#24. 'Akin ka!'
Sa una ay titignan lang kita. Maya-maya ay lalapitan na. Hanggang sa unti-unting hahawakan. Pagnanasahan.at dahil natipuhan kita, akin kitang babayaran.
Humanda ka na! Nanggigigil na ako lalo pa't ako ang makakauna sa'yo. Yan ang gusto ko! Yung bagong bago pa. Masikip sikip pa't mahirap buklatin. Sige lang at magpa-hard to get ka pa! Dahil sa huli, ako pa rin ang mananaig.
Dyan ka muna sa kama, maya-maya lang mabubuklat at masisilip ko rin ang tinatago mo.
Sandali lang! Puposisyon muna ako.
At ngayon... Handa na ako. Sisipingan na kita. Pasiyahan mo ako nang buong gabi.
"Sh*t! Brown out! Paano kita mababasa? Kaasar!" nanggigigil na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Panandaliang Aliw [Koleksyon ng mga kwentong dagli]
Kısa HikayeNasilip mo na ba? Tara! Pasok na! buklatin mo na! Sige na! pumayag ka na! dahil narito na ang kikiliti, hahaplos, at maghahagod sa iyong isipan. Halika na at Namnamin ang... 'Panandaliang Aliw' [Koleksyon ng mga kwentong Dagli] All right reserved ©...