Minsan may isang tanga

20 2 0
                                    

Noon pinagtatawanan ko ang ibang tao dahil ang tanga tanga nila sa pag ibig. May mga taong umiiyak dahil sa pag ibig, mga baliw na baliw sa pag ibig. Minahamahal ang mga taong hindi sila mahal at binabalewale naman ang mga taong nagmamahal sa kanila.

Hirap na hirap din silang mag move with their exes na alam naman nilang masaya na sa piling ng iba. Hindi makatulog, hindi makakain. Para bang katapusan na ng mundo para sa kanila.

Sabi nga ng mga kaibigan ko, tumawa ako ngayon, dahil sa oras na maramdaman ko ito ako naman ang pag tatawanan nila. Sabi ko naman, the hell it's gonna happen. Hindi ako magpapakatanga.

Pero sino bang mag aakala na kakainin ko ang mga sinabi ko?

Oo! Kinain ko ang mga sinabi ko mula ng makilala ko yung ex ko. Hindi siya yung first boyfriend ko pero mas minahal ko siya sa naging boyfriend ko.

Mas minahal ko siya dahil mas naramdaman ko ang pagiging girlfriend ko sa kanya. Nagdedate kami. Sabay kaming nag bebreakfast and lunch, susunduin sa trabaho at hinahatid niya ko sa terminal ng bus pag uwian.

May nakapagsabi sakin na may girlfriend daw siya bukod sakin. Nagpunta daw nung birthday niya at nagkipaginuman. Hindi ako nakapunta nun eh. Malayo kasi ang bahay ko at hindi ako umiinom. We promised that we will spent some other time for us. Kaso hindi natuloy. Hindi kasi siya sumipot.

Naubusan ako ng pasensya kaya kinumpronta ko siya sa mga naririnig kong chismis tungkol sa kanya. Sinabi pa nga niya mas naniniwala pa ako sa sinasabi ng iba kesa sa sakanya na boyfriend ko. Ako naman napaisip. Oo nga naman dapat may tiwala ako sa kanya para mag work yung relationship namin.

Dumating yung time na alam kong mahal ko na nga talaga siya that I am willing to introduce him to my family. Pero ayaw niya. Nahihiya daw siya or natatakot siya. Wala naman dapat ikatakot dahil mabait naman ang family ko. I tried to explain na hindi sila mapanghusgang tao.

May family was so excited to meet him because they knew I was so happy with him. Pero dahil ayaw niyang magpakita sa kanila it changed into disgust. Bakit hindi daw niya kayang humarap sa kanila? Ano daw bang ikinatatakot niya? Then there's the expeculation na he has another woman. Yung sinasabi niyang baby ng kapatid niya was really his daughter.

There are times na he doesn' t want me to call or text in his number in a certain day and time. Nakakapagduda, pero mahal ko eh kaya inintindi ko na lang.

Habang kami pa ng kasalukuyan kong boyfriend. Biglang nagparamdaman yung dati kong katrabaho. Tinawagan niya ko and he's asking me out. Alam ko noon pa na may gusto na siya sakin. Pero hindi naman niya ko niligawan. I like him dahil nararamdaman kong mabait siyang tao pero bakit ngayon lang siya nagparamdam? Kung kelan taken na ko. Heto ako't nagpapakaloyal sa taong hindi ko sigurado kung nagiging tapat ba sakin.

Siguro nga tanga na talaga ko. Dahil nagawa ko pang ibigay ang sarili ko sa kanya. Sumama ako sa kanya sa motel. Hindi lang isa o dalawa pero tatlong beses akong sumama sa kanya. Ginusto ko din eh. Nasarapan ako. Naisip kong mas titibay ang relasyon naming dalawa kung paliligayahin ko siya sa ganoong paraan.

Sabi pa nga niya ang swerte niya daw dahil naging girlfriend niya ko o dahil ba nalaman niyang virgin ako nung mga panahong yun? He was my first. Hindi naman akong nagsisi dahil ibinigay ko naman sa taong mahal ko.

Pero mahirap na talaga pag nabubulag ka sa pagmamahal. Lahat nakakalimutan mo. Pati nga pamilya ay nagagawang talikuran.

Nagkaroon ng lamat ang relasyon namin sa pamilya ng dahil sa kanya. Nang malaman nilang hindi na ko dinadatnan. I was so scared. Nabigyan ako ng mag asawang sampal dahil sa katangahan ko. Pinapalayas nga ako samin for being so irresponsible. I was planning to work abroad that time. Pasado na ko eh, date of flight na lang ang hinihintay and in that case parang hindi na matutuloy.

Tinawagan ko siya at sinabi kong delayed ako. Bumili daw ako ng pregnancy test to confirm. I asked him what if I'm pregnant? Ang sabi niya lang uminom ako ng gamot para datnan ako. Para bang sinasabi niyang ipalaglag ko. Hindi pa daw kasi siya ready maging ama.

Bakit ba ganun ang mga lalaki? Kukunin lang ang pagkakababae mo at pag naibigay mo na ay iiwan ka? I was so flusterred. Para bang gumuho ang mundo ko.

Sa sobrang sama ng loob ko sa kanya nagrant ako thru text. Gusto niya magkita kami para magkausap. Sabi ng parents ko what if bumigay na naman ako? Alam nila eh. Alam nilang baliw na baliw ako. Hindi nila ko pinalabas ng bahay. Hindi na rin nila ako pinapasok sa trabaho. AWOL ako.

Hinarap ko ang takot ko. Nagpacheck up ako. The result. Negative. Pero hindi pa sure that's why the doctor prescribed a vitamin that is good for me and for a baby. Kung delayed daw ako pamparegla, but if I'm pregnant pampakapit.

After one week of taking the vitamin nakakita ako ng mantsa ng dugo sa underwear ko. I was so happy. Matutuloy ako abroad. Hindi pa man tuluyang gumagaling yung sugat na nagawa ko sa pamilya ko I know na patatawarin din nila ako. Maybe pagbalik ko after one year.

Naging masaya naman ako. Nakalimutan siya. I didn't open my heart to anyone hindi dahil mahal ko pa siya kundi natatakot akong maging iresponsable ulit. Natatakot akong maibigay ko na naman ang puso ko sa maling tao. I became a better person pagbalik ko.

Lumipas ang mga panahong nasanay na akong mag isa. Not longing for someone like, boyfriend. Masaya na ako sa pagmamahal ng family ko at suporta ng mga kaibigan ko.

Ngayon nga, ako na yung itinataboy ng parents ko para mag asawa. Mas may tiwala na sila sakin ngayon. Alam nilang mas responsable na ako after what happened. Pero ako ang umaayaw.

One time I was browsing my facebook account until my former colleage appeared. Yung status niya, engaged with (insert the name of his girl). Bigla akong nakaramdam ng panghihinayang. Months after, nakita ko yung pictures ng wedding nila. Ang tanga ko naman din talaga.

Bakit ba ako nagpakaloyal sa ex kong yon? Edi sana maaaring ako yung na engaged sa kanya and that was our wedding.

Ano kaya kung iniwan ko yung ex ko nung nagkakalabuan kami para sakanya? Kaya lang ako ang lalabas na nang iwan. Sa akin ang bunton ng sisi at isa ako sa mga babaeng sasabihan ng makati at hindi kuntento sa isa.

Siguro hindi sila para sakin. Hindi pa dumadating ang tamang tao na inilaan para kumpletuhin ang pagkatao ko and I'm willing to wait. Even if it takes me to forever.

End.

Minsan may isang tanga (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon