Prolouge

29 0 1
                                    

Napakalakas ng hangin na parang tatangayin na ako sa kinatatayuan ko. Masyadong madilim ni wala kong maaninang na liwanag sa paligid. 

Nasaan ako? Kinakabahan na ako. Patay na ba ako?.. pero hindi. Paano?

"Tulong!"

"Sino ka?" Sigaw ko. "Nasaan ka?"

"Tulong! Tulungan mo ko!"

Babae. Babae ang may ari ng boses. Shit! Wala akong makita. Paano ko siya pupuntahan? "Miss? Nasaan ka?"  Sigaw ko ulit.

"Nandito ako. Tulungan mo ko. Please!"

hindi na ako nagdalawang isip na maglakad. Bahala na. Sinundan ko kung saan galing ang boses niya. Mabato ang daanan, at may nakakapa akong matataas na hibla ng damo. May mga sanga ng kahoy na tumatama sa mukha ko. Nasaan ba ako? Gubat? Anong ginagawa ko dito?

Unti unti ko ng naaaninag ang dinadaanan ko. Bangin! Ano to? Natataranta na ako. Alam kong dito galing ang boses.

"Miss! Nasaan ka?" Tanong ko.

"Nandito ako"  Sagot niya.

Nilingon ko kung nasaan siya. Nakakapit siya sa gilid ng bangin at malapit na siyang makabitaw. Mahaba ang buhok niya na abot hanggang bewang. Nakasuot siya ng kulay puting bestida. Nilapitan ko siya at humarap sa akin. Nanlamig ako sa nakita ko.

Ako. Kamukha ko siya. Babaeng ako.

"Tulungan mo ko. Parang awa mo na."  Sabay abot ng kaliwang kamay niya sakin.

Natakot ako. Sa buong existence ko sa mundo na to, ngayon ko lang nakita ang babaeng ito. Nagkacrack na ang batong kinakapitan niya at onti na lang ay mahuhulg na siya. Kailangan ko ng kumilos. Inabot ko ang kamay niya pero kasabay nito may parang kuryenteng dumaloy sa ugat ko. Nanginig ang buong kalamnan ko at umiikot ang paligid. Sinusubukan kong labanan pero hindi ko kaya. lumuluwag ang kapit ko sa kamay niya. Hindi! Hinila ko siya sa abot ng aking makakaya hanggang sa magdilim ulit ang paningin ko. 

Narinig ko ang tawa niya, sobrang lakas at nakakbingi na. binuksan ko ang mga mata ko, nakita kong hawak ko pa din ang kamay niya. Pero siya na ang nasa itaas at ako na ang nasa gilid ng bangin. tinitigan ko siya, wala akong makita sa mata niya at tuluyan na niya akong binitawan.

"Hindi!"

OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon