SCANDAL THREE: Mami Sasazaki 2

383 8 2
                                    

Hello~ 

Ito na ang continuation ang story ni Mami. Thank you for reading and please support?.  

--- 

Present time... 

"I'm sorry, Mami. Pero e di-disband ko na ang banda," sabi ni Miyuki. 

Tumayo ako and I slam my hands on the table. Hindi pwede. 

"Pero Miyuki-san ang layo na ng narating natin! Konti na lang e la-launch na tayo sa t.v." Sabi ko. Nag buntong-hininga ang vocalist naming si Miyuki. "Layo? Eh ilang gigs pa nga lang ang na-perform natin. Nag back out pa yung network na mag la-launch sa atin," sagot ni Miyuki habang nakapikit at minamasahe ang ulo. "Kahit na! Hindi pa rin yun sapat para mag-disband tayo ng ganun-ganun lang! We've work hard for this!" Pagmamatigas ko. Hindi dapat pwede ma-disband ang banda naman. HINDI DAPAT. 

"Yan nga ang problema Mami! We've work hard pero parang walang nag a-appreciate ng ginagawa natin! So, ano? Indie band lang tayo habang buhay?" Medyo naiinis na sabi ni Miyuki. "A-Ako ang kakausap sa network! Trust me, Miyuki. Kaya natin 'to! Hindi dapat tayo susuko ng ganun-ganun lang!" Sabi ko. Napaupo ulit ako. Naramdaman kong may pumatong ng kamay sa balikat ko. Si Haruko yung bassist namin. Tumingala ako at nakita kong umiling na siya. 

"Hindi dapat tayo sumuko!" Sabi ko with enthusiasm. Wala man lang may nag-echo sa akin. 

"Tama na, Mami-chan," sabi naman ni Ryu, ang drummer namin. 

"P-Pero-" 

Tumayo na si Miyuki at kinuha ang gitara niya. 

"I sadly announce. Anpontanzu band is officialy disbanded," sabi ni Miyuki. 

Ng sinabi niya yun parang gumuho ang mundo ko. 

Aalis na sana si Miyuki, "S-Sandali! A-Ano'ng pinagsasabi mo? D-Disbanded hindi p-pwede!" Natatarantang sabi ko. "Susuko ka na lang ng ganun-ganun?" Dagdag ko. Tiningnan ako ni Miyuki, "Mami, matagal na akong sumuko! Hindi pag-babanda ako pangarap ko! Gusto ko maging artista. Gets?" Then lumabas na siya ng diner na kinakainan namin. Napaupo naman ako. Tiningnan ko sina Haruko at Ryu. "O, ano?" Mahinang sabi ko. "Hindi man lang kayo mag poprotesta?" 

Nag buntong-hininga si Haruko. "Mami, mukhang di talaga sa atin ang pag-babanda. Noong una kasi di ko naman talaga gusto mag-banda eh. Napilitan lang ako kasi ni-recruit niyo ako," paliwanag ni Haruko. Eh, bakit ka pa natutong mag-bass? Haaay. Tumayo siya ngumiti sa amin. "Una na ako, ha? Good luck sa inyo. Magaling ka, Mami-chan alam kong may future ka," sabi niya at umexit na din. 

Kami na lang ni Ryu ang natira. 

"Ano pang hinihintay mo?" Sabi ko habang nakataas ang kilay. Although, hindi nakikita ng dahil sa bangs ko.  

"Mami," panimula ni Ryu. "Nanghihinayang ako sa Anpontanzu eh," biglang gumalaw ang tenga ko sa sinabi ni Ryu. Ano daaaaw? Nanghihinayang siya????? TALAGA????? Ibig sabihin may kasama pa ako. Wahahahaha! Meron ding natira! "Ngunit may naghihintay na din sa akin na isa pang banda," 

Biglang may pumatong na isang dosenang hollow blocks sa ulo ko. 

ASDFGHJKL!!!!! 

"Ryuuuu! Ano ka ba naman! Di pa good vibes ka tas ganyan rin pala ang kahahantungan," sabi ko. Tumawa siya ng mahina. Nakababatang kapatid ng kabanda ni kuya noon si Ryu. "Gaya nga ng sabi ni Haruko, Mami. Mukhang di para sa atin ang pag-babanda. Para sa kanila hindi, pero para sa atin oo," sabi ni Ryu at ginulo ang buhok ko. "Isasali mo ako sa banda mo?" Excited na tanong ko. Sana nga... "Hindi eh," 

*BOGSH!* There goes my fantasy. 

"Huh? Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko. Di naman madamot si Ryu ah. Baet nga nito-____- 

SCANDAL(DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon