Someone's POV
"So pano tol payag kana?" Tanong sakin ng kaibigan ko.
Nagtanong kase ako kung ano ang magandang school na pasukan sa Manila.Pinakick out kase ako sa school at dahil dun pinapapunta ako nila dad sa Manila.
Kasalukuyan naming binabaybay ang ang kahabaan ng high way nang may biglang nagsalpukan na sasakyan.Ang lakas ng impact kaya tumilapon ang isang sakay nito.
Agad ko namang tinigil ang sasakyan para kahit papano ay tumulong.Kami lang naman ang taong nandito ngayon alangan pabayaan namin.Tumakbo ako kase alam kong ilang minuto nalang ay pwedeng sumabog ang sasakyan.Baka may mailigtas pa kami.
Nagulat ako ng makita kong babae yung nasa loob.Nakatungo sa manibela at duguan.Wala siyang malay kaya dahan dahan namin siyang nilabas at tumakbo pabalik sa sasakyan ko.Buti nalang hindi sya naipit kapag nagkataon mahihirapan kaming ilabas siya.Natatarantang binuksan naman ng kaibigan ko ang pinto at siya na ang nagprisintang magdrive.
"Anong gagawin mo jan tol?" Tanong ng kaibigan ko.Baliw din to nagtanong pa eh ano bang ginagawa sa taong naaksidente.
"Ipapagamot malamang buhay pa naman eh" - ako
"Bah ambait ah." pang aasar niya.
Tiningnan ko siya ng masama.Wala ako sa oras para makipag asaran loko to.
"Biro lang masyado kang seryoso.Bakit di natin ireport sa pulis?" Suhestiyon nito.
"Saka na dalhin muna natin sya sa ospital" ako.Mas importanteng mapagamot muna siya.
Pinagmasdan ko ang babaeng karga ko ngayon.Ang amo ng mukha at mukhang galing sa pag iyak.Malamang isa yun sa dahilan kung bakit hindi niya nakita ang sasakyang makakasalubong niya.
Kier's POV
Katatapos lang ng meeting ng buong Ikonics.May bagong mission kase kami.Ang alamin kung sino ang ugat ng sindikato sa bansa.Ang astig nu,gangster na parang secret agents.
Magaling kase kami sa ganoong bagay at yun nga ang naging deal ni pinuno at nung tito niyang head ng PNP nang malaman nito na bumuo si Ike ng gang.Hindi naman sa minamaliit namin ang mga pulis pero kung para din naman sa taong bayan eh syempre tutulong kami kung kinakailangan.
At heto nga't may kanya kanya kaming libangan habang naghihintay ng oras.Ako nag-i strum ng gitara.Si Ryan at Drew ayun nakatutok sa tv.Yang dalawang yan pagdating sa panunuod nagkakasundo.
Si Bobby naman nagbabasa lang.Ito naman hindi napapagod.Si Clark naglalaro ng COC at si pinuno ayun nakatanaw sa may glass window tila malalim ang iniisip.Isa lang naman ang dahilan kung bakit magkakaganyan yan.Hindi bagay kundi tao -si Vani.Balita ko hindi pa siya nakauwe.Nakakoncentrate kaming lima nang biglang sumigaw si pinuno.
"What!How?" Sigaw nito at sa gulat ko nabagsak ko ang gitara ko.Ano ba yun? Si Clark naman naibato niya ang hawak niyang tab.Si Bobby na walang pakialam ayun napalingon din.At yung dalawang nanunuod napindot yung power kaya ayun namatay ang t.v.
Ryan's PoV
Ayan na magkikita na sila.Sana wala ng hahadlang magwawala ako pag meron pa.Ang ganda pala nitong Meant To Be movie.Yan na -
"What!How!?" Sigaw ni pinuno tapos napindot ko yung power sa gulat ko.
Huli na ng marealize kong wala pa lang resume yun.Wooh naman ang galing naman talaga bumitin ni pinuno oh.
Nakatingin lang kaming lahat sa kanya.Siya hindi maipinta ang mukha habang may kausap sa phone.Maya maya lang ay nagmamadali siyang umalis.Tinatawag pa namin siya pero hindi kami pinansin."Tingin niyo ano kaya?" -kier
Ako nagkibit lang ng balikat.Si Clark naman nakatingin pa din sa pintong nilabasan ni Ike.
"Maybe Vani is already home" sabi ni Bobby nang hindi inaalis ang tingin sa librong binabasa.Hmm pwede.