Hi guys!! Muli, ako'y nagbabalik. HAHA. Matagal na kase saken nirequest 'to na mag sulat pa daw ako ng mga horror stories. So eto na!! Sana maappreciate nyo :). GodSpeed <3
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
2:43am. Oras mula sa alarm clock na nasa ibabaw ng isang maliit na mesa sa loob ng maid’s quarter. Ikalabintatlong araw ng buwan ng Agosto. Maliit lang ang silid. Masikip ngunit tama lang para maokupahan ng isang tao. May isang lumang cabinet, maliit na kama, mesa, upuan, ceiling fan, at lampshade. Kulay dilaw ang pintura ng mga dingding. Patay ang ilaw at ang tanging liwanag lamang na tumatanglaw sa silid ay nagmumula sa liwanag ng buwan na tumatagos sa bintanang salamin.
Mahimbing nang natutulog matapos ang buong maghapon na pagtatrabaho si Bettina, isang dalagang Pilipina na Domestic Helper. May isang buwan pa lamang nang lisanin niya ang Pilipinas upang magtrabaho ditto sa Hong Kong. Panganay siya sa kanilang tatlong magkakapatid. Napagpasyahan niyang makipagsapalaran sa ibang bansa upang magtrabaho nang sa gayon ay makatulong siya sa pagpapaaral sa kanyang dalawang nakababatang kapatid at maging sa pagpapagamot na rin sa nanay niyang may sakit sa mata.
Napakatahimik nang mga sandaling iyon sa loob ng silid. Tanging tunog lamang ng pag-ikot ng ceiling fan ang syang tanging naririnig. Nang biglang umikot ang door knob at unti-unting bumukas ang pinto. Isang matabang lalaking Intsik ang pumasok sa silid, isinara ang pinto, at dahan-dahang lumapit sa kinahihigaan ni Bettina. Pinagmasdan niya ang katawan ng walang malay na dalaga. Marahang hinaplos nito ang braso ni Bettina, inamoy-amoy ang buhok, at saka dahan-dahang inalis ang kumot na tumatakip sa katawan ng nahihimbing na dalaga. Hinawakan ng Intsik ang pisngi ni Bettina at aktong hahalikan na ang labi nito nang magising ang dalaga.
“S-Sir?” pagkabigla ni Bettina nang makitang nakaupo sa gilid ng kanyang kama ang amo niyang Intsik. Tatayo n asana si Bettina nang itulak sya pahiga ng kanyang amo. Saka sinabunutan ang kanyang buhok at itinutok ang kutsilyo sa kanyang leeg.
“ Ssssh…安静!不要制造噪音,否我会了你!(Ssssh… Be quiet! Don’t make noise or else I will kill you!),” banta sa kanya ng amo niya. Wala nang nagawa si Bettina kundi ang umiyak dahil sa sobrang takot. Napakabait sa kanya ng kanyang amo,lalo na ang asawa nito, kaya’t hindi niya inakalang magagawa ito sa kanya.
“主席先生,求求你!不要!(S-Sir, please! Don’t!)”
“安静! (Be Quiet!)” mahina pero galit na tugon ng amo niya. Hinigpitan nito ang sabunot sa buhok ni Bettina. Saka biglang hinalikan ang leeg na tila ba isang tigreng hayok na hayok sa laman. Pigil na pigil si Bettina sa pag-iyak dahil nakatutok pa rin sa kanyang leeg ang matalas na kutsilyo. Inilihis ng Intsik ang strap ng kanyang sleeveless na blouse sa kanyang kanang braso, saka inilihis din ang strap ng bra niya kaya lumantad ang kanan niyang dibdib. Napangisi ang matandang Intsik dahil matagal na pala niyang pinagnanasaan ang kasambahay. Nilamutak ng matanda ang kanang dibdib ni Bettina saka sinibasib ng halik ang labi nito. Walang magawa si Bettina kundi ang lumuha dahil sa kahayukang ginagawa sa kanya ng kanyang amo.
"张开你的嘴 (Open your mouth!)," utos ng amo niya. Ngunit kapag hinahalikan na syang muli nito ay tikom pa rin ang kanyang bibig. Dahil sa pagmamatigas ni Bettina ay bigla siyang sinampal nito ng malakas sa mukha kung kaya't tuluyan na syang napahagulgol ng iyak. Sabay halik sa kanyang muli ng kanyang amo.
Halos masuka si Bettina sa amoy at lasa ng bibig ng kanyang amo. Nalalasahan niya ang alak na ininom nito maging ang hinithit na sigarilyo. Habang hinahalikan siya ng kanyang amo ay naglulumikot ang dila nito sa loob ng kanyang bibig. Walang ano-ano'y naramdaman ni Bettina na hinihimas na ng Intsik ang kanyang binti at unti-unti nang ibinababa ang suot nyang pajama. Itinaas ni Bettina ang kanyang kamay at ipinatong sa mesa na nasa gilid ng kanyang kama. Nang may mahawakang matigas na bagay,na alam nyang iyon ay ang kanyang alarm clock, ay agad niya iyong ipinukpok sa ulo ng kanyang amo sabay kagat sa dila nito na nasa loob pa rin ng kanyang bibig.