FRIENDS?

49 2 1
                                    

Ah! wala akong mga friends , i mean masasabing kung TRUE FRIENDS.

Bakit wala ? -

Kasi kung meron nga dapat hindi ganito ang nararamdaman ko sa kanila. Kasi pag may TRUE FRIENDS ka nga talaga ,sana hindi ka nag-iisa na umiiyak pag-gusto mong mapaghingan ng problema mo. Yung handa s'ya makinig sayo sa kahit anong problema , hindi yung mga jokes mo lang gustong nila pakikinggan nila. Yung pag may kailangan ka na handa sila tumulong sayosa kahit anong paraan sa ikabubuti sayo. Peru hindi naman ako yung tipong tao na hingin sa kanila sa satingin ko na hindi nila kaya, gusto ko lang kahit advices lang nila bilang isang tunay na kaibigan ok na sakin yun at support man lang sa panahong hindi ko na kaya.

Oo nga meron akong mga FRIENDS peru hindi ko sila masasabing TRUE FRIENDS ko sila, kasi hindi ko nga sila mahihingan or mapagsabihan ng mga problema ko or yung mga failures at deppression ko. Pag sila nga ang may problema basta kaya ko tutulungan ko sila. Hindi sa nag mamayabang ako peru kahit naman sila nakikita nilayung effort ko sa pagtulong nila na dapat din nila pahalagahan nila yun kahit kunti lang kasi para sakin hindi naman sila iba sakin tinuring ko rin silang pamilya ko din. Pero para sa kanila parang wala lang sa tingin ko hindi talaga ako nag eexist sa kanila     kasi ang alam lang nila tungkol sakin JOKER , palatawa kahit anong lait at descrimanation in physical ang sasabihin nila sakin, yun lang alam nila sakin.

Parang iniisip nila na kahit anong lait gusto nilang sabihin ay hindi ako masasaktan. Na wala akong mararamdaman na kahit pinakita kona sa kanila na hindi ko na nagugustohan yung sinasabi nila ,eh pinagtatawanan parin nila ako. 

Akala nila hindi ako nasasaktan sa lahat ng pintas ,lait at descriminasyon na sinasabi nilasakin at sa tingin nila na wala akong pakialam. Akala lang nila yun kasi wala silang pakialam sa nararamdaman sa taong pinag-sabihan nila ng ganon , katulad ko. 

Oo nga lagi ako tumatawa sa harapan nila kahit na masakit na sa kalooban ko ang pinag-sasabi nila , tumawa parin sila. Kasi ayokong maging masama satingin nila. Peru bakit ganon ginawa mona ang lahat para maging TRUE FRIENDS ka saknila eh yung tingin parin nila sayo ay isang katatawanan parin. Yung bang pag wala na silang ibang katuwaan ay ako agad ang na iisip nilang gawing katuwaan. Hindi nila naiisip na isa rin akong tao na nasasaktan rin, kahit ganon manlang irespito din nila ang pagkatao ko bilang isang tao kahit ganon manlang dapat din may preno sila sa kanilang pinag-sasabi , porket walang negative reaction yung taong nilalait nila eh ganon nalang sila kung makapag lait.

Kaya ngayon hindi kona iniisp na kaibigan sila. Iisipin ko nalang na naging kilala ko sila na naging parte din  sila sa buhay ko at dapat advice ko sasarili ko na bigyan ko rin na kaunting RESPETO ang sarili ko bilang isang tao para sakanila na dapat kahit kailan hindi na nila masasabing isa lang akong katatawanan na kaya nilang apak-apakan na porket wala man akong ma-iiboboga kumpara sakanila . Kaya ko ring mabuhay na walang TUNAY NA KAIBIGAN na sila mismo ang maghahatid sayo patungo paibaba at kaya ko ring matagumpay sa sarili kung sikap na walang tulong galing sa mga TUNAY NA KAIBIGAN kung hindi TUNAY.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FRIENDS ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon