Oh giliw ko, ako sana'y mahalin mo
Kung baga sa paminta, ito sana'y buo
Huwag mo sanang saktan aking damdamin
Puso ko kasi'y mahina, parang babasaginIka'y langit, ako'y pangit
Mga tao sayo walang mailalait
Ako naman sa kabilang banda,
Sila ay puna nang punaMarahil hindi tayo para sa isa't-isa
Ating mundo'y magkaibang-magkaiba
Ano ba ang laban ng isang bakla
Sa isang tulad mong habulin ng mga dalaga?Tipo mo'y maganda, mestisa, balingkinitan
Malayong-malayo naman sa aking katawan
Isang tulad ko'y lalaban pa ba,
Kung sa una pa lang ako'y talo na?Pero damdami'y higit na nasasaktan
Dahil sa isang masaklap na katotohanan
Ang tulad ko ba ay papatulan,
Ibibigay ba nila pag-ibig kong inaasahan?Sa isang bansang malupit kung humusga
Kami ba'y mabibigyang halaga?
Pagmamahal, pagkalinga, respeto ba'y makukuha?
Mga tao rin kasi kami, kailangan ng pagpapahalaga.Hayyyysss. Napaka-drama ko naman sa aking tula. Eh kapag ba may nakabasa nito l, maaantig ba yung mga puso nila? Eh kapag ba nabasa niya yung tulang ito ay mamahalin niya rin ako? Hindi naman diba?!
Wala namang magmamahal sa akin dahil sa mundong ito, mapait ang katotohanan. Mga pangarap ko'y hanggang imahinasyon na lamang. Sino ba ang papatol sa baklang katulad ko? Isang baklang walang magawa kung hindi ang mag-aral, rumampa kahit saan, at magmahal ng palihim.
Ano ba ang magagawa ko kung walang magmamahal dahil ganito ang anyo ko? Wala namang espesyal sa akin, bukod sa pagiging masipag sa pag-aaral, wala nang magandang features.
Eh napakataba ko, napakatakaw ko, at napakaingay kong tao.
Maraming tanong ang bumabagabag sa aking isipan.
May magmamahal pa ba sa akin?May tatanggap ba sa pagkatao at anyo ko bukod sa pamilya't mga kaibigan ko?
Mamahalin niyo ba ako ng walang pagaalinlangan?Ipagmamalaki niyo ba ako?
Hindi niyo ba ako huhusgahan?
Hindi niyo ba ako tatanggihan bilang kaibigan?
At higit sa lahat,
Hindi niyo ba ako iiwan?
BINABASA MO ANG
A Beki's Love
General FictionIsang beking hangad lang ay mahalin ng taong mahal niya. Ngunit tila malabo ito dahil sa mga katotohanang sinasampal sa kanya ng reyalidad. Tutukan ang istorya ni Sam dito lang sa A Beki's Love! ❤