LOVE....
Dyan ako sumaya at nasaktan. Bakit pa kasi kailangan pa gawing komplikado ang lahat eh? Kung kelan ka masaya dyan pa dadating si PAIN. Kung kelan sobrang saya mo na, sisingit at sisingit talaga si PAIN. Bakit ganun? Di ba pwedeng LOVE nalang lahat wala ng PAIN?
Bakit pag nagmamahal, kailangan pa talagang masaktan? Kung kelan masaya ka na, dyan pa siya mawawala sayo. Kung kelan sobrang mahal mo na sya, dyan ka pa niya iiwan. Kung kelan hindi mo kaya ang mawala siya sa buhay mo, dyan pa talaga siya mawawala. Napaka unfair naman eh. Bakit ganun? Palagi nalang ba ako yung iiwan?
Sabi niya AKO lang? Sabi niya hindi niya ako sasaktan. Sabi niya ako na yung LAST niya? Sabi niya MAHAL niya ako pero bakit ganito? Bakit ako nasasaktan? Bakit niya ako sinasaktan? Bakit hinayaan niya akong mahulog at masaktan? Bakit niya ako hinayaan na masaktan? Bakit niya hinayaan na masaktan ang puso ko ng sobra sobra.
Pinaglaban ko yung relasyon namin kasi akala ko pwede pa, akala ko pwede pang mabalik sa dati pero wala eh parang wala lang sa kanya. Nagmakaawa ako sa kanya na ibalik na namin sa dati, nagmakaawa ako na tama na. Pero wala pa rin eh, wala talaga.
Mahal ko siya sobra. Sobrang mahal. Pero bakit niya ako ginago? Bakit niya ginawa sa akin yun? Tapos parang wala lang sa kanya. Sinayang niya yung pinagsamahan namin. Sinayang niya ang pagmamahalan namin.
Kaya tama na. Pagod na akong umasa, pagod na akong umiyak, pagod na akong masaktan, pagod na akong maghintay. Sobrang pagod na pagod. Sobrang sakit na rin ng puso ko. Ayoko na, tama na. Tatanggapin ko na yung katotohan na wala na sya, hindi na sya pwedeng mag stay pa sa buhay ko, wala ng kami. Iba na ang mahal niya.
Bakit kasi ganun no? Bakit kailangan pa natin makilala ang isang tao kung pagdating ng panahon eh iiwan din naman pala tayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/52227717-288-k414765.jpg)
BINABASA MO ANG
Her First Girlfriend
RomanceThis is the story about of a girl and a girl. Curious? Yeah. You're right. A girl and a lesbian. (Based on a true story) Puro nalang kasi girl and boy love story eh. Pano kung gawan din natin ng istorya ang mga magkasintahan na same sex dba? Ang d...