Prolouge:

58 4 0
                                    

Chin up.
Stomach in.
Chest out.

She walk slowly. Lahat ng mga mata nasa kanya. Bakit ba naman hindi?

Maganda.
Sopistikada.
Maganda.
Dyosa.
Maganda.
Mayaman.
Maganda.

Teka, nasabi ko na bang maganda siya? Well, kung hindi pa. MAGANDA SIYA.

Ay mali! Hindi pala. Dahil isa siyang DYOSA. Dyosa ng kagandahan.

Lahat ng taong madadaanan niya, ay siguradong mapapasunod ng tingin. Tinaasan niya ito ng kilay.

"I know that I'm pretty. I'm sorry pero hindi ako namimigay! Back off." Ngumiti siya ng malawak saka umirap. Napa-iwas naman ng tingin ang mga babae habang ang mga lalaki ay naglalaway pa rin.

"Tss. Parang mga aso. Ano ako buto? Sa sexy kong 'to?! Bigwasan ko sila isa-isa eh."

She said pero sa isip lang niya. Yan si Summer. Tipid magsalita pero madaldal. Weird right? What I mean is tipid magsalita kung hindi ka niya kilala but she's noisy when you two are close. And oh, malikot at maingay siyang mag-isip. Just think how that happen.

Papunta siya ngayon sa VIP room ng Empire High Academy. Pinatatawag kasi siya ng manager.

She opened the door without hesitant. Wala siyang pake kung may ma-eenterupt man siyang tao sa loob ng VIP. Para saan pa yung mga tinuro sa kanya?

"Oh 'yan na pala siya eh. Masyado ka kasing paranoid. Naistorbo mo pa ako. May tinututor pa ako, manager. Remember?" Sabi ng babaeng nadatnan niya na kinakausap ng manager niya. Tinignan siya ng babae. "Summer, una na 'ko ha? Hintayin niyo na lang ako sa bahay. Gotta go! Bye." Saka ito lumabas sa kwarto.

Janice Rivera. One of her bestfriend. She's the leader of the tutoress.

From the word tutor, isa siya sa mga nagtuturo sa mga bobong estydyante sa Empire.

May kalakihan ang kwarto. May 4 na pinto.

"Umupo ka na Summer." Sabi ng manager nila na siyang sinunod naman niya.

Greg Buenavista. The manager. Manager ng 4 na grupo. Tutoress, Jocks, Queens and Tamers.

Tutoress- Mga babaeng matatalino. Maasahan sila sa pagtuturo ng mga bobong estudyante. The leader? As I said earlier, si Janice Rivera.

Jock- Well, sila ang mga babaeng obssess sa sports. Maaasahan sila sa pagpapapanalo ng school sa larangan ng sports. The leader? Samantha Seho. Also one of Summer's bestfriend.

Queens- Maganda. Maganda. Maganda. San pa ba sila maaasahan? Sa mga beauty contest. Not only beauty. Matatalino rin sila. Leader? Daniela Suarez. Also Summer's bestfriend.

And lastly,

Tamers- Bitch at war freak pero mga dyosa. Maasahan sila sa pagpapa-amo ng mga rebelde at suwail na estudyante. Sa lahat ng grupo, ang tamer ang mga trained. Dalawa lang silang tamers. Margaret Andrea Guatamiel, Summer's bestfriend again. And the leader? Walang iba kungdi si Summer Dainne Montreal.

Silang lima ay magkakasama sa iisang bahay. Bakit? Pinalayas sila ng kanilang mga magulang. Si Summer at Sam mga matitigas ang ulo. Si Marj, puro damit at sapatos ang inaatupag. Si Ella puro pagpapaganda. Si Janice? Wala namang mali sa kanya. Gusto lang ng mga magulang niya na maging independent siya. Wala silang pera kaya napasubo sila sa kabaliwan ng school na'to. Dahil bukod sa libre ang tuition nila, may extra income pa. Kaya lahat sila kasali dito.

