Bewitched

47 3 0
                                    


Walang masyadong happenings nung mga first few weeks of summer.

Since nung debut ni Katerina, masama palagi pakiramdam ko.

Feel ko nasusuka ako, ayoko kumain nito, gusto kong kumain nito aba ewan ko sa katawan ko.

Siguro naninibago lang yung katawan ko.

Sa 3 weeks ng summer at after nung debut ni Katerina, tawag ng tawag sa akin si Paulo.

Hindi ko alam kung ano yung problema niya or kung ano yung gusto niyang pagusapan.

Basta gusto ko lang lumayo sa kanya lalo na nung nalaman kong hindi sila nag kabati ni Katerina.

Ayoko naman mahuli ako ni Katerina na kinakausap or ineentertain ko si Paulo.

May naaquire kaming new friendship of some sorts at ayoko mawala yun dahil sa lalaki.

Matagal ko ng inaasam yung acceptance ng members ng JAWBREAKERS at this time di na lang si Karen ang nakakakita ng potential na kaya ko din maging JAWBREAKER.

Wala naman masyadong ngyari nung summer. Ni hindi nga ako umuuwi ng bahay.

Hinahanap ako ni mama, miss ko na siya pero di naman niya ako kailangan eh. Paborito niya si Arisa at di na magbabago yun.

Magsama silang dalawa!

Si papa naman, tch aside kay Arisa. Isa din yung halimaw na yun kung bakit di ako umuuwi sa amin eh... maglolokohan pa ba kami?

Halata naman na may babae siya sa side.

Sakit lang ng ulo ang abot ko dun sa bahay na yun at no way in hell na gusto ko makita si Arisa.

Sabunutan ko siyang mangaagaw siya.

"Kain na mga panget!" Sigaw ni Jessica at agad naman nagbabaan yung JAWBREAKERS.

Kami lang kasi yung nasa dorm na to. Exclusive for us only. At duty duty kami dito na rotation.

Si Karen lang talaga walang ginagawa kahit ano.

Di naman kami magrereklamo kasi kalahati ng lahat ng rooms namin ay si Karen nagbabayad kaya wala na kaming arte pa dun.

Kumain kami at nung nakaamoy ako ng kape, parang nasususka nanaman ako. Sobrang sakit ng tiyan ko kaya agad naman ako tumakbo sa banyo at dun sumuka.

Narinig kong may lumapit.
"Ewww ano ngyari sayo at sumusuka ka?"

Alam na alam ko kung kanino galing yung boses na yun. Wala naman mas aarte pa kay Karen.

"Di ko nga rin alam eh." Simpleng sagot ko. Di naman ako papatol kay Karen. Talagang ganyan lang talaga siya.

"Pumunta ka na ng doctor. Malay mo malala na pala yan... mahawa mo pa kami dito." Sabi naman ni Karen.

Tama siya... dapat siguro magcheck up na ako sa doctor.


Arisa's POV


Nanunuod kami ni Mikael ng movie at super happy namin kahit ganito lang at simple yung ginagawa namin.

Patapos na yung movie ng biglang nagtanong si Mikael.

"Arisa?"

Hmmm mukhang seryoso siya kaya seryoso din ako... tungkol saan kaya to?

"O bakit?" Tanong ko kagad.
"Sa totoo lang ok lang kahit di mo ako payagan... ayaw ko naman talaga pumunta. Pinipilit lang kasi ako."
"Sabihin mo muna kaya sa akin para alam ko yang pinagsasasabi mo." Sabi ko naman sa kanya na natatawa.

HELLHIGH ❤KathNiel❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon