Chapter 34: Best Night Ever

62 1 0
                                    

A/N: Alright! Chapter 34 is ready! Hope you'll like it! Enjoy reading!

Quote of the day:

• One day I woke up and I changed. I no longer longed to see my friend. Or eat, or sleep, or live. I think if someone actually cared, they would have noticed that I was slowly dying.

********

Kristine's POV:

          Haayy, naiinis na 'ko kay Kaizer. Ilang araw na siyang ganito. Walang pakealam sakin. Lagi siyang busy. Lagi din siyang walang time sakin. Asan na lahat ng sinabi niya? Nakalimutan na niya? Puro pangako, mapapako lang din pala. Sabi naman ni Jewel at Pearl wala lang daw 'yon. Aist.

"Ate, binili kita ng dress sa mall kahapon! Isuot mo." Napatingin ako sa may pinto at pumasok ang dalawa.

"Wow, ang ganda naman nito. Bakit ibinili niyo 'ko?" Nakangiti kong sabi at tiningnan ko sa salamin kung bagay ba sakin.

"Aalis kasi tayo maya-maya eh. Para syempre prepared ka din. Hihi." Dagdag ni Pearl.

"Mabuti nalang hindi pa ganun kalaki ang tiyan ko at kasya pa."

"Kaya nga iyan ang binili namin para sayo eh."

"Saan ba tayo pupunta mamaya? Gabi na ah." Nagkatinginan naman sila at parang nag-uusap sa mata kung anong sasabihin.

"Sa... basta! Surprise! Ha-hahahaah!" Nag-apir sila nang makasagot si Jewel at tumawa pa. Mga may tinatago sakin.

"Okay sige. Nasaan nga pala ang kuya niyo?"

"Hindi siya uuwi ngayong dinner eh. Busy daw siya sa office." Sagot ni Pearl.

"Ano pa nga ba? Lagi naman siyang busy eh. Hindi niya yata napapansin na nawawalan na siya ng time sakin. Nakakainis siya."

"E baka busy lang talaga ate? Hayaan mo, babawi din 'yun sayo."

"Ganun naman siya lagi eh! Lagi nalang akong pangalawa. Lagi niyang inuuna yung trabaho niya bago ako. Bwisit siya! May pangako pa siyang nalalaman! Tapos... tapos... *sob*." Wala na hindi ko na napigilan na maiyak.

"Sshhh, tahan na ate. Teka, tatawagan ko si Kuya. Ikaw muna bahala diyan Pearl."

Jewel Krizlee's POV:

"Hello kuya?! Si ate Kristine umiiyak!"

"What? Why?" Takang tanong niya.

"Iniisip niya na wala ka ng time sa kanya dahil busy ka sa preparation sa proposal mo sa kanya. Pumunta na kaya kami diyan? Tutal one hour nalang din naman eh."

"Tch, okay fine. Magbihis na kayo. Siguraduhin niyong maganda siya ha!?"

"Oo kuya."

          Nang ibaba ko na ang phone ay pumasok ulit ako sa kwarto niya at umiiyak pa din siya. Akala mo lang yan ate. Di mo lang alam para sayo ang ginagawa ni Kuya.

"Ate, magbihis kana. Isuot mo na 'yang dress." Sabi ko.

"Akala ko ba mamaya pa?" Tanong niya at pinunasan ang luha niya.

"Krizlee?" Nagtatakang tanong ni Danielle.

"Okay na. Sige na, magbihis kana ate. Aalis na tayo. Hayaan mo si kuya."

           After 45 minutes ay nakaayos na nga siya. Grabeee! Ang ganda-ganda ni Ateee! Gosh, alam kong maganda na siya pero di ko akalain na ganito siya kaganda pag naka-make up!

"Jewel? Danielle? Bat nakanganga kayo?" Tanong niya samin.

"Wow!" Sabay naming sabi.

"Bagay na bagay sayo 'yung dress! Tapos... kyaaaaahhh! Ang ganda mo ateee! Pa-selfie naman kami ni Krizlee oh? Bago tayo umalis!" Sabat ni Danielle.

Memories of the Past (One Liter of Tears)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon