LMB06

10 0 0
                                    

               "Ang tagal mong lumabas ng CR, anung ginawa mo dun? Nag orasyon?" Eto? anung problema nito? wala syang paki kong kahit isang oras ako sa CR. Pakialamirong manyak! -.- Alam nyu naman siguro kong sino ang tinutukoy ko. Niko

"Anu ba ang kailangan mo--"

"Leng? Tawag ka ni Sir Don" Si Sess, hindi ko sya classmate pero kilala sya sa school dahilan nang Captain sya nang football team.

Anu kayang kailangan ni Sir at bakit niya ako pintawag.

"Nasa Sports office sya, alert daw kasi nagmamadali sya" Sess

Pagkatapos niyang magsalita ay bumalik ulit sya sa field to continue the game. Panira din tong si Sir Don, alam naman niyang naglalaro ang mga varsity eh ginambala pa niya.

"Mamaya nalang kitang turuan Niko, kailangan k--" hindi na niya ako pinatapos nang sasabihin ko  "Lakad na!"  Aba? Galit sya? Anung ginawa ko? Nagbanyo lang ako at kasalanan ko bang pinatawag ako ni Sir. Boboners lang sya ha.

Sports office

"Ms. Sol, ikaw lang naman ang may kayang ibigay itong sulat..You know that your auntie--"

"Sige po, payag na ako"
Simple lang naman ang inuutos niya eh, ang ibigay ang isang request letter sa isang sports coordinator sa kabilang school which kong saan nag-aaral ang kuya ko noon at Untie ko ang Sports Adviser magkatulad sila ni Sir Don.

"Pwedi kang lumabas this hour, excuse ka naman"

"Okay Sir lalakad na po ako"

Tumalikod na ako pero bigla niya akong tinawag ulit

"Ahh Ms. Sol, another favor please?"

Napalingon ako kay Sir

"Anu po 'yun sir?"

"Pwedi mo bang sabihin sa badminton coach nang school nila na kailangan ko siyang e meet.. Uhmm.. Something important matters to be talk"

Tumango ako at tuluyan nang lumabas nang office.

Lumabas na ako nang school at sumakay nang motor papuntang kabilang school.

Pagpasok ko doon, agad naman akong sinalubong nang mga tingin nang mga studyante. Rivals kasi ang ang school namin. Mapa Quiz bee, sports, etc. parating nag aaway ang dalawang eskwelahan para lang sa isang Panalo.

Dumiretso na ako nang Sports office nila. At doon ko naabutan si Auntie na busy nagsusulat. Bago ako pumasok at kumatok muna ako.

"Oh! Lenica.. Naparito ka?"

Itinaas ko ang isang brown envelope. At agad namang nawala ang mga ngiti sa labi nang aking tyahin.

"Pumasok ka, have a sit"

Tumabi siya sakin at yinakap ako. Alam ko na ang ibig sabihin non. Nag aalala na naman siya sa kapakanan ko. Close kasi sila ni Papa. Tsaka gusto niyang mag transfer ako sa school na tu. Pero nagmatigas ako. Anu nalang sasabihin ng mga nambubully sakin? Na talunan talaga ako kasi natakot ako sa kanila? Nakakatamad naring mag process nang mga papeles sa pag tatransfer. Waste of time...

Kumalas na si Auntie sa yakap. Ngumiti ako at pilit na iniiba ang aura sa loob nang office niya.

"Galing kay Sir Don, Auntie" Ibinigay ko sa kanya ang envelope.

Humugot sya nang hangin at binuga ito. Hindi ko alam kong anung namamagitan sa kanilang dalawa ni Sir. Magkasing edad lang sila. Mga 28 na siguro.

Aalis na sana ako nang maalala ko ang isang favor ni Sir Don. Ang badminton coach nang school na tu  kailangan kong mahanap at mairating sa kanya ang mensahi galing kay sir.

Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon