IPOST ULIT LOL.
Aalis~Babalik
~~~
sobrang lapit mo na
pero hindi parin kita maabot
ilang beses ko na bang sinabi
na iiwasan na kita
na kakalimutan na kita
ginawa ko naman
kaso hindi gumana
kasi kahit anong pilit kong lumayo
tadhana na mismo ang nagtatagpo
kaya paano?
paano pa ako makakalayo?
sa tuwing lalapit ka
napapatigil ako,
ang mundo ko
sobrang bilis
tibok dito sa aking dibdib
bakit ba?
bakit ikaw pa?
sa dinami dami ng pwedeng ibigin
bakit yung manhid pa
hindi ko maiwasang umasa
dahil na rin sa kanila
sa mga taong nakapaligid
sa atin
umaasa ako
na yung nararamdaman mo
parehas sa nararamdaman ko
pero mali pala
kasi nakita kita
kasama siya
yung ngiti mo ibang iba
pati ang iyong mga mata
nababalot ng tuwa
at halata naman
na mahal mo siya
ayan nanaman ako
sinasabi sa sarili ko
na hindi ako apektado
pero sa totoo
gusto nang sumabog nitong puso ko
ilang beses ko nabang
naransan to
sa totoo lang
hindi naman ito ang una
Iiwas nanaman ako
aalis para makalimot
nagbabakasakaling ako'y pipigilan mo
kahit malabo
sobrang labo
umaasa parin ako
pero ngayon
baka ito na ang huli
hindi na ako babalik
kasi sa totoo lang
Pang ilang balik ko na ba ito?