Third Person's POV
Naalimpungatan si Ike nang may kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan.Napamura na lang siya dahil nagambala siya sa pagtulog.
"Why?"-iritado niyang tanong saka tiningnan ang relo niya at napasabunot siya ng buhok nang mapagtantong umaga na pala.
"Private property to.Pinagbabawal ang magpark lalo na't hindi ka tagarito." maawtoridad na sagot nung lalaki.
Napakibit nalang ng balikat ang binata at akmang isasarado na ang bintana ngunit pinigilan siya ng lalaki.
"Matuto kang rumespeto." Sabi nito.
Tinaasan lang niya ng kilay ang lalaki at napabuntung hininga.Wala siya sa mood makipagtalo ngayon pero tila hinahamon siya ng mga to.
"Get off your hands on my car"- sabi ng binata na tila nauubusan na ng pasensya.
Ngumisi lang ang lalaki at maya maya pa ay nagsilabasan ang mga kasamahan nito.Pinalibutan nila ang sasakyan niya.
Lumabas siya ng sasakyan at sumandal dito ng nakahalukipkip. 'These idiots are really testing me'
Sabi niya sa kanyang isip at kalmadong sinalubong ang maiinit na titig ng mga to."Matapang ka bata" -sabi ng matabang lalaki na lumapit pa sa harapan ng binata.
Napasmirk naman ang binata at tumingin sa iba pang kasamahan nung lalaki.Lima sila na puro malalaki ang katawan.Pero wala naman sa laki ng katawan yan.
Kinwelyuhan siya ng matabang lalaki na tila napipikon na sa katapangan na pinapakita niya. Napabuntong hininga ang binata at walang kahirap hirap na pinilipit ang kamay nung lalaki kaya napabitaw ito at natumba.
"Ano pang ginagawa niyo?Sugurin niyo na!" Bulyaw nito sa mga kasama na tila natatakot na sa maaaring gawin sa kanila ng binata.
[Insert the song of The Script]
"Hall Of Fame"Nagsisuguran naman ang mga ito at isa isang nagbitaw ng suntok para sa binata ngunit lahat ng yun ay nailagan niya.
Sinipa ng binata ang lalaking kaharap at bumagsak sa isa pang kasamahan kaya pareho silang natumba.Sumugod naman yung dalawa ngunit nahuli ng binata ang parehong kamay ng mga ito.
Sabay niya itong hinila at pinag untog dahilan ng pagkawala ng malay ng mga ito.Pagkatapos nun ay yung matabang lalaki naman ang kanyang nilapitan.Umatras naman ito at nilabas ang balisong sa suot na pantalon.
Tinutok niya ito sa kanya pero agad niya itong nasipa kaya tumilapon ito palayo.Susunggaban pa sana niya ito nang magpahiwatig na ito ng pagsuko.
Hindi na bago ang ganitong bagay sa kanya.Sa tinagal tagal niya bilang gangster ay masahol pa dito ang kanyang napagdaanan kaya naman ni walang kapawis pawis niyang napatumba ang limang ito sa kabila ng malalaking katawan ng mga ito.
"Now you know why you shouldn't mess up with me" -baritonong saad ng binata at saka pumasok sa kanyang sasakyan.
Pinaandar na niya ito at lulugo lugong nagsitayuan naman ang mga lalaking nawalan ng malay kanina na nakatapat sa unahan ng kanyang sasakyan.
Bago niya pinasibad ang sasakyan ay nagsalita ang matabang lalaki.
"Alam naming hindi ka tagarito.Kung may kailangan ka maaari ka naming tulungan."
Sabay abot nito ng calling card."I can manage" walang ganang sagot naman ng binata.
Kung tutuuisin ay maaari nitong tanggapin ang tulong na inaalok sa kanya nung lalaki kase wala siyang alam sa lugar na pinuntahan niya ngunit dahil sa taas ng pride niya ay binalewala niya ito at pinasibad na ang sasakyan.Napailing na lamang ang mga lalaking naiwan.