Bakit kaya ganon no? Minsan bigla bigla na lang nasisira ang isang relasyon ni hindi mo alam yung mga bagay na dapat mong isipin o gawin kasi nga... hindi ka naman handa.
Phase 1 | Shock
Ito yung mga panahong unang kikirot ng sobra yung sariwang sugat na iniwan nya sayo. Para kang sapilitang pinadaan sa iskinita na puno ng may nakakalat na bubog habang nakayapak, sobrang sakit hindi mo alam kung saan ka magsisimula. Umpisa pa lang ng araw mo parang ayaw mo na bumangon sa pagkakahiga mo. Sobrang tahimik ng paligid, titignan mo ang cellphone mo at wala na yung mga text na kadalasang nagpapangiti sayo tuwing gigising ka sa umaga. Ang tanging nararamdaman mo ay lubos na pang hihinayang at pagsisisi. Maiisipan mong basahin yung mga huling pag uusap nyo at sa di sinasadyang pagkakataon makikita mo yung mga larawan na kung saan kayong dalawa magkasama, nagbabalik sayo lahat pati unang araw ng pagkikita nyo.
Phase 2 | Reminiscing and retracting
Bigla ko na lang maaalala yung mga bagay na pinag samahan namin, nakakamiss. Dati sya yung lalaki na hindi ko inaakala na magiging kami, I mean hindi naman ako yung tipo ng babae na gustuhin. Sya yung lalaki na nagpa feel sakin na importante ako na sobrang special ako, na nag paramdam sakin na para ako sa kanya at hindi para sa iba. Lalaki na hindi ko inaasahang makakasundo ko sa lahat ng bagay, mga tinginan nyo na alam nyo na iniisip ng isa't isa sabay tatawa kayo, lalaki na nandyan para sayo ups and downs mo, lalaki na ginagawa lahat mapasaya ka lang, lalaki na iingatan, aalagaan ka, lalaki na tanggap kung sino at ano ako, sya yung lalaki na trinato ako ng higit sa prinsesa, lalaki na pinag malaki ako sa lahat. Ang sarap balikan ng mga araw at lugar kung saan kayo unang nagkita, nagka kilala, nagkausap at nagkasama. Yung mga tawa nya, ngiti, titig, boses, mga yakap at halik nya, nakakamiss.
Phase 3 | Masaya na ako (kunwari)
Nagpapanggap ako na okay na ang lahat kahit sobrang nasasaktan pa din ako. Gusto ko kasi ipakita sa taong nang iwan sakin na kaya ko, na kaya ko kahit wala sya na kaya ko maging masaya mag isa. Paulit ulit kong sinasabi sa mga tao sa paligid ko na naka move on na ko kahit na hindi naman nila tinatanong.
Phase 4 | Bitterness
"Pag umiyak ba ako babalik ba sya?" mga araw na nag-iisip ako ng imposible, ito yung mga araw na niloloko ko yung sarili ko. Hindi ko man gustuhin pero nagiging bitter ako. Natapos kami sa ayoko na sayo, sawa na ko, break na tayo. Hindi ko lubos maisip kung ano ba nagawa ko binigay ko naman lahat pero bakit hindi pa din sapat para manatili sya.Phase 5 | Acceptance
Ito yung araw na tanggap kong wala na talaga, na hindi ko na maibabalik yung mga araw na kami pa. Dati hindi ko alam kung saan ako unang magsisimula pero sa bawat araw na dumating unti unti na kong nakakaisip ng bagay para makapag simula ulit.
Phase 6 | Release
Ito yung umpisa na nakapag hanap na ko ng bagay na makakapag pasaya sakin. I keep myself busy sa mga bagay na kadalasan kong ginagawa bago maging kami. Lumalabas na din ako kasama mga kaibigan ko. I feel sorry for myself kasi ang tagal kong hinayaan sarili ko makulong sa past ko. Ngayong nakapag let go na ko mas gumaan pakiramdam ko and I realese my past with love ng walang sama ng loob o ano pa man. :)
***
Tandaan nyo ang bagay na nagpapahirap nagpapabigat ng kalooban na nagdudulot ng sakit na nararamdaman nyo ay gumagaan kapag natuto kayong tanggapin lahat ng sakit, bumitaw at mag move on. ♡(c) emman nimedez
Karamihan sa mga nakalagay dyan sa kanya. :'>