To Sir With Love...

2.3K 158 43
                                    

To Sir With Love...

Isa lang itong munting liham para sa'yo,
Ang lalaking nagpatunay sa aking ang 'love at first sight' ay totoo.
Kaya kung maaari'y hihingin ko ilang minuto ng iyong oras
Upang iyong mabasa itong sulat kamay kong liham hanggang wakas.

Alalang-alala ko pa, abala ako sa pagre-review no'n
Habang hinihintay ang proctor namin sa departmental exam na 'yon.
Ni isang beses sa mga oras na iyon 'di ko naisip na magiging iba ang araw na ito
Na mararanasan ko na pala ang so called love at first sight sa buwan ng Agosto.

Hanggang sa dahan-dahan na ngang nagbukas ang pinto
At dito na nagsimula ang ating panandaliang kuwento.

Nakakatawa nga eh, parang eksena lang sa isang pelikula
Biglang huminto ang pag-ikot ng aking mundo at ako pa ay napatula,
"Dumating na totoong Xavier na matagal ko ng hinihintay
At pag-ibig ko sa kanya'y handa ko ng ialay."

Sa mga sandaling iyon ay napagtanto ko na
Nagiging corny ka pala talaga sa sobrang lakas ng tama.

Nang ika'y magsalita na, ako'y napatitig sa'yo ng taimtim
Mr. Manhid, 'yon ang nakasulat sa t-shirt mong kulay itim.
Naisip ko tuloy, iyon nalang kaya muna ang itawag ko sa'yo?
ID mo kasi ay hindi ko matanaw, sinadya mo yatang itago.

"Sir!" narinig ko pang tawag sa'yo ng katabi ko,
Nakakainis nga eh, hindi pa niya sinali ang buong pangalan mo.

Ngunit ang inis ko ay mabilis rin namang napawi
Nang ika'y lumingon sa amin at ngumiti.
Lumapit ka pa nga, hindi ba?
At sa sobrang tuwa ng puso ko'y, isip ko tuloy napapa-Ano ka ba maghunusdili ka! :)

'yong totoo, madaming beses na akong kinilig kaya hindi na ito bago sa akin.
Pero alam mo ang iba ngayon? Sa isang sulyap lang, puso ko'y iyong inangkin.

Kaya nang tumunog ang bell, hudyat ng iyong pag-alis
Hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng sobrang pagka-inis.
Napaka kill joy kasi ng oras
Love story kong ngayon lang nagsimula, binibigyan na kaagad ng wakas.

Hay.

Hindi na kita nakita matapos ang araw na iyon.
Tila ba ang tadhana'y sa aking pag-ibig ay hindi sumasang-ayon

Hinanap kita, hindi lang sa isa kundi sa apat na campus ng school
Kasama ng supportive kong mga kaibigan, nagmukha kaming mga fool.
Pero ito'y naging sulit nang nagbunga ang pagtatanong namin
Pangalan mo'y aking nalaman at sa araw-araw ay binibigkas na sa harap ng salamin.

But suddenly someone splashed a cold water on me, woke me up from my fantasy
You're not my Xavier and I'm not your Mei, that's our reality.

Alalang-alala ko pa, abala ako sa pagpe-facebook no'n
Habang hinihintay ang hapunan namin sa araw na 'yon.
Ni isang beses sa mga oras na iyon 'di ko naisip na magiging iba ang araw na ito
Na mararanasan ko na pala ang ma-broken hearted sa panahon pa talaga ng Pasko.

Hanggang sa tumunog na nga ang facebook ko
At dito na nga nagsimula ang pagtatapos ng panandaliang love story ko.

Nakangiti pa ako nang makita na kaibigan ko pala ang nagmensahe
Subalit naglaho ito nang mabasa ang balita niyang mas masakit pa sa pagtaas ng pamasahe,
"Mae, nakita mo ba 'yong mga bagong larawan niya?
Sa tingin ko ang kasal na iyon ay sa kanya."

Sa mga sandaling iyon ay napagtanto ko na
Luha pala'y pumapatak ng 'di mo alam kapag sobrang nasasaktan ka na.

Nang pinuntahan ko ang facebook profile mo, ako'y napatitig sa'yo ng taimtim
Mr. Manhid ika'y nakabarong na na puti habang sa kanya ay nakatingin ng malalim.
Naisip ko tuloy, sana pinigilan ko nalang ang sarili ko noon.
Edi sana mga mata ko'y hindi lumuluha ngayon.

"Sir!" 'yan nalang ang itatawag ko sa'yo
Di na ang pangalan mo para kahit papano'y damdamin ko sa'yo'y malayo.

Ngunit alam mo bang ang kirot sa puso ko'y unti-unti ring napawi
Nang masilayan ko sa inyong mga larawan ang iyong napakatamis na ngiti.
Masaya ka na, alam ko.
Masaya na rin ang puso ko para sa'yo kahit na tinatanong ng isipan ko, "masokista kaya ako?"

'yong totoo, madaming beses na rin akong nasaktan noon kaya hindi na ito bago sa akin.
Pero alam mo ang iba ngayon? Sa isang iglap lang, puso ko ay 'di sinasadyang wasakin.

Kaya ngayong tumunog na ang musika, hudyat ng aking pag-graduate
Hindi ko mapigilan ang sarili kong sa malungkot na tugtugin ay mapaawit.
Napaka kill joy kasi ng oras
Love story kong kay bago lang nagsimula, wala na ba talagang bukas?

Hay.

Alam kong hindi na kita makikita matapos ang araw na ito.
Sabi kasi ni tadhana, THE END na ito.

Ngunit bago ako tuluyang magpaalam, ako muna'y may huling tanong sa iyo.
At sana'y ako ay iyong sagutin ng tapat at totoo.
Kung napaaga ba ako ng dating sa buhay mo,
Magiging katotohanan kaya ang pangarap kong 'tayo'
O hanggang sa panaginip ko nalang iyon magkakatotoo?

Sir magtatapos na itong liham ko para sa'yo.
Hindi ko inaasahang iibigin mo ako dahil dito.
Ang gusto ko lang ay iyong malaman
Lahat ng emosyon nitong puso ko'y matagal ng laman.

Kaya Sir sana ikaw ay huwag magalit dahil sa lahat ng nakasulat dito.
Ang isipin mo nalang, isang babaeng lihim na nagmamahal sa iyo
Ang nag-iwan nito sa labas ng iyong pinto
At umaasang sana... maramdaman mo ang pag-ibig niya sa simpleng liham na ito.

PS.

I thought this was the love story I'd be able to say at the end that
"Everything was worth the wait."
But instead, all I could whisper to the stars right now is
"What if I was not late?"

Signed with love forever true,
From an anonymous student...

**

A/n: Hopefully you could read this. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Sir With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon