REN POV
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit hindi nya ako maalala? May nangyari ba sa kanyang masama ng umalis sya sa bahay sa Tagaytay?
" Kuya Ren, may formal attire ka ba dyan? "
Hindi kaya nabagok ang ulo nya tas nagka-amnesia sya tapos hindi nya ako maalala. Siguro akala nya ako yung babae kasi parang kahawig ko sya sa buhok lang. Yung mga nababasa ko kasi kapag nagkaka-amnesia hindi nila nakikita ang mukha ng naaalala nila. Iyon kaya nangyari?
" Kuya Reeenn! " napatingin ako sa may pintuan ng kwarto ko ng makita ko si Terence.
" Bakit ka ba sumisigaw? " naiirita kong tanong.
" Paanong hindi ako sisigaw, kanina pa kita tinatawag. Tinatanong ko kung may formal attire ka na kasya sa akin. Sayang naman kasi kung bibili pa tayo ng bago " sabi nya.
" Kailan mo ba kailangan? " tanong ko.
" Bukas " sabi nito.
" Sige. Nasa bahay namin ni Cyrax 'yon eh" sabi nito na ikinatahimik nya. Alam kong may alam sila sa nangyari kay Cyrax pero mas pinili nilang hindi sabihin sa akin. Bakit? Bakit tinatago nila sa akin?
" Kuya sorry " napatingin ako sa kanya. " Sorry kasi..ano...maiistorbo pa kita. Tama! Sige aalis na ako " umalis na sya.
Napailang na lang ako dahil masyado silang halatang ayaw nilang pag-usapan si Cyrax. Nakakainis! Nakakaiyak na lang ang nangyayari sa akin.
~
Nang sinapag na akong pumunta sa bahay namin ni Cyrax ay tumungo na ako doon. Pagkarating ko ay bumaba na ako ng taxi saka naglakad na ako ng habang papalapit ako sa bahay ay may nakita akong bata na nakaupo sa harap ng bahay. Hindi ko makita ang mukha nya kasi nakadukdok sa tuhod nya pero pamilyar sya.
" Psst! " tawag ko para malaman nyang may tao dito. Tumingala naman sya at nakita ko si Blake. " Anong ginagawa mo dito? " takhang tanong ko.
" Reenn " tumakbo sya papunta sa akin at niyakap nya ako pero sa liit nya hanggang bewang ko lang sya. Rinig ko ang pag-iyak nya.
" Anong ginagawa mo dito? Alam ba nila na nandito ka? " nag-aalala kong tanong. Tumingala naman sya sa akin
" Sorry Ren...Sorry because they lied to you " sabi nito sa akin.
" Who? Sino yung nagsisinungaling sa akin? " tanong ko. " Pero bago 'yan pumasok muna tayo " sabi ko sa kanya.
Pumasok na kami sa bahay. Pinaupo ko muna sya sa couch at kumuha ng tubig para mahimasmasan sya dahil iyak sya ng iyak.
" Wag ka ng umiyak. Tahan na Blake. Ano bang gusto mo? Gusto mo na bang umuwi pero paano ka napunta dito? " tanong ko sa kanya.
" I don't like to go home. I hate them all because everyone lied to you. Why do they do that? " iyak nya uli at yumakap uli. Hinagod ko naman ang likod nya.
Pati pala ang pamilya ni Cyrax ay tinatago rin ang tungkol sa amin. Ayaw na ba nila sa akin? Nagbago na ba ang isip nila? Mabuti pa itong si Blake na akala ko ay galit sa akin ay sya pang may concern.
Tinawagan ko kaagad si Ate Trixie pero tulad ng dati mukhang sinasadya talagang hindi nila ako sagutin kaya napagpasyahan kong ihatid ko na lang si Blake sa bahay nila mismo.
" I don't like to go home. I don't like! " sigaw nito ng nandito na kami sa may gate ng mansion ng mga Villarubia.
" Kailangan mo ng pumasok. Tingnan mo maggagabi na kaya paniguradong nag-aalala na sila sa'yo. " sabi ko sa kanya. Kinausap ko kaagad yung guard para tulungan akong papasukin si Blake.