#21 'Sige na!'
"Sige na Carding. Pagbigyan mo na ako." paglalambing ni Koring sa asawa. Habang nakayakap dito't nakahiga sa dibdib nito.
"Saka na lang, tinatamad ako." sagot ni Carding.
"Sige na please! Kanina ko pa gustong tigman yung lolipop mo." wika ni Koring.
"Bukas na lang hon. Tinatamad na talaga ako eh."
Biglang kumalas si Koring sa pagkakayakap at tinalikuran ang asawa. "Ganyan ka na. Nanlalamig ka na sa akin. Minsan na lang ako humiling di mo pa mapagbigyan"
Napailing na lamang si Carding at bumangon. "Tsk tsk tsk. Oo na! Pagbibigyan na kita! Ang tanda tanda mo na ganyan ka pa rin."
Biglang humarap si Koring at napangiti.
"Oh! Ito na ang lollipop na uwi ko sa apo natin. Wag kang iiyak iyak kapag sinaktan ka ng ngipin o inatake ng diabetes mo." wika ni Karding.
BINABASA MO ANG
Panandaliang Aliw [Koleksyon ng mga kwentong dagli]
Historia CortaNasilip mo na ba? Tara! Pasok na! buklatin mo na! Sige na! pumayag ka na! dahil narito na ang kikiliti, hahaplos, at maghahagod sa iyong isipan. Halika na at Namnamin ang... 'Panandaliang Aliw' [Koleksyon ng mga kwentong Dagli] All right reserved ©...