Hindi ko alam kung paano ko siya nagustuhan. Kung bakit lagi ko siyang iniisip. Siguro ay dahil narin 'yun sa mabait siya, matulungin pero alam ko hindi lang dahil dun kaya ko siya nagustuhan.
Hindi kami close, Hindi kami magkaibigan. Sila lang ng ate ko dahil magkaklase sila nung hihgschool at hanggang ngayong college na kami. Isang year lang naman ang agwat namin e, pero bakit parang ang layo ng agwat namin kung makaasta siya saakin.
Nung tumungtung ako sa college noon ay dun ko lang napagisipan na sabihin sakanya ang nararamdaman ko, pero mas lalo niya akong hindi pinansin.
Alam kong ayaw niya saakin. Alam kong never niya akong magugustuhan. Hindi ko alam kung ano ang problema saakin. Ang attittude ko ba? O mas gusto lang niya ng mas sexy saakin? Ng mas mahinhin? Hindi mahilig sa parties? Ano? Kasi gulong gulo na ako. Lahat na ata ng pwedeng baguhin saakin ay binago ko na.
"Hindi parin ba?" Eto nanaman ako, pinapahiya ang sarili ko. Pero kahit na ganun ay taas noo lang. Kahit na alam ko namang masasaktan lang ako.
Five years. Five years ko na siyang sinusuyo. Ang galing diba? Ako 'tong babae tapos ako pa 'tong nanunuyo. Nakakainis lang ay sa loob ng limang taon na iyon ay walang improvement. Ni isa!
"Wag mo na ipagpilitan saakin ang sarili mo. Ikaw lang rin ang masasaktan." Tumikhim siya. Bakit? Akala ba niya na hindi ko alam ang mga sinasabi niyang iyan? Akala ba niya na hindi ako mulat sa sinabing niyang yan? Alam ko! Sinampal na sakin yang katotohanang yan dati palang. "Dahil sa ginagawa mong 'yan ay mas lalo lang akong naiinis sayo! Mas lalo lang kita kinamuhian. I hate girls like you!" At sa unang pagkakataon sa limang taon na iyon ay dun ko lang naramdama ang sobrang sobrang sakit.
Sa unang pagkakataon ay naluha ako. Shit! Hindi ganito kababaw ang luha ko. Bakit ganito? "Hindi ko maintindihan! Hindi ko maintindihan kung bakit ka galit saakin dahil lang pinagpipilitan ko ang sarili ko sayo, na lagi ko pinaparamdam sayo na gusto kita. Mali ba na ipakita at iparamdam sayo na gusto kita? Mali na ba 'yun?" Hindi ko matanggap! "Wala ka namang gustong iba, hindi ka pa nga rin nagkakagirlfriend. So what's keeping you from trying this thing with me? Kahit try man lang di mo magawa! Hindi sa sinisisi kita sa lahat ng 'to pero kasi di ko matanggap na ganun lang ang rason mo."
Shit ka Georgina! Pigilan mo luha mo! 'Wag na 'wag mong ipakita sakanya na mahina ka ngayon. "I just don't like you, okay? Ano ba ang hindi mo maintindihan dun? I. Don't. Like. You. Isn't that enough reason?" Umiling lang ako. No. It's not. Bakit naman? Ang gulo.
Nakita ko ang irita sa kanyang mata. Sorry. Sorry dahil pagnakikita mo ako ay nasisira ang araw mo. Sana balang araw ay mabaliktad naman 'yun, na parang ako, pagnakikita kita buo na ang araw ko. Aasa nalang ako sa mga sana.
"I have my own issues, that's why. So please, just fucking go." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ngayon palang niya ako tinaboy, ngayon palang niya ako sinabihan nun. Kung guguluhin ko naman siya ay lagi lang niya ako di pinapansin.
Mas masakit 'to. Mas masakit dahil alam kong ayaw na niya talaga. He's so fed up kaya sumabog na siya. Hindi na nga niya talaga ako magugustuhan. Kahit kaibigan man lang hindi niya maoffer. "Okay, if that's what you want. If that'll make you happy." Bago makatalikod ng tuluyan ay naiyak ako. Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Shit ka talaga e noh Georgina!
Nakita ko na nagulat siya, pero hindi ko na iyon pinansin dahil mabilis akong tumakbo palayo. Mula sa kanya. Mula sa mundo ko.
Nagmukmok lang ako maghapon. Dapat hindi ako umiiyak. Dapat hindi ko siya iniiyakan. "Georgina, come one. Kausapin mo naman ako." Kinatok ako ni ate. Pinunasan ko ang mga luha ko at binuksan ang nakalock na pinto. "Geo..." Niyakap ako ni ate. Sinabi siguro sakanya ni Justin ang ginawa niya saakin. Hindi sa may kasalanan siya. Ako 'yun.
"Dibale, aalis ka naman sa bansang ito eh, makakalimutan mo siya. Cheer up. Hindi lang siya ang lalaki sa mundong ito." Alam ko ate, alam ko. Hindi nga lang siya. Pero di ko rin naman kasalanan na sakanya ako nahulog.
Buti rin at aalis ako. Madidivert ang atensyon ko sa ibang bagay. Magfofocus ako sa aking pagaaral para maging isang ganap na doktor. Hindi ko na siya isisipin. Oo ganun na nga.
"Iba na talaga ngayon. Hindi naman kayo pero may move on na nangyayari." Natawa ako kay ate. Sabagay. May point si ate.
"Sige na, matulog ka na. Mahaba pa araw mo bukas."
BINABASA MO ANG
One Teardrop
Short StoryOne teardrop, one teardrop made me realize all my mistakes.