Intramuros! Here I come!
Hindi man ako pinatulog ni Kyle kakaisip sa ginawa niya kahapon at kagabi bumawi naman siya kasi ipapasyal niya nadaw akoooo! Whoooh! May puso parin naman pala tong baklang to!
Imagine! Pati damit ko siya na bibili. Pero syempre hindi siya ang bibili. Pinaggawa niya sa personal assistant nito.
Sino ba yun.. Si Jaden. Haha. Diko maimagine. Eto kasing si bakla pinabili pati undies ko kay Jaden. Hahaha. Wala namang magawa si Jaden kasi boss niya. Kahit kaibigan niya ito kailangan padin niyang sundin.
Ako naman tong naawkward. Syempre first time na lalake ang bibili ng susuotin ko. Hindi naman ako sanay no!
10 am dinaan na ni Jaden ung damit ko! Sheesh! Mukhang napagtripan din ako ng isang ito! Ang se-sexy ng binili! Kung hindi shorts e dress naman na lagpas tuhod! O mee gee! Maisusuot ko naman kaya tong mga to! Yung mga damit pa na kinuha niya kung walang manggas e manipis! Grabe naman ito.
No choice naman ako kaya pinili ko nalang is short na maong na lumagpas na iyong bulsa sa ikli ng short! Grabe! Tapos running shoes at iyong V-Neck na tshirt na puti then itinali ko yung buhok ko at nag cap. Boom! Haha. Ano na kaya ang itsura ko neto.
Lumabas na ako ng kwarto kasi anong oras na. Baka magalit na si boss! Hihihi. I laugh at that thought.
Nakita ko si Kyle sa may sala. Tumayo ako sa harap niya, hindi niya ako napansin kasi tutok na tutok siya sa macbook niya.
"Kyle?"
(O_O)- Kyle
"O bakit parang nakakita ka ng multo jan ha!" sabi ko.
"N-nothing."
"Oh eh ano pang ginagawa mo! Let's go! Excited na ako!" sabi ko sabay hila sa kamay niya. Wala na akong pake e sa excited nga ako! Hahahahahahaha. Nagpaload nadin ako at tinexan yung besty ko si Cass hahaha! Malapit din daw yung condo niya dito at ipapasyal niya din daw ako minsan. Hahaha. Im just so hyper today! Happy overload kasi ako. Haha.
"W-wait! H-hey Selina. Wait! Yung susi pa ng kotse ko!" sabi ni Kyle sa likuran ko. Ano bayan! Panira ng moment!
"Ano bayan! Bilis bilisan kasi ang kilos." sabi ko
"Did you just roll your eyes again at me young lady? I thought I have warned you about it?" O sheesh. Dont tell me monster na naman siya? At bakit ba kung maka young lady siya saken e ang tanda tanda na niya. Grabe ha? Ang aga. Para makaalis na kami kaagad nag sorry nalang ako para tapos na.
"Sorry." sabi ko tapos yumuko. Duh labas sa ilong yon. Hahaha. Narinig ko lang siya napa 'tsk' tapos nag daretso sa condo niya.
Pababa na kami ng basement kasi nandoroon ang parking area.
Wow. Ang bo bongga naman ng mga sasakyan na ito.
"Kyle anong model tong car mo?"
"Porche Spyder. A gift for myself." he said then smirk. Teka wait! Porche? Spyder? Narinig ko na yun. Pinaguusapan ng mga kaklase kong rich kids during my college days. Yun ata yong mahigit kumulang na $1,000,000 dollars ang presyo. Wow rich kid ni bakla ha. Gift niya lang sa sarili niya. Hahahahaha.
Sa wala naman akong alam at hilig sa mga ganyan, tinanguan niya nalang ako. "Ah, okay, edi ikaw na rich!"sabi ko. Ngumiti lang siya! Shessh! Bakit ganoon! Mas nakakapogi pala yung mga lalakeng minsan lang ngumingiti. Minsan lang pero kung makangiti sila kala mo may ari ng isang dental clinic at alagang alaga ang mga ngipin. Hahaha.
Pero realtalk. Hahaha. Realtalk talaga to promise. Para kasing ang mahal ng ngiti niya na ang swerte mo kapag na ngitian ka. Gets niyo ba? Basta ganun ang nafefeel ko. Parang isa iyong regalo. Lalala. Kumforme nako. Pero as I said, realtalk, mas nakakabighani para sa akin yung mga lalakeng ganun, why? Kasi nanakaka amaze. Mas na-aapreciate ko. Hahaha. Basta ganun! Apir sa mga nakagets! Whoooh! Ang dami ko ng sinabi mai-explain lang yun ha!. XD
"Ready?" tanong niya
"Yes."
Then lumingon siya sakin. And then... Our eyes met. O heavenly! Goodness! Juice colored! Those blue eyes sending electric forces to my nerves. Unti unti pa siyang lumalapit sa akin habang patuloy parin na nakikipagtitigan sa akin. Sus Mary Joseph! Hahalikan ba ako nito? Sheesh! O tukso layuan mo ako!
Ipinikit ko nalang ang aking mga mata dahil para akong natutuklaw ng kanyang mga mata. Its like peirceing my soul. He can look at my eyes directly, without hesitatitions finding answers. Okay, I really don't know what I'm saying right now and I really don't know why I am speaking in English. Hahahaha. Tama na nga at baka ma nose bleed pa ako dito.
I really waited for our lips to meet each other but as usual assuming ang lola niyo... He was just...
"Why are you closing your eyes? Im just putting your seatbelts on. You know what they say, safety first."
See? See what I told you. Hahaha.
WALANG TAONG AASA, KUNG WALA ANG MGA TAONG PAASA. PERO WALA DIN NAMAN ANG MGA TAONG PAASA, KUNG WALANG TAONG HINDI TANGA. O gets na ha? So wag pa tanga-tanga jan.
BINABASA MO ANG
What Summer feels like
Fiction généraleBakasyon. Uso jan lahat ng gimik na pupwedeng igimik. Lalabas kayo kung saan saan. Outing dito, outing jan. But what if you get lost in the middle of the jungle city finding the perfect place to enjoy your summer break, but instead you found yoursel...