Prologue

2K 36 15
                                    

Chie’s Note: Annyeong Haseyo! ^_^ *bows* Alam ko na-miss niyo yung Ang Kuya kong Sikat! xD So eto na ang Book 2: “Kuya ko, Sikat din?!” Sana nabasa niyo muna yung AKKS bago ‘tong KKSD, para ma-distinguish niyo yung difference sa plot. :D hihi. Huwag niyo kong gerahin dahil ginamit ko yung name ko para sa name nung character dito ne? Hindi lang naman ako ang Chie sa mundo e. ^_^ Dating gawi, ito ay nasusulat sa Filipino, English at super konting Korean. xD haha. So anyways, enjoy reading this one mga cute! :3 Kuya ko, Sikat din?! Tantantaran~

P.S: Our ever lovable boys sa kanan ❤_❤ --->>>

Prologue

~ Chie’s POV

 

                “Ma, sige na po! Payagan niyo na kong pumunta sa concert!” pagmamakaawa ko sa mommy ko habang nakaupo siya sa may sala namin.

                Nag-buntong hininga siya, “Chie, napagusapan na natin ‘to ‘di ba?! Hindi ka pupunta. Wala kang pupuntahan ni isang concert ng mga Koreano na yan! Wala ka namang mapapala sa concert na yun ah? Hindi mo maiintindihan mga sasabihin nila. Maging praktikal ka ngang bata ka! Kesa ipangpanood mo ng concert ang pera, ibili na lang natin ng gamot ng lola mo!” tapos tumingin siya kay lola na nasa wheelchair niya at nakatingin sa amin.

                Sunud-sunod ang pagsasalita at paglilitanya sa akin ni mommy. Hindi na ako nakasagot. Gusto ko sanang sumagot pero baka masaktan lang niya ko. Mabigat ang kamay ni mommy, mabilis din siyang magalit at mairita. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niya kong nakikita na nakikinig, nanonood o kumakanta ng Korean songs. Hindi naman siya inaano ng K-pop ah? T^T

                “Ma---“

                “P*ny*t*! Hindi ka ba titigil?!” sigaw ni mommy at hinawakan ako sa braso ng madiin, “Kapag sinabing hindi pwede, hindi pwede! Naiintindihan mo ba ha?!”

                Nanginginig na ang mga luha ko at napatango na lang ako.

                “Hilda!” lumapit si lola at inalis yung pagkakahawak ni mommy sa akin, “Ano ba yang ginagawa mo sa anak mo ha?!” agad akong lumapit kay lola at dumukdok sa kandungan niya, “Bakit ayaw mong pumayag manood ng concert ang apo ko ha? May pera naman tayong pambili” sabi ni lola at hinihimas ang ulo ko.

                Si Lola Hester, mahal na mahal niya ko, mas mahal pa nga niya ko kaysa kay mommy e. Simula kasi ng maipanganak ako, dito na kami nakatira ni mommy sa mansion ni lola. Si mommy at lola lang ang kinalakihan ko. Wala akong kinilalang ama. Hay… for the 17 years of my existence, ni anino ng tatay ko hindi ko nakilala. I tried to ask mommy about it, pero umiiwas siya lagi. Kahit umiyak pa ko ng bato o dugo, wala siyang plano na ipakilala sa akin ang daddy ko. Feeling ko tuloy, putok ako sa buho o kaya self-produce. T^T Huhuhu.

                “Nay, kaya ganyan yang apo niyo na yan e! Masyado niyong kinukunsinte! Yan, lumaki tuloy ng spoiled sa inyo!” sabi ni mommy.

                “Anak, ayaw mo bang pagbigyan ang anak mo? Ayaw mo man lang suportahan kung saan siya masaya” sabi ni Lola at rinig ko sa boses niya ang pagmamahal sa akin.

Kuya ko, Sikat din?! (A CN Blue Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon