Mark's POV
Mag aalas onse na nang makauwi na ako sa bahay. Ginaw na ginaw ako. Nanginginig ako sa lamig habang naglalakad pauwi. Hindi ko rin naman nadala ang phone ko. Saka isa pa, busy naman sila Mama at Papa. Hindi nila ako maasikaso.
Pagpasok ko ng bahay. Nakapatay na lahat ng ilaw.
Wala rin pala silang pake.
Hahaha.
Pagtungtong ko ng salas. Biglang nagbukas ang ilaw.
Nakatayo si Wendy at may dala dalang twalya.
Lumapit siya sa akin at ibinigay niya iyon.
Wendy: Magpalit ka na kaagad ng damit. Magkakalagnat ka pa niyan e.
Tumango lang ako at papunta na sana ako ng banyo.
Wendy: Pag nagkasakit ka.. Nagdala na ako ng biogesic sa kwarto mo. Inumin mo lang yun. Every four hours. Pag kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako. Hindi ko isinilent yung phone ko para magising ako kung sakaling tatawag ka sa akin.
Mark: Salamat.
At pumunta na siya sa taas.
Medyo matamlay na ang boses niya nung mga oras na iyon. Inaantok na siguro.
Pumunta na ako agad ng banyo at nagpalit ng damit.
Paglabas ko ng banyo.. Si Jayem naman ang nasa harap ko.
Parang mga kabuteng bigla nalang nagsisisulpot. Parang mga multo.
"Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya.
"San ka nanggaling?" Sagot niya sa akin.
"Hindi na mahalaga yun" sagot ko sa kanya sabay layas sa harap niya.
"Mahalaga yun para sa syota mo" mabilis niyang isinagot.
Napatigil ako at napaisip. Nakalimutan ko na namang girlfriend ko pala si Wendy. Bakit nga ba wala man lang akong paliwanag nung dumating ako?
"Bukas nalang kami maguusap" sagot ko sa kanya.
"Buong magdamag siyang naghihintay sa iyo kanina."
"Alam ko yun"
"Ni wala ka man lang sinabi nung dumating ka? Ni Goodnight man lang o simpleng 'I Love You'?"
"Pagod na pagod ako nung dumating ako"
"Antok na antok na rin siya kakahintay sayo"
"Wala namang nagsabi sa kanyang hintayin niya ako"
"GIRLFRIEND mo yun e."
"Hindi ko kinakalimutan yun"
Nagpatuloy na ako sa paglakad ko pataas. Hindi pa nga ako nakabihis. Nakabalot lang ako sa twalya.
"Alam kong SIYA ang pinuntahan mo"
Narinig ko iyon pero hindi ko na pinansin. Ayoko nang dito na naman kami magtatalo.
-----------
Wendy's POV
"Wala namang nagsabi sa kanyang hintayin niya ako"
Yan ang sinabi ni Mark kanina.
Nandun ako sa huling palapag ng hagdan habang nakikinig sa kanilang magpinsan.
Ewan ko ba... Bigla nalang may tumulo sa mga mata ko.
Nung narinig ko yung "SIYA" sa sinabi ni Jayem, nanlambot ako. Parang talunan na naman. Bakit ganun? :( Ako na yung GF pero parang mas mataas pa rin sa akin si Ashleen.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Genç KurguLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?