Nagulat ako nang lumuha siya. Did I go too far? Masyado na ba akong naging harsh sakanya?
Pagkaalis niya ay napasapo ako sa noo ko. Justin, tanga mo! "Ano nangyari Justin?" Tinawagan ko ang ate niya at kinwento ang nangyari. "Gago ka talaga Justin! Alam kong gusto mo si Geo pero ano itong ginagawa mo sakanya? I can't believe you!" Oo alam ko 'yun. Pinatay agad niya ang tawag. Ano ba 'tong ginawa ko?
Napaisip ako sa mga tanong niya kanina. What's keeping me from trying to like her? Her sister.
I like her sister. Her sister's more matured, more prioritized. While Georgina, she's carefree and doesn't really study well. Isang taon lang ang pagitan pero aakalain mo na ang layo layo ng age gap namin dahil masyado siyang isip bata.
Yes, I know that she changed a lot about herself just to make me fall in love with her. Pero hindi ko parin siya tinitignan. Hindi ko siya pinapansin.
Isang taon lang ang pagbabagong iyon. Bumalik siya sa pagiging siya. Well, that's good right? Kasi hindi naman natin mapipilit ang isang taong magbago at mas magandang maging sarili mo lang.
Makalipas ng ilang araw ay nabalitaan kong umalis na siya papuntang ibang bansa para itupad ang mga pangarap niya. Bakit ako nanghihinayang?
"O? Why so gloomy? Namimiss mo na ba kapatid ko Jus?" Ngumiti lang ako sakanya. Nakaakbay sakanya ang kanyang boyfriend. Yes, I think so. I miss Geo.
"Ayan kasi, pinakawalan pa. Diba babe?" Ayan at nagsimula nanaman silang dalawa.
Isa rin ito sa naging dahilan kung bakit hindi ko matry na magrisk para kay Geo. Iniisip ko na mali dahil baka ginagawa ko siyang option dahil hindi sakin pwede ang ate niya.
Isang gabi ay naglasing ako kasi tangina, nanghihinayang ako ng todo. Hindi ko naman aakalain na si Kenedy ang susundo saakin. "Ano ba Jus? Ano nangyayari sayo?" Pinagsabihan niya ako dun, pero wala na akong pake. Gusto ko nalang sabihin ang lahat ng saloobin ko ngayon.
"Ken, ayaw kong gawing rebound ang kapatid mo." Tinitigan lang niya ako, blangko ang ekspresyon. "Alam kong di mo siyang gagawing rebound. Jus, alam kong matagal ka na nakapagmove on sa pagkagusto mo saakin. Alam ko, nalasing ka rin nun nung sinabi mo sakin." Napasinghap ako. Did I really do that? "Pero Jus, alam ko. Alam ko na gusto mo na ang kapatid ko. Matagal na, hindi mo lang maamin dahil nga saakin." Hinawakan niya ang balikat ko at ngumiti.
"Jus, believe me. Gusto mo siya, hell, baka nga mahal mo na siya. Kung hindi mo nahahalata ay lagi mo siyang kinikwento saamin. Matagal na. Hindi ka naman ganun. Madalas ay hindi mo iniisip ang mga kagagahang ginagawa ng kapatid ko pero lagi mo na siyang binabanggit." Natauhan ako sa mga sinasabi niya. Eto lang naman talaga ang kailangan ko eh.
Biglang may pumasok sa isipan ko. Baka nachallenge lang siya saakin. I'm afraid na nachallenge lang siya saakin dahil hindi ko siya pinapansin. Baka ay pagsinubukan ko mawawala siya dahil sa nakuha na niya na makipagdate ako sakanya. But hell, I'm going to risk everything for her.
"Sana ay nakatulong ang sinabi ko--." Niyakap ko siya at nginitan. "Thanks. For everything. Pupuntahan ko siya ngayon na." Tumakbo ako papuntang sasakyan ko at nagpabook sa secretary ni dad ng ticket papuntang New York. I'd risk everything now. I should at least try.
Kaunting buwan palang naman ang nakalipas, sana ay di pa ako huli.
Nang makarating akong NY ay tinulungan ako ni Kenedy para mahanap ang kapatid niya. Ngayon ay nasa paaralan niya ako naghihintay para matapos ang klase niya. Halata bang excited ako?
Nang magring ang bell nila ay inabangan ko agad si Georgina. Nang mahanap ko siya ay nakikipagtawanan siya sa mga kaklase niya. "Geo..." Nang harapin ako ay nagulat siya. "What are you--" Inunahan ko na siya. "I'm sorry." Bumulong sakanya ang mga kaklase niya bago umalis. "W-why?" Shit, she stammered. Is she scared? "Are you waiting for someone?" Luminga linga pa siya. Damn.
Hindi na ako nagpigil at niyakap siya. Natigilan siya ng sandali. "Bakit?" Narinig kong humikbi siya, I'm making her cry again. "Aasa nanaman ko." Nalungkot ako sa mga sinasabi niya. Did she already move on? "Kung mahulog ka man ulit ay sasaluhin na kita."
Tiningala niya ako at kita ang gulat sa kanyang mata. "Matagal na kitang gusto Geo, isa lang naman ang pumipigil saakin..." Sinabi ko sakanya ang tungkol kay Kenedy. "Dapat pala ay matagal na akong umiyak sa harapan mo para matagal mo na ring narealize na nasasaktan mo na ako ng todo." Tumawa siya pero naguilty ako sa sinabi niya.
"I'm really sorry." Umiling siya at ngitian ako. "Can you give me another chance?" Sumimangot siya, ito na nga ba ang sinasabi ko. "Am I too late?" Hindi parin siya umiimik pagkatapos ng ilang segundo ay tumawa siya ng malakas. "Fooled ya. Of course. Natakot ka noh? Na mawala ulit ako sayo?" Tumango ako. "Well, that's never going to happen." Niyakap niya ako at laking tuwa ako dahil sa nangyari.
One thing I learned? Take the risk. Everything will be worth it at the end.
BINABASA MO ANG
One Teardrop
Short StoryOne teardrop, one teardrop made me realize all my mistakes.