Patungo na kami ni Cyrax sa venue ng binyagan. Hindi na kami nagtungo sa simbahan ni Cyrax dahil ayaw nyang pumunta. Hudyo talaga ang lalaking ito.
" Cyrax pwede na bang ten thousand pakimkim kay Baby Tifanny " tanong ko habang binibilang ang perang kinuha ko sa wallet nya. Aba'y wala kaya akong pera pero bukod pa doon, sya rin ang bumili ng ireregalo. Oh diba ang sarap magkaroon ng fianceè na mayaman.
" We're here " sabi ni Cyrax.
Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse kaya bumaba na ako. Ngayon na lang uli ako makakapasok sa bahay nila. Matagal tagal rin na hindi ako pumupunta dito dahil may sarili na kaming bahay noon ni Cyrax.
Hinawakan na ako ni Cyrax sa kamay para tumungo sa loob. Binabati kami ng mga katulong na nadadaanan namin. Dalawa kasi yung venue, yung una sa may golden Palace which is yung mga kaibigan, katrabaho ang nandoon pero tapos na daw ang handaan doon. Dito na kami dumiretso sa bahay nila for second venue which is naman invited lang ang family members nila. Kilala na naman ako ng iba kaso ang alam nila dating kaibigan ako ni Cyrax na ngayon ay malapit ng mapangasawa. Ang bilis talaga ng panahon.
" Cyrax! " nakangiting sigaw ni Tita Aletha ng makita kaming dalawa. Kita ko rin ang gulat nya ng makita ang magkahawak naming kamay.
Lumapit kami sa kanila at nagmano ako kaagad. Napansin ko naman ang kakaibang tingin ng dalawang matanda sa akin. Natatandaan ko yung lalaking matanda dahil iyon daw ang Lolo nya samantalang yung babaeng matanda, ngayon ko lang nakita.
" Ah eh he..hello po " bati ko sa kanila saka nagtago ng mabilis sa likod ni Cyrax. " Sino ba sila? May balak ba silang patayin ako? " bulong ko kay Cyrax.
" Don't worry hindi nila magagawa iyon dahil nandito lang ako sa tabi mo " sabi nito sa akin saka ako hinalikan sa ulo.
" Cyraxxxxx! " yung boses ng dimonyitang palaka. Bakit sya invited?! " I miss you Cyrax, Honey " sabay yakap nya kay Cyrax kaya agad kong hinila ang buhok nya at inilayo sya kay Cyrax.
" Gusto mong ipahabol kita sa mga bubuyog para magkaroon ka ng Honey. Naku layu-layuan mo lang si Cyrax dahil ako na nagsasabi sa'yo.. Binabantaan kita " hamon ko sa kanya.
" Cyrax what do you mean by this? " singit ng Lolo nya sa usapan namin. " Are you..faggot? " wow. Faggot agad? Diba pwedeng gay ang tawag.
" If it was you called the two men loving each other. I proudly say yes " walang kaabog-abog na sagot ni Cyrax. Pumalakpak naman ako sa sinagot nya.
" Ang apo ko... " napatingin kami sa Lola nya na muntikan ng mabuwal. Mabuti eh nasalo sya ni Tito Rigo. Nang tiningnan ko naman si Cyrax parang wala lang sa kanya.
" Wala ka talagang puso " bulong ko sa kanya.
" I have but you are the only one who can feel it " sabi nya sa akin na ikinilig ng buong katawan ko. Sabi ko nga meron syang puso.
" Pupunta na kami kay Ate Trixie " sabi ni Cyrax saka ako hinila papaloob hanggang sa makarating kami ng kwarto ni Ate Trixie.
Inabot ko kaagad ang regalo ko para sa inaanak ko at may pinag-usapan silang dalawa ni Cyrax na alam kong seryoso. Nakikinig nga lang ako pero ang narinig ko lang eh, handa na ako, hindi na ako mapipigilan ni Lolo at Lola, yan ang narinig kong sabi ni Cyrax.
Pagkatapos kong makipagkwentuhan kay Ate Trixie ay bumaba na kami para tumungo ng sala. Nandoon ang Mom at Dad ni Cyrax pati na rin yung Lolo't Lola at si unyangong palaka. Talagang...
" Mag-usap tayo " nakakatakot yung boses na ginamit ng Lolo ni Cyrax. Feeling ko talaga may balak syang patayin kaming dalawa.
Umupo na kami sa may sofa which is katapat namin yung matatanda. Sila Tito Rigo at Tita Aletha naman ay pinaalis nila.