Walang alam ang mga estudyante na may ganito sa school nila. Parent at tanging teacher at pincipal lang. Lalapit lang kay Greg ang mga magulang o teachers saka magbabayad then boom. May mission na sila. And about kung paano ka makakasali dito, they will just talk to you in private if ever man na nababagay ka sa grupo nila. In case of the tamers, dalawa lang sila dahil ayaw ni Summer. Maraming bitch sa school nila pero para sa kanya, hindi sila qualified. Wala daw kasing looks.

Back to the reality...

"Alam kong mainipan ka kaya didiretsuhin na kita. And please, do it properly. Ang principal na mismo ang lumapit sa'kin para paki-usapan ka." Panimula ng manager.

Bahagyang nagulat si Summer. Matagal na kasi ng huli siyang nagka'client'. Hindi na siya binigyan simula ng lumipat ng ibang bansa yung huli niyang client. Nasobrahan ata siya. Simula nu'n lahat na ng mga pinapa-among estudyante, inaasa lang kay Marj.

"Okay. Give me the files. His or her?"

Tumingin ng seryoso sa kanya ang manager. " He's a boy. Wait... Are you serious? If not, please Summer. Take it seriously! Malapit ka nang tanggalan ng tuition fee!" Histerikal na sabi niya.

Inikot lang ni Summer ang kanyang mga mata. "I'm serious Greg. Hurry up. Ikaw na nga ang nagsabi. Maiinipin ako."

Oo, wala siyang galang. Alam niya 'yun at sanay na ang manager niya sa kanya.

Pagkabigay ng mga documents, lumabas na agad siya at dumiretso sa parking lot. Sumakay siya sa kotse niya saka pinaharurot papunta sa apartment nila. Pagkarating niya, inihilera na niya ito katabi ng dalawa pang kotse. Mukhang nandito na si Sam at Marj.

"Honey I'm hooooooooooooome!" Sigaw niya pagkapasok sa bahay. Eto ang totoong Summer Dainne. You can't talk to her in school (or maybe you can but she won't answer you) but she's so makulit in their apartment.

"Pake ko honey if your hoooooooooooome" Gaya sa kanya si Samantha habang nanunuod sa sala.

Maganda ang apartment nila. Well, syempre at first, walang kalaman-laman ng lumipat sila. Pero nung medyo nagtagal na sila kay Greg, nakabili na rin sila ng gamit. Pati nga kotse eh.

Inirapan lang siya ni Summer at umakyat na sa kwarto niya. Bago siya magpalit, tinignan niya muna kung sinong 'malas' na lalaki ang paaamuhin niya.

Pagkabukas ng envelop, saglit siyang napatigil dahil sa picture. Sht! Ang gwapo ba naman! Pero dahil siya si Summer, mas nakita niya ang kayabangan ng lalaki.

"Tss. Picture pa lang mukha ng dragon."

Binasa niya ang iba pang info ng kanyang papa-amuhin.

Age: 16
Birthday: February 28 ****

She stopped reading.

"Anong date na ba ngayon?" She asked herself tsaka tumingin sa phone niya.

July 3 **** 5:21 PM

"Malayo pa pala." Sagot niya sa tanong niya.

She continue reading.

Grade/Year: Grade 10
Section: III

She stopped again. And rolled her eyes for the nth time.

"Lilipat na naman ako ng section. Argh."

Dahil tinamad na siyang magbasa, hinanapa na niya agad ang pangalan. Lagi kasing nasa pinakadulo nakusulat ang pangalan.

"BINGO! ZACHARY VANN KAHN, HUMANDA KA SA'KIN."

Sa isip niya, ang malas ng lalaking ito dahil siya ang magpapa-amo. Pero si Zach nga ba ang malas? O siya?

---

Author's Note: ALL I CAN SAY IS EDI WOW HAHAHAHA. 2nd story. Inulit ko na naman. Last na 'to promise❤❤❤

ps. ginawa ko siyang grade 10 since di ko alam yung system ng senior high.

Supreme Twelve Series#1

All right reserved 10/18/15
Copyright © wandereksyonxx

NO TO PLAGIARISM!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to Tame a Dragon 101 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon