Chapter 21
[Marjorie's POV]
Hindi ko na lang sila pinansin dahil wala din namang mangyayari sakin. Oo nagseselos ako. Kaso mukhang wala namang paki si John kahit na tumambling at magcramping pa ko dito dahil sa selos.
Kainis naman, fully charge ako kanina pero parang bigla akong nalow batt =___=
Tsk, bakit ba kasi hindi ako crush ng crush ko? Dahil ba mahal pa nya ang ex nya? WAAAW, ang sakit dre T____T
"Marj, nandito ka na pala! MAGANDANG MOOOORNEEEENG!" bati sakin ni Bryan.
"Oo, obvious naman diba? Tsaka wala namang maganda sa morning =__="
"Ay hanep oh, ang aga-aga high blood ka na agad? Tsaka anong walang maganda sa morning, meron kaya... ikaw..." binulong nya lang yung huling word na sinabi nya kaya hindi ko narinig.
"Ano?!"
"Wala... Wag ka ngang sumimangot, ang panget mo!"
"Tss, sige nga bigyan mo ko ng tatlong bagay na dapat kong ikatuwa."
"Sige ba! Okay una, hmmm... Dapat masaya ka dahil buhay ka pa." sus buhay nga ko eh hindi naman kanais-nais nakikita ko. Pero may point naman si Bryan. I should be thankful dahil buhay pa ko.
"Second, dahil nandito ako *wink*"
"Eh??! Pano---"
"Hep! Hindi pa ko tapos. Mamaya ka na magreact dyan ha. Okay, yung pangatlo, dahil hinahanap ka na ng friends mo. Hala sige puntahan mo na sila dun kanina ka pa nila hinihintay." sabi nya at pinagtulakan na nya ako papunta kanila Jade at Megan.
Pero ano bang sinasabi nyang dapat akong maging masaya dahil nandyan sya?
Minsan nawiwirdohan na ako sa kinikilos nya sakin eh. Ayoko lang bigyan ng kahulugan pero... Ah basta, wala lang yun.
"Uy andyan ka na pala girl. Oo nga pala, tayo ang naassign dito sa tables ngayon." sabi agad sakin ni Jade habang inaayos yung mga paddle.
"Ah ganun ba, o---" hindi ako nakatapos sa pagsasalita nung biglang sumingit si Bryan.
"Smile ha. Remember, buhay ka, andito ako at mga kaibigan mo ^____^ *wink*" sabi nya at ginulo yung buhok ko at umalis na din agad.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Teen FictionMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...