May tanong ako (oneshot)

6.2K 407 60
                                    

A/N: Dedicated din po to sa idol ko din sa oneshot! Hi ate! Sobrang gusto ko mga oneshot mo! Nakakakilig ito overload, di ko mabilang ilang beses mo akong pinakilig, alam kong hindi lang ako kundi marami kaya idol kita at hindi siya kaparehas ng ibang gumagawa ng oneshot. Sana po marami ka pa pong oneshot kasi babasahin ko iyon. Sana din po magustuhan niyo ito! Thank you po!



Oneshot: May tanong ako

By: IamBlackOne

~~~~~~~~~~~~~~~~

" Crisel, may tanong ako" napakunot ako ng noo sabay ng pagbaba ko ng libro sa mukha ko. Nagulat ako nung makita ang mukha ni Raid na nakaupo sa harap ko. Wow. For the first time kinausap niya ako

Nandito ako sa may bench sa may soccer field. Ganito ko inenjoy ang lunch ko at itong lalakeng katabi ko ay hindi ko kaklase kaya nagulat ako nagsalita yan kasi tahimik yang lalakeng yan

" Anong gusto mong tanungin?" Hinarap ko nalang ulit ang binabasa ko. Saan na nga ba ako napart? Ah dito

" Isa lang naman ang tatanungin ko.." nagulat ako nung bigla niyang kinuha ang libro sa harapan ko kaya napatingin ako sa kanya " Oi! Ibigay mo nga ulit!" parang di niya narinig kasi tinignan lang niya ako ng seryoso

" O sige. Ano nga itatanong mo?" Napacross arms ako at napapout at umiwas ng tingin

" Kung may nagustuhan ka na ba?" Napatingin agad ako sa kanya dahil sa sinabi niya " Huh?" For the first time. My heartskipped a beat. Loner kasi ako eh at hindi ako mahilig sa mga crush thingy na yan

" Uh wala pa. So tapos na? Di kasi ako mahilig sa mga ganyan" nginitian ko siya ng pilit at pansin ko na unti-unti siyang ngumiti

*lub dub*

Uh oh. Napaiwas nalang ako ng tingin. Ang init at ang awkward, gusto ko nang umalis. Anong oras na
ba?

" O. Sige thanks" binigay na niya ang libro at umalis na sa tabi ko. Hoo! Buti nga umalis yun. Tinignan ko na ulit ang libro ko at sinubukang basahin ulit kaso napaisip ako dun sa tanong ng lalake. Ihhhh! First time yun at aish! Wag na nga lang. Makalis na nga lang!

*** (the next day)

" May itatanong ulit ako" napatingin ako ng konti sa kanya at nagmaang-maangan na hindi ko siya pinansin. Sabi na nga ba, babalik siya dito. Lunch time na kasi ulit. Haaay. Di ko patin binaba ang libro sa harap ko

" Akin na nga yan" bigla niyang hinablot ang libro sa harap ko . Napangiti ako deep inside, di ko alam bakit eh. Crush ko na ba to?

" Ano ba ulit itatanong mo kasi?" Umarte ako na parang naiirita para naman effective diba

" Uh. Tanong kasi ng kaibigan ko kung anong gusto mo sa isang lalake" napahawak ako sa baba ko habang hinihimas ito napaisip ako. " Hmmm. Simple lang. Mabait, hindi medyo maputi kasi para na yang isang kaluluwa, uhm yung brown na eyes at may pagkasingkit o chinito pag tumawa o nagsmile tapos mataas, dagdag na ang gwapo basta mapagmahal, sporty, protective sakin na ako lang mamahalin, simple lang. Atsaka kahit na wala dun basta mahal ko at mahal niya ako. Okay na yun pero kung hindi ko siya mahal at siya lang. Pano na yun diba? Hehehe andami ba?" Napatingin ako sa kanya at unti-unti siyang tumango habang kumakamot sa ulo

" Uh. Pwede features lang ?"

" Uh.. ganito nalang. Blonde ang hair, brown eyes, di medyo maputi at mataas" habang sinasabi ko iniisip ko din siya. Mataas siya at may pagkabrown ang mata atsaka maputi naman siya at hindi blonde, may konti lang ano para di halata hehe " Sino ba yan kaibigan mo at ginawa ka pang alipin?" Napataas ako ng isang kilay

" Wala. Salamat" isinauli na niya ulit ang libro at umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin habang naglalakad paalis. Haaay, sino ba yan? Di ba pwedeng ikaw?

***(the following days)

Bago ako pumunta ay inayos ko muna ang sarili ko pagkatapos ay pumunta na sa bench

Lagi na kasi pumunta si Raid at laging may tinatanong. Sunod na tinanong niya nun ay kung anong gusto kong flower sabi ko rose at dapat kulay red. Sunod naman ay nagtanong siya kung kapag may nagconfess ba sa akin ay sasagutin ko ba sabi ko naman oo kung gusto ko siya o feeling ko na sincere siya pero pag hindi ko siya kilala o ano ay hindi tapos nun ay marami pang iba pero lagi niyang sinasabi para daw to sa kaibigan niya. Haay, sana hindi sa kaibigan niya kundi sa kanya

Pagdating ko sa may soccerfield ay walang tao sa bench. Saan na kaya siya? Late siguro? Haay. Umupo nalang ako sa bench at sinubukan magbasa ng libro pero nasa ibang planeta ang isip ko na laging nagtatanong kung asan na siya at bakit ang tagal niya

Naghintay ako ng naghintay pero wala dumating hanggang sa magbell. Siguro pinaglaruan lang ako. Umalis nalang ako dun

*** (Following days)

Wala na talaga. Lagi akong pumupunta doon umaasa na babalik siya pero wala talagang dumadating eh kaya mas lalo ako nawalan ng pag-asa at nasaktan kasi feeling ko gusto ko siya. Buwiset nito! Sana hindi nalang siya laging nagtatanong para di ako magkagusto sa kanya!

Plano ko sana dito lang sa classroom magbasa ng favorite kong libro na laging kong binabasa nung lagi niya akong tinatanong. Malapit ko na ngang maubos kakabasa pero wala parin siya at hindi ko nakikita

Pero ang ingay sa classroom! Hindi ako makapagconcentrate kaya umalis ako doon at pumunta nalang sa soccerfield, wala paring tao sa bench kaya mag-isa akong umupo doon at nagbasa ulit

Habang nagbabasa ay naramdaman ko na may tumabi sa akin kaya napatingin ako saglit. Nagbabasa rin ito ng libro at di medyo maputi na lalake na nakacross ang legs at mataas ang blonde na buhok lang ang nakita ko, nakatakip kasi ang mukha gamit ang libro kaya di ko makita kaya binalewala ko nalang

" Miss may tanong ako" nabigla ako nung biglang nagsalita ang lalake. Pero iba ang boses niya eh. Sino ba to? Binalewala ko nalang siya at di tinignan " Miss?"

" Oh?" Binaba ko ang libro ko sabay nun ang pagkagulat ko

" Pasado na ba to? Okay na ba? Pwede na baka ako manligaw?" Nakangiti nitong sabi na nagpatibok ng todo sa puso ko

" Raid.." banggit ko sa pangalan niya. Grabe ang pinagbago niya. Blonde ang buhok. Brown ang mga mata , hindi medyo maputi pero kahit na nakaupo. Mataas siya

" Sorry nawala ako ah, pinaghanda ko kasi to"

" Akala ko ba kaibigan mo?"

" Excuse lang yun para makausap ka at hindi awkward. Ngayon ginawa ko na lahat. Papayagan mo na ba ako?"

*lub dub*

" Alam mo Raid, kahit na hindi kapa blonde ang buhok, mataas, brown ang mata, at hindo medyo maputi ay sasagutin parin kita dahil gusto kita" nakangiti kong sabi at ngumiti rin ito mg pabalik

" Isang tanong nalang.." pinakita pa niya index finger niya kaya tumango ako


" Tayo na ba?"bigla ko siyang pinalo

" Hoy! Manligaw ka!" Tumawa nalang kaming dalawa

-End

A/N: Okay lang po ba? Nakakatamad mag-edit so sa lahat bumasa thank you!

Oneshot: May tanong akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon