody else, not me.

At natapos ang tanungan portion.

Next, picture taking.

Picture picture lang. Syempre, palagi kaming magkatabi ni Giann. Loveteam ko siya eh.

At paglabas namin sa hall, grabe, may fans na ako!

Ang saya saya lang. May nakikita akong malaking tarp ng FranceLOVERs, Solid Francel, Francel Angels. Tas meron pang mga GiaNcel, GiaNcel forever. Francel Viloria and Giann Lopez.

Ganito pala ang feeling. Ang saya! Hihihi.

Sumakay na kami sa limo. Ang sosyal lang. Nakaopen ang mga window at linalampasan na namin ang mga fans namin.

Kaway lang naman ako ng kaway sakanila. Grabe. May fans na ako.

Dumeretso kami sa isang mamahaling resto. Ngayon lang talaga ako nakapasok sa ganito kamahal na restaurant. Yung price ng pagkain? Juskoo, baon ko na for one year.

Gumaya na nga lang ako ng order kasi wala akong alam dito.

Natapos na kaming kumain.

"Francel, tara na?"

Sabi ni Giann sakin. Medyo gabi na din.

"Sige."

At nagpunta kami sa parking area. Nakita ko dun ang auto ni Giann. Paano naman kaya yun?

But anyway, pumasok na ako at nagtungo kung saan ako mamamatay ngayong gabi.

Sacrifice (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon