Devil # 4

8.1K 183 23
                                    

Chapter 4

//


" Wait! " sabi ko kaya naman lahat sila napatingin sa akin.

" Stop this guys. Please. " dugtong ko pa.



Grabe naman kasi itong si Zen eh.



" Pero Eunice, sinaktan ka niya eh. " sabi ni Zen

" Hi- hindi naman niya sinasadya eh. " sabi ko.

" Kayong tatlo. Tigilan niyo na nga ito. I'll see the three of you in the Principal's Office after school. Got it? " sabi nung teacher.

" Yes sir. " we answered.

" Both of you. Please exit this room. " sabi nung teacher kaya naman lumabas na kami.



Nakakahiya yung ginawa ni Zen. -.- Ano ba naman yan? Tsk tsk. Baka mamaya maririnig ko na lang, pinag uusapan na ako ng mga tao dito sa school dahil sa nangyari.



" Zen? Bakit mo naman ginawa yun? " tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa hallway.

" Nagkapasa ka, dapat lang sa kanya yun. " he answered

" Oo nga pero mapapapunta tayo sa principal's office dahil sa ginawa mo. " paliwanag ko.

" Hayaan mo na yun. Kasama mo naman ako. Tsaka pagsasabihan lang tayo, sigurado ako. " sabi niya.



Wow ha. Di siya natatakot. Malay mo hindi lang kami pagsabihan. Baka parusahan kami diba. Syempre, nanggulo kami ng klase eh tapos sumigaw pa si Zen sa room ng Pilot class.



**



After ng klase ay dumiretso na kami agad sa Principal's Office. Oh my gosh! Ano kayang sasabihin at itatanong samin. Nako naman.



" Bheeeeeeessss! " sigaw ni Leslie na tumatakbo papunta sa amin.

" Shhhhhh! " sabi ko naman. Syempre nasa may Principal's Office kami tas ang ingay niya. Baka madamay pa.



" Bhes! Makikita mo na ulit yung Prince Devil mo! " sabi ni Leslie. Halatang excited na excited siya.



" Anong 'mo' ka dyan? Umuwi ka na nga Bhes o baka gusto mo ikaw ang pumalit sakin dito. " sabi ko.



" Hihintayin na kita. " pagpupumilit niya.

" Wag na Bhes. Gagabihin kami dito. Sige na. "

" Oo na nga. "
tapos niyakap niya ako at nagpaalam na siya sa aming dalawa ni Zen.



Baliw talaga yung bestfriend ko na yun eh. Pinapaangkin ba naman sa akin si Adrian. Tsss. Tas may pa-Prince Devil pang nalalaman. Wow ha! Ano siya? Si Satanas? ( _ _)



And speaking of the Devil. Ayan na siya papunta na dito samin.



" Eunice " tawag niya sakin.



Tumayo si Zen sa pagkakaupo niya at tumayo sa harap ko.



" Layuan mo siya. " sabi ni Zen

" Bakit? Sayo ba si Eunice? " masungit niyang tanong.

" Hi- hindi. " mahinang sabi ni Zen.

" Hindi naman pala eh. Kaya wag ka humarang. " tapos lumapit sa akin bigla si Adrian at hinawakan yung braso ko.



Tinignan tignan niya ito. " So- sorry " sabi niya.



" Sorry? Sorry lang?! Kapal mo din eh. " naiinis kong sinabi.

" Pare sinabing lumayo ka na eh! " sigaw ni Zen

" Wag mo nga akong tawaging Pare! Nakakasuka! Hindi kita katropa at lalong lalo nang hindi kita kaibigan kaya wag mo ko tatawaging pare!! " sigaw naman ni Adrian.

" Eh Gago ka pala eh! " sabi ni Zen

" Oo gago talaga ako! " sabay sapak ni Adrian kay Zen.



Nagsimula na silang magsigawan, magmurahan at magsuntukan.



Pumunta agad ako sa faculty para tumawag ng teacher. " Excuse me po. May nag aaway po doon. " sabi ko. Kaya naman sinundan na ako nung ibang teachers ako papunta dun sa dalawa.



" Layuan mo si Eunice! " sigaw ni Zen

" Gago! Ikaw ang lumayo! " sabi naman ni Adrian.

" Matagal na kaming magkaibigan! " -Zen

" Pero hindi siya sayo! " -Adrian

" Gago ka! " -Zen

" Mas gago talaga! " -Adrian



Yan yung mga pinagsisisigaw nila.



" Stop it!!!!!!!!!!!!!!!! " the principal shouted. Si Mr. Gonzales.



Kaya naman napatigil na yung dalawa. Pareho silang gulat na gulat nung nakita nila na yung Principal ang sumigaw.



" Both of you. Go inside! " he shouted sabay turo sa Office niya.

" Mr. Gonzales. Si Ms. Adams din. Kasali siya. " sabi nung teacher. Siya yung nagklaklase kanina sa Pilot Class.



Pumasok na kaming tatlo sa Office ni Mr. Gonzales. Tahimik na tahimik ang paligid. Ingay lang ng electric fan ang maririnig mo. Ako yung nasa gitna nilang dalwa. Syempre, baka mamaya kung ano na naman ang mangyari.



" Eunice. What happened? " tanong ni Mr. Gonzales.

" Nagkapasa po kasi ako sa braso dahil kay Adrian. " paliwanag ko.

" Hindi ko naman po sinasadya eh. " -Adrian

" Anong hindi sinasadya! " sigaw ni Zen.

" Hindi ko naman nga talaga sinasadya! " sigaw naman ni Adrian.



" ANO BA?! PWEDE BANG TUMAHIMIK MUNA KAYONG DALAWA! PAREHO NAMAN KAYONG NAGKAMALI EH! PAREHO KAYONG MAY KASALANAN! " hindi ko na namalayang napatayo ako habang sumisigaw ako.



" Mr. Gonzales. Pareho niyo po silang parusahan. Pareho silang may kasalanan ng nangyari. " sabi ko habang nakatayo parin.



" Okey Eunice. You may go. " sabi ni Mr. Gonzales kaya naman nagdirediretso na ako papalabas.



Bakit ba sila ganun? Pareho naman silang may kasalanan sa nangyari. Si Adrian. Siya ang dahilan kung bakit may pasa ako sa braso. Dahil nga sa pagkakahawak niya sa akin. Si Zen naman. Sa sobrang protective niya, pinuntahan pa niya si Adrian sa Pilot Class. Tapos ngayon, nagaway pa sila.



Puro sariling kagustuhan lang nila ang iniisip nila. Eh pano naman ako? Ako yung nadadamay sa ginagawa nila eh. Tssss



--

vote and comment po kung nagustuhan niyo :)

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon