Chapter 18 - Pride

36.9K 636 41
                                    

Dedicated to my student-turned-reader Therese! Hello sa'yo! Please don't tell your classmates about this account.. Hahaha.. See you in school! :*

Thanks din to everyone who voted and commented sa previous chapter! I'm loving it! :))

Enjoy!

===============================

CHAPTER 18

Itinigil ni Mikay ang ginagawang pagsampay ng mga damit at pinunasan ang pawis sa noo niya. Maagang pumasok sa resort si Gino kaya naman mag-isa siya sa bahay ngayon. Si Aling Salve naman ay pinauwi na niya pagkatapos nilang pagtulungan ang mga labahin. Dadalhin pa kasi nito si Caloy sa doktor para sa follow-up checkup.

Maayos na naman ang kalagayan ng bata. Hanggang ngayon ay walang tigil pa rin ang pagpapasalamat ng pamilya sa kanya. Nangako ang mga itong babayaran ni Jao paunti-unti ang ginastos niya sa ospital.

Nung una ay tumanggi pa siya at sinabing tulong na lamang niya iyon sa kanila. Ngunit nagpumilit ang mag-asawa, kaya sa huli ay napapayag na rin siya.

Bumalik si Mikay sa ginagawa ngunit napatigil din ulit sa paghinto ng isang pamilyar na sasakyan sa harap ng bakod na kawayan. Now she remembered where and when she had seen the car.

Ang akala niya ay tuluyan nang itinaboy ni Gino ang taong ito. Pero bakit bumalik pa rin ito sa Aberin?

And true enough, bumaba mula sa kotse ang babaeng naging dahilan ng pagtatagis ng bagang niya nung nakaraang araw. Si Maddie. Parang alam na rin niya kung ano ang pakay nito.

Walang pasabi itong pumasok sa gate at lumapit sa kinaroroonan niya. Up close, the woman did look sophisticated and regal. Magara ang damit at sapatos nito, maging ang mga alahas na nagkikislapan sa katawan nito. Malayong-malayo sa t-shirt at maong shorts na suot niya.

Maddie peered at her from her signature sunglasses. “And who might you be?”

Saglit na natigalgal si Mikay. “P-po?”

Hindi niya alam kung bakit niya ito pino-po. Maybe it was because the way she looked intimidated Mikay. Nanliit din siya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya.

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon