Keegan's POV
Hoy Keegan! bakit may ganito ka sa bulsa nitong pantalon mo? Harley said habang may hawak na isang makinang na bagay sa kanang kamay niya at sa kaliwa naman yung uniform ko.
Lumapit naman ako sa kanya at kinuha yung pinapakita niya, yun pala yung lalagyan ng gamot ni Diem na dapat ipapakita ko kagabi kay Damon Hyung pero nakalimutan ko.
Hoy Keegan ano to? May nakakas*x ka na ba? Baka pills to? Rocco hyung said pagkatapos niyang kunin sakin yung hawak ko, g*go talaga.
Inagaw ko naman agad yung gamot sa kanya at binatukan siya, di rin talaga marunong magfilter ng sinasabi itong si Rocco hyung.
Baliw! Muka ba tong pills? At tsaka ang bata bata ko para sa sinasabi mo noh. Sigaw sa kanya, pero nagtawanan lang sila, kami na naman kasing apat yung magkakasama dito, tulog kasi si Ryker hyung tapos umattend ng variety show si Damon hyung, leader lang ng bawat group yung pinapapunta dun, actually kaninang madaling araw lang siya pumunta dun sa Korea, tapos kanina lang din agad yung pre-recording ng show kaya di na rin niya kami sinama, since ngayong araw din uwi niya.
And si Titus hyung naman nag-grocery muna ng stock namin sa kitchen, siya naman laging tao sa kitchen kaya siya rin lagi yung taga-grocery.
Ouch daing ko nang may biglang may bumatok rin sakin, tumingin agad ako kay Rocco hyung at ang g*go nakangisi lang.
Gantihan lang yan Keegan hahaha, ano ba kasi talaga yang gamot na nakalagay diyan sa lagayan na yan dati? Umamin ka na kasi baka talaga pills yan, tayo tayo lang naman yung nandito, di ka namin isusumbong kay Damon promise! nakangisi pang sabi niya sakin, tinignan ko naman siya ng masama.
Hindi-- naputol na naman yung sinasabi ko nang biglang kinuha sakin ni Rush yung gamot at binasa yung nakasulat dun.
Carmustine Implant, anong gamot to hyung? Nagtatakang tanong sakin ni Rush, nagkibit-balikat naman ako bilang sagot, kahapon pa nga din ako nagtataka sa gamot na yan, halata kasing hindi siya pangmigraine na gamot kung advil pa yan pwede pa.
Teka Carmustine Implant? Yan yung gamot na nireresearch ni Avery kahapon ah nang tumigil muna kami saglit sa review namin, para daw sa research paper na kailangan nilang isubmit kay Ms. Fendez singit ni Harley kaya lumapit agad kami sa kanya, inabot naman agad ni Rush yung lagayan ng gamot sa kanya.
Sigurado ka Harley? Para saan daw ba yung gamot na yan? Tanong sa kanya ni Rocco hyung.
BINABASA MO ANG
I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )
AcakHighest rank: #469 in Random Category ---------------------------------------------------------------------------------- At first, I only thought that the only problem about our relationship is your bestfriend. I always jealous of her, I always beca...