Chapter Thirteen
Kasabay
Pagkababa namin ni Rhianne ng tricycle, agad akong may naramdamang kaba. Unang beses ko itong makapunta sa kanila. I don't know how to react. Should I act normal? Of course, I should. Stupid question, Kassandra.
Binayaran na namin ang tricycle driver saka tumungo na sa bahay nina Marco.
Simple lang ang bahay nila. Gawa ito sa kahoy at halatang luma na.
"Hello, tol. Andito na kami sa harap ng bahay niyo." Ani Israel na kausap ata si Marco sa cellphone.
Pagkatapos ng ilang sandali ay lumabas na sa bahay ang medyo tumaba at pumuting Marco. Shit. He's really here. Medyo tumubo na ang bigote niya sa ibabaw ng bibig saka sa chin. Kumapal din ang kaniyang buhok.
"Oh, kanina pa ba kayo? Tara tuloy kayo." Aniya saka iminuwestra ang pintuan ng bahay.
Pagpasok sa pintuan ay may hagdanan pa sa kaliwa at kailangan pang akyatin iyon para makatuloy sa mismong bahay.
"Teka may kukunin lang ako. Diyan lang kayo ah."Aniya.
"Ohsige." Anang dalawang lalaki. Kami naman ni Rhianne ay nagkakatinginan lang saka umupo sa sala. Tanaw ko ang isang maliit na bata. Sa tabi ni Rhianne ay naroroon ang isang babae na mukhang may asawa na. Tita niya ata.
"Oh, Kass." Aniya saka ibinigay sa akin ang isang shoebox na may tatak na Vans.
"Ano 'to?" Sabi ko sabay tanggap nung shoebox. Pagkabukas ko, tumambad sa akin ang isang kulay pink na Vans na sapatos. Shit. Ano 'to? Pasalubong? 'Di naman ako humingi sa kaniya, ah.
Naghiyawan ng mahina iyong mga kasama ko. I don't know how to react!
"Uhh. Para sa akin ba 'to?" Tanong ko habang 'di parin ako makatingin sa kanyang mata.
"Malamang." Sarkastikong sagot niya.
"Uhm. Talaga? Uhh. Salamat?" Sabi ko ng naiilang parin.
"You're welcome. Ikaw pa, malakas ka sa akin, eh." Aniya saka nginitian ako.
"Teka, magbibihis lang ako, ah?" Sabay balik niya sa kwartong pinanggalingan niya.
Nakakaramdam ako ng awkwardness ngayon kasi ayon kay Marco dati, boto daw ang lolo't lola niya sa akin. Kahit 'di pa nila ako nakikilala. Bukambibig niya raw kasi ako. I wonder if they know that we broke up? Well of course they know! Balita ko palaging pumupunta si Marcela dito noong sila pa.
"Uy Kass, bless ka sa tita at lola mo, oh." Ani Israel saka tinuro sa akin ang matandang papaakyat. Tumingin siya sa amin at tinanguan namin siya. Lola siguro ni Marco.
"Good afternoon po." Sabay na sabi namin ni Rhianne.
"Tara!" Biglang sulpot ni Marco at iminuwestra na kami palabas. Malagkit ang tingin niya sa akin na tila namimiss niya ang presensya ko. Oh, how I miss this guy. I want to hug him real tight.
Pumara sila ng tricycle saka sumakay na kami 'dun. Sa front seat sumakay si Marco. Kaming apat naman ay nasa likod. Katabi ko si Rhianne at kaharap ko naman si Joaquin. Awkward naman nito. Nasa iisasng tricycle lang kami ng ex at ng crush ko. Oh well, ako lang naman ang nakaka-alam dito na crush ko si Joaquin kaya walang problema.
Pagkarating namin sa lugar kung saan daw sila magpapractice ay hinanap pa nila ito.
"Excuse po, dito po ba yung may studio para sa banda? Magpa-practice po kasi sana kami." Ani Marco sa isang lalaking nakatambay sa labas ng isang gate.
"Ah, oo. Dumiretso lang kayo sa loob."
"Sige, salamat po."
Pumasok nga kami sa medyo masikip na lugar at nakita 'dun ang isang kwartong may complete drums set, electric guitars, amplifiers, speakers at microphone. Mayroon ding sofa na pang tatlong tao.
BINABASA MO ANG
Always Been You (On going)
Novela JuvenilSa realidad, hindi natin agad basta bastang nakikita ang taