My Guardian Angel

45 3 0
                                    

My Guardian Angel by Eihka

Hi Guys.. This is my new short story :) Hope na magustuhan niyo.

Add niyo po ako on facebook.. robiesallao_18@yahoo.com ^_^ Lets be friends. Heha! <3

No prologue..

Diretso na agad tayo sa story no? :> Taraaa..!!

****

Umuwi ako ng basang basa sa bahay. Di ko nga alam kung ano yung mga nangyayari kanina eh. Feeling ko pinagtatawanan na siguro ako ng mga taong nakakasalubong ako sa daan. Para akong zombie na naglalakad sa ulan na may bitbit bitbit na isang pirasong rosas na lanta.

Ang sakit..

Sobrang sakit..

Nakipagbreak sakin ang taong pinakakamamahal ko. Ang taong akala kong mamahalin ko panghabang buhay. Ang babaeng akala kong maglalakad sa altar papunta sakin. Ang babaeng akala kong makakasama ko hanggang sa aking huling hininga.

Pero nagkamali ako. Kanina lang.. Kanina lang nang iwanan niya ako. Ang masaklap pa doon, ngayon pa siya nakipagbreak.

Ngayong 4 years na sana kami.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay, sinalubong agad ako ng kapatid kong si Ella.

-Kuya? Anong nangyari sayo? Bakit ka nagpaulan ha?

-Ha? anong nangyari? Kanino? Sakin..? Wala ah.. (sabay iwas ko ng tingin sa kanya)

-Ku-kuya? Naiyak ka ba? :( (niyakap niya ako bigla)

Ayoko ng ganito. Ayokong magdrama sa kapatid ko. Kumalas ako sa pagkakayakap niya sakin. Pinigilan ko namang umiyak. Ayoko kasing nakikita niya akong ganito.. Na nasasaktan. Mahirap na baka sumpungin na naman ng sakit niya..

-Sige na Ella, matulog kana ha? Maaga ka pa bukas. Ayos lang ako. Ayos lang si Kuya ok? Goodnight. (ginulo ko ang buhok niya at ngumiti. Isang fake na smile..)

Nakasimangot pa rin siya pag-alis ko. Alam niya sigurong hindi talaga ako key. Halata naman kasi. Haisst.. Nagshower lang ako at nagpalit ng damit dahil nga basang basa ako sa ulan. Pagkatapos non ay agad agad akong sumalampak sa kama. Hanggang ngayon pinipigilan ko pa rin ang aking mga luha. Nasasaktan pa rin kasi ako. Wala akong ibang ginawa kundi ang magbuntong hininga, mag-isip, buntong-hininga, mag-isip, buntong-hininga, mag-is...

KKRRIINNG.. KKRRIINNG.. KKRRIIINNG.. KKRRIINNG..

FROM: ANGEL (BABY)

Wow?! Tumatawag siya?! Para san pa! Baby?! Tama, baby nga! Di ko pa pala napapalitan yung name niya. Bakit ba kasi siya natawag! Sa ginagawa niya, mas nasasaktan ako lalo eh.! Nyeta.! Nakakaasar!

Di na ako nakatiis at sinagot ko na yung tawag niya.

-Hellow.. (pinilit kong wag umiyak)

Bakit di siya nagsasalita?! tatawag tawag siya eh!

-Hellow?! Ano ba? May sasabihin ka ba?!

-he..hellow baby?

Huminga ako ng malalim dahil feeling ko babagsak ang mga luha ko. Pero Hindi ko na napigilan at bigla nalang tumulo nang mga luha ko.

-Baby? Haha.. Nakakatawa ka naman. Pagkatapos mong makipag break sakin, tatawagin mo akong baby? Pwede ba Angel?! tama na! Sinasaktan mo lang ako lalo eh! (Mas lalong lumakas ang tono ng boses ko and at the same time, ang pag-iyak ko.) Bakit ngayon pa.. B..Bakit ngayon na hindi ako handa.. Bakit ngayon pa na mahal na mahal na kita ng sobra.. (shet.! ang bakla ko!)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon