Pagpapakilala

12.7K 228 7
                                    

Hi I am Mark Montefalco. Yes, I am a Montefalco, tinatanong nila palagi kung related ba ako sa Montefalco co.(company) I always give them a shrug and a sign of a no answer.

Nasa ** school pala ako ngayon. As usual, malaki ang polo at pants ko and the nerdy look of eyeglasses, hindi naman makapal gusto ko lang ang ganto to keep my profile low. Pale skin.

Ayaw ko kasing pinaguusapan ako because of my looks and attitude, I want to make them gossip the "Intelligence of ** Univ."

As you can see, bago lang ako dito. Doon kasi sa past school ko eh I dropped out. Well actually dapat expulsion. I did not know what happen back then, iniisip ko na lang na may nag sabotage sa aking pangalan and they want to be on top.

That's why I'm here. Actually, maganda din naman dito although less opportunities but can be improved.

Kaso, may mga tao talagang hahadlang sa paglipad mo.

He's the Captain of the Basketball, I'm the President of music club. He's the Mr. Campus Heart throb, I'm the editor-in-chief of the school's magazine. He's Mr. Eveything-That-Girl-Needs while I'm-The-Nerdy-Needs-To-Improve-In-Terms-Of-Looks-And-Style.

He's Adrian Angelo Dela Cruz. Playboy and a Bully, sabi nga ni Mr. Justin.

We're the same ni Justin yun nga lang, siya tahimik and hindi nagsasalita, if necessary lang.

So, in my 1 month in here is really good. in 3 weeks makukuha na agad ang result ng 1st grading. Confident naman ako sa sarili ko pero letse kasi tong si Adrian Dela Cruz na to, lagi akong binubully.

Alam niyo naman nong nangyari nung first day diba? Oh ang saya diba? Hahaha!

Noong mga nakalipas na araw buti mga tapon lang ng juice at tubig, sanay naman ako don seriously kaya hinahayaan ko na lang. I focused my self on my studies.

----

Ako at si Mark ang nakikipagpaligsahan kay Adrian sa tests, recitations and extra curricular activities well, masasabi kong magaling siya sa basketball halata naman kasi napapanood ko siya pag kailangan ko ng reports about sports and isa lang ang masasabi ko, tinitilian talaga siya.

Maayos naman ako dito sa school bukod sa pang bubully ni Adrian eh may Justin naman akong kaibigan.

Recess na ngayon, nasabi ko ba na sa bawat paglipat ko ng upuan eh lumilipat din si Adrian? Well, ganoon nga!

Kaya ngayon nasa harap kaming dalawa.

Hindi naman ako bababa kasi may food nako, tsaka na dala ako pag pumupunta sa canteen, the last time na pumunta ako doon sinikmuraan lang naman ako ni Adrian at sa sobrang inis ko sa pag sikmura niya sakin ginupit ko yung bangs niya na mahaba.

Flashback

"Bili na tayo sa baba" anyaya ni justin sa akin.

Gumagawa kasi kami ng isang proyekto at nag gugupit kami ng editoryal sa dyaryo. Sa sobrang gutom ko hindi ko namalayan na nadala ko yung gunting ko pababa at nakalimutan ko ang wallet ko.

Buti na lamang at may extrang dala si Justin at nag pabili na lamang ako.

Nag bubulungan kami ni Justin dahil sa ingay at nagtatawanan kami dahil sa nabasa namin sa isang diyaryo na,

"Hindi lahat ng pangit nasa akin na lahat, yung iba nasa ugali mo." yan yung pagkakasabi. Tawa kami ng tawa.

Maya maya may sumuntok ng sikmura ko paharap. Eh hindi ako nakatingin sa harap kasi nga binubulungan ko si Justin, pagharap ko

Tangina si Adrian, namimilipit na ako sa sakit kaya tumayo ako ng tindig at ginupit ko yung bangs niya. Susuntukin niya pa dapat niya ako ng magsalita siya

"asfdkjansfejknrfafkndascvjr" huh?

Di ko naman naintindihan.

Kaya iniwan ko na lang siya doon at bumili.

*end of flashback*

So ayon nga, lagi na lang ako nandito minsan bumababa si Justin nakakalimutan niya kasing bumili ng pagkain niya eh. Tulad ngayon, wala nanaman siyang pagkain. Fudgee bar lang kasi ang pagkain ko at zesto lang ang juice ko.

Ako at si Adrian tulog na lang ang naiwan dito.

Bakit kaya to tulog?

PAgkapa ko sa bag ko dalawa pala yung fudgee bar ko.

Kaya ginising ko si Adrian at bibigay ito.

"Adrian, gising! Kain ka muna tapos tulog ka ulit." Sabi ko sa kanya.

"asfilasjfenjakf" SAbi niya.

Huh?

Baliw na ba to?

Nagpungas pungas siya at nong nakita ko siyang okay na. I offered my one fudgee bar to him.

"Sayo na lang, kanina ka pa tulog eh."Sabi ko sa kanya and smile ng tipid lang. Magkatabi naman kami kaya side by side na lang.

"Wag na, kaya kong bumili niyan" pagsusungit nito.

"Sus, pag bumaba ka mauubusan ka ng oras. Sige na nahiya kapa eh." Bigay ko sa kamay niya yung fudgee bar at kinuha niya agad iyon at kinain.

Hindi ko muna nakain yung akin dahil parang bitin pa siya. Gutom na gutom.

"Gusto mo pa?" Inoffer ko yung isa na dapat sakin. Hayaan mo na, feeling ko di to nakakain kaninang umaga eh ako nakakain naman ako.

"Wag na busog nako." Pagsusungit ulit nito at tatayo na sana nung pinaupo ko ulit siya at binigay ang isa pang fudgee bar ko.

"Eat it." Sabi ko at binigay ko din yung juice ko.

"P-pano ka?" Tanong niya

"Kumain na kaya ako." Pagmamalaki ko pero deep inside kahit isang kagat lang. Hahaha

"O-okay" Sabi niya at nilantakan ulit ang pagkain na binigay ko.

Para mapawi ang takam ko nagbasa na lamang ako.

"I did not know you're reading a crappy genre book." pambungad niya sakin, nakatingin pala siya sa binabasa ko. The Fault in our stars kasi yung binabasa ko.

"It's not a crap. It's called LOVE." sabi ko.

"Whether love or romance or etc still, it's a crap." Pagmamatigas nito, naubos na niya ang pagkain niya I mean pagkain ko pala. Joke hahaha

May 10 mins. pa para sa recess pero wala pa rin ang mga classmates ko.

"Na-inlove ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa, ngayon lang!" Sagot niya tapos may diin pa yung ngayon lang.

"Eh bakit parang galit ka? Dapat masaya ka kasi in love ka." Sabi ko sa kanya.

"Eh paano naman kasi asdfvjbnnfrvjknhiuahedvhfi" Ano daw?

"Ano? Di ko naman maintindihan." Pagkairita ko sa kanya.

"Sabi ko sasapakin na kita pag di ka tumigil na pakikipag usap sakin. Mind your own business." Sabi niya at tinapon ang mga balat na pinagkainan niya.

To be continued....


I'm In love with a BULLY (ManXMan) (Mpreg) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon