Chapter 6

8.8K 94 1
                                    

Isang linggo na akong nagliliwaliw sa The Thunder. Madaming pwedeng gawin. Madaming libro na pwedeng basahin.

Masaya ako sa isang linggo ng laya ko. At ngayon ang araw na darating na si Thunder. Kanina may narinig akong helicopter at alam kong siya na yun.

Napayakap ako sa sarili ko. Babalik ba ako bilang isang bilanggo? Ngayon andito na ang master ko, magiging alipin na ba ulit ako?

Nag ring ang telepono sa kwarto ko. Medyo nag alangan pa akong sagutin kasi ngayon lang ako nakatanggap ng tawag.

"Hello?" Narinig ko una ang background ng mga salita bago ko narinig ang boses ni Thunder.

"Be ready at 12."  Saad nito bago tinapos ang tawag. Napatitig ako sa telepono.

Hapon pa naman. May oras pa ako bago makaharap ulit si Thunder. Bumaba ako ng hagdan ng batiin ako ng butler na si Marcus.

"Good afternoon miss Jane." Nakasuot si Marcus ngayon ng 3 piece suit and that's his everyday attire. Naka ayos ang jet black hair nito at pormal na pormal ang itsura. He's 37 years old pero pag pag base sa itsura at tindig mapagkakamalang 25 lang. Lalo pa't gwapo at baby face ito. Akala ko nga noon masungit pero mabait siya sa akin. Sinamahan niya akong pumili ng librong pwedeng basahin sa library noong isang araw.

"Good afternoon Marcus. I'll just visit Twinkle." Nakangiting saad ko. Twinkle has been my bestfriend for the past days. She's a 3 year old horse and a sweetheart. Pinayagan din daw kasi ako ni Thunder na magliwaliw sa back part ng mansyon.

"She's doing fine miss the last time I saw her. Don't let me confine you. Please do go on." Ngumiti ulit ito at tinungo ang daan papasok ng kusina.

Nang marating ko ang kwadra ay agad kong nilagyan ng sadle si Twinkle. Sumakay ako at pinatakbo siya papunta ng cliff. Sa likod kasi ng mansyon ay may cliff na isang milya ang pagitan mula sa bahay. I'm The sunset is amazing to watch on the cliff which I've been doing for the past days. Umupo ako sa bench na naroon para hintayin ang sunset ng may tumabi sa akin.

Tumayo ang balahibo ko ng maamoy ang panlalakeng pabango na naging pamilyar na sa akin.

"Never thought that I'll see you here." Nilingon ko si Thunder. Namula ako agad ng titig na titig siya sa akin.

"Pumupunta ako palagi dito mula nang umalis ka." Defensive na saad ko.

Tumahimik din siya. Hinintay naming dalawa ang paglubog ng araw.

"I'm sorry."

Napatingin agad ako sa kanya. Nilunok ko muna ang laway ko. San siya nagsosorry? Sa pagbili sakin? Actually, sa ilang araw na pagkawala niya, narealize ko na dapat magpasalamat ako sa kanya.

Sigarado akong mas mahirap ang buhay sa ibang master kesa kay Thunder.

"Master, I just want to thank you for buying me." Nakatungong anas ko. Hindi naman siya kumibo hanggang sa lumubog na ang araw.
"Let's go." Tumayo siya at nilahad ang kamay. Inabot ko iyon at nagpatiunang maglakad papunta kay Twinkle. Nakita ko sa di kalayuan ang isang itim na kabayo na sigaradong sinakyan ni Thunder papunta dito. Inalalayan niya akong sumakay. I smiled at him and murmured thanks bago pinatakbo si Twinkle.

I'm actually confused. It's like he is not the Thunder I know. May nangyari ba?

Pagkarating ko ng mansyon ay hinatid agad ako ng guards sa Kwarto ko. Nakahanda na doon ang dinner ko. I ate alone.

To pass the time, I read a book for a while. Nang malapit ng mag alas dose ay naghanda na ako.

I laid down on my bed nang bumukas ang pintuan. Kasabay noon ay tunog ng kadena.

MY MIDNIGHT VISITORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon