Dreaming of You

17 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa isang napakalakas na boses. Kinusot ko yung mga mata ko at tumagilid, minulat ko yung mata ko ng maramdamang may gumalaw sa gilid ko. At sa pagmulat ng mata ko ay nakit ko ang mukha mo. Nakangiti ka saakin na para bang nakakita ka ng anghel, pero ganun nga ba ang tingin mo sakin? Sa tingin ko hindi. Dahil bukod sa mukha akong halimaw kasi bagong gising ako, hindi naman talaga ako gustuhin at alam kong hindi mo talaga ako magugustuhan.

Hindi mo naman sinabi agad na may practice game pala kayo at gusto mo akong isama. Nainis pa naman ako sayo kasi ang aga-aga pa at sabado ngayon kaya dapat natutulog pa ako. Ang dami kong reklamo pero hindi ako umangal, parang tanga lang eh?

Tumatagaktak na yung pawis mo pero parang hindi ka pa napapagod. Patuloy parin ang paglalaro mo kahit nagpapahinga na yung iba mong ka-team mate. Andito ako nakaupo ngayon sa may bleachers at pinagmamasdan ka. Hindi ka man kasing-gwapo nung iba, may looks ka padin. Idagdag mo kabaitang tinataglay mo kahit na napaka-kulit mo. Hindi narin questionable kung bakit may mga iba ring babae na nagkakagusto sayo, ideal boyfriend ka kasi e. Kaya nga naiisip ko na ang swerte swerte nung babaeng magugustuhan mo, kaya sana hindi ka niya sasaktan. Masyado na palang malalim yung pag-iisip ko dahil nagulat ako ng bigla kang lumitaw sa harapan ko. Inagaw mo pa nga yung gatorade na iniinom ko eh at doon ka din uminom. Teka.. Indirect kiss yun diba? Pwede mo naman gawin yun sa labi ko eh. Ay, erase erase! Ano ba 'tong pinagsasabi ko.

Napangiti ako nung mai-shoot mo yung bola. Dahil sa tuwing nakaka-shoot ka, naaalala ko yung sinabi mo sakin na lahat ng mashushoot kong bola, para sayo yun. Bumibilis ang tibok ng puso kong pasaway sa tuwing titingin ka sa direksyon ko at ngingiti kahit na maraming ibang nanunuod kasi championship game niyo na. Bakit ba nakakatunaw yang ngiti mo? Kainis!

Congrats sa team niyo. Ang galing galing mo maglaro kanina kaya ikaw yung naging MVP. Minsan naiisip at natatanong ko sa sarili ko kung nagiging inspirasyon mo ba ako sa tuwing may game kayo? Ang tanga ko din eh. Alam ko na ngang malabo, umaasa pa ako. Grabe yung ngiti mo, halatang masayang masaya ka. Kulang na nga lang ay mapunit na yung labi mo eh. Ganyan ka rin ba kasaya kapag kasama mo ako? Ako kasi masaya, araw-araw naman ata kasi araw-araw din kitang kasama eh. Kanina nga pala, napabilis mo na naman yung tibok nitong puso ko. Paano ba naman kasi inakbayan mo ako at ipinagmalaki sa mga teammates mo, sabi mo pa nga Buti nalang at andoon nanunuod sa game natin tong lucky charm ko kaya ginanahan ako maglaro eh. Simple lang yun pero napasaya mo na ako ng sobra.

Nakagraduate na tayo ng high school. Magc-college na tayo, natatakot ako. Makakasama pa ba kita araw-araw? Ako parin ba isasama mo sa mga basketball practice nyo? Ako parin ba yung tutugtugan mo ng gitara? Hindi ko alam yung mga sagot sa tanong ko kasi ikaw lang makakasagot niyan. Andami kong tanong na naghahantay ng sagot, pwede mo ba silang sagutin para saakin?

Wrong move pala. Sana pala hindi ko na hiniling na sana masagot mo yung mga tanong ko. Ang sakit pala. Hindi. Yan ang sagot sa mga tanong sa isipan ko. Haha hindi mo naman sinabi saakin na may girlfriend ka na pala. Sabagay ilang buwan na rin naman ang lumipas, bihira na tayo makapag-usap kaya siguro hindi ko namalayan na may nagma-may-ari na pala diyan sa puso mo. Sign na ba to para tumigil na ako kakaasa sayo? Kasi kung ganun, susubukan ko. Susubukan kong itigil tong nararamdaman ko para sayo.

Nakita pala kita kasama yung girlfriend mo kanina, ang saya saya mo. Ang saya nyong dalawa. Hindi maalis yung napakalawak mong ngiti. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako. Gusto kitang ipagdamot bigla. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit nagpakatanga ako kakaasa sayo. Ginusto ko to eh, wala ka namang kasalanan. Alam mo ba na durog na durog na yung puso ko dahil kanina? Syempre hindi. Ramdam ko kung gaano kahigpit yung paghawak mo sa kamay niya kanina na para bang takot na takot kang mawala siya sayo.

Bakit ang hirap mag-move on sayo? Alam kong hindi naman naging tayo pero nagmu-move on ako. Punyetang love, pinapahirapan yung mga tao. Paano ba mag-move on sayo? Hirap na hirao kasi ako. Akala ko kapag nagbakasyon ako, magbabakasyon narin tong nararamdaman ko para sayo at hindi na babalik pa. Pero mali eh. Andito parin. Ikaw parin laman nitong puso ko. Siguro kung may Most Tanga Awardee, ako na yun. Pero wala ka namang kasalanan eh, hindi mo naman sinasadyang maging close saakin at di mo rin kasalanan kung na-fall ako sayo. Pero please naman. Sana maaalis kana sa puso ko kasi sobrang sakit na. Sobrang hirap.

Ilang taon na nakalipas. Parang ang bilis ng pangyayari. Kinasal kana pala? Hindi naman ako nainform. Wala na ba akong kwenta para sayo kaya hindi ka na nag-abalang ipaalam saakin na ikakasal ka na? O baka naman ayaw mong lalo ako masaktan? Hindi ko napansin na basa na pala yung screen ng phone ko habang tinitignan yung mga pictures sa kasal niyo. Sobrang saya mo sa kanya. Ang swerte nyo sa isa't isa. Lalo pa akong nasaktan nung nakita ko yung picture mo na titig na titig sa mapapangasawa ko habang naglalakad sya papunta sa altar. Wag nyo papabayaan yung isa't isa ah? Alam ko namang matatag ang relasyon nyong dalawa eh.
Best wishes Mr. and Mrs. Alcantara.

Galing na pala kayo sa honeymoon nyong dalawa. Masaya ba ang paglilibot niyo sa iba't ibang bansa? Sa tingin ko naman, oo. Lalo na't kayong dalawa ang magkasama. Wala na tayong komunikasyon ngayon, siguro oras na rin para mag-move on na ako sayo. May asawa ka na eh, masaya na kayong dalawa. Ayoko ng makigulo pa.

Kung may problema ka, andito lang ako. Pwede mo akong kausapin kung sakali mang nakikilala mo pa ako. Pero Simula ngayong araw na 'to kakalimutan ko na tong nararamdam ko para sayo. Aalisin na kita sa puso ko. Sobrang sakit na kasi. Di ko na kaya. Kaya mabuti pang itigil ko na to. Oras narin siguro para palayain na kita sa puso ko. Salamat sa mga memories na iniwan mo sakin. Hindi kita makakalimutan at wala naman talaga akong balak kalimutan ka. Hayaan mo sana akong sabihin to para sa huling pagkakataon. Mahal kita.

Dreaming of YouWhere stories live. Discover now