Chapter Four
“Ayos ka na. Masaya ka na?” tanong ko sa isang hinayupak na nerd na nakahiga sa kama habang andito ako nakatayo sa harap niya, nakapameywang.
Pinilit niya ang sarili niyang bumangon kahit halata namang hindi niya pa kaya. Hayaan niyo na, napakataas ng pangarap niya eh. Pagbigyan niyo na rin, kawawa eh.
“O-Oo. Maraming-”
Hinarap ko sa kanya ang palad ng kanang kamay ko para pigilan siya sa kung ano mang bwiset na kataga ang maaaring tatakas sa kanyang bibig. I hate to say it, but lately I've been wanting to kick his ass out of my face.
“Shut up. I don’t need you to thank me. You'll just end up paying for this.” malamig kong sabi bago siya tinalikuran.
Bago ko pa mapihit ang door knob ay narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago siya nagsalita. "Alam ko" malungkot niyang sagot. "Pero maraming salamat pa rin" he added na dahilan upang awtomatiko akong mapalingon. Now what?
"Alin ba salitang 'wag mo 'kong pasalamatan ang hindi mo maintindihan, huh?" nangapoy ang mga mata ko sa galit. Akala ko ba matatalino ang mga nerd?
Eh anong nangyari sa kanya?
Nagpapaka-as-if lang?
Siguro nga.
"A-Ahhh. . . n-naintindihan ko naman lahat. Ang akin lang, mas magalang kapag nagpapasalamat ka" sagot niya na nakapagpataas ng kilay ko.
I scoffed with what he said. Tila ang salitang "magalang" ay nagmumula sa ibang planeta.
"Magalang? Nagpapatawa ka ba?" I crossed my arms. "Infairness, it's kind of effective."
Nagtatakang napatingin siya sa'kin. "B-Bakit? May mali ba akong nasabi?"
Oh sige, ako naman ngayon ang di makapaniwalang napatingin sa kanya. Medyo napanganga pa nga ako eh. I mean, how can he be so innocent?
BINABASA MO ANG
THE GANGSTERS NERDY FIANCE
Teen FictionYou don't know how much I have suffered. You can never have an idea. Let me share to you how I see life being not a fairy tale. Well of course, people were born to see how unfair the world is and how unfair life is. We learned through experience how...