Unang araw

3 0 0
                                    

Dati akala ko di na ako muling iibig pa. Akala ko si Mike lang ang nasa puso ko. Mahal na mahal ko yun since First year highschool ako. Although nasasaktan ako, patuloy pa rin ako na umaasa na baka mapapansin nya ako, umaasa rin ako na baka "MAGING KAMI"
Kaso hanggang asa na lang ako. Kasi sa palagay ko nagpapafall lang siya. Kaya napaisip ako na magmove na kaya ako, kasi ako lang din naman ang nasasaktan e.
Kaso parang ayoko pa. HINDI KO PA KAYA. Matagal na rin kasi ang pinagsamahan namin kaya ang hirap maglet go, lalo na kung mahal mo. Diba?

Hanggang sa mag-away kami one day. Kasi may mga bagay na ayokong malaman nya. Kasi nga crush ko sya. Kahit kayo naman diba, nakakahiya kasi. Kaya pinilit kong wag nyang malaman. Mapilit sya. Sobraaa. Nagtampo sya. Yun yung ugali nya na hindi ko pa alam simula nung nagkakilala kami.

Matagal kami di nagusap. Nagiwasan. Mag-usap man may ilangan at di na ganun sa dati. Mga 6½ months kaming ganun.

Hangang dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ang magkaayos kami.
Syempre sobrang tuwang-tuwa ako. Pero hindi kami tulad ng dati.
Hindi na kami yung Sweet at caring sa isa't isa. Minsan siguro may part na Oo.

Hanggang isang araw may nakita ako na isang lalaki. Cute, matangkad, hindi ganoon ka gwapo, may dimples at higit sa lahat maganda yung mata. Naattract agad ako sa kanya. Sobrang gwapong-gwapo ako sa kanya. Yung mga kaibigan ko ayaw maniwala kasi di naman talaga sya totally Gwapo. Ewan ko ba. Si Mike kasi hindi rin sya ganon kagwapo. Siguro, hindi lang talaga ako naattract sa mga sobrang gwapo, siguro ang gusto ko ay simple lang yung mukha.
Sobrang maamo ang mukha nya. Di ko mapigilang ngumiti pag anjan siya. Ang pangalan nya ay John. ☺

Kaso yung pagmamahal ko na kay Mike pa rin.

Alam ko mga nasa isip nyo, na 2timer ako, sige isipin nyo na ang gusto nyong isipin pero yun talaga e.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong sa mga kaibigan ko.
Tinanong ko sa kanila
"Mahal ko si Mike pero kapag nakikita ko si John napapasaya nya ang araw ko kahit wala siyang ginagawa. Hindi pa ako nakakamove-on kay Mike, nasasaktan pa rin ako sa tuwing may katawanan siyang iba, nagfaflash back lahat ng nangyari noon"

Gulong gulo talaga ako that day.
Hanggang may isang akong kaibigang nagsabi na

"Wala naman palang problema, mahal mo pa rin yung una. Nagwapuhan ka lang naman dun sa isa, napapasmile ka kapag nakikita mo sya kasi gwapo nga. Natural lang yan sa atin. Ang mag-asawa nga e may crush pa at may nagagwapuhan/nagagandagan din sila.
Tingnan mo pag nagwapuhan ba ang isang babae sa artista mahal na, diba crush lang, kaya wag kang maguluhan"

Naliwanagan ako sa sinabe sa akin ni Vincent.

Just my imagination.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at first sight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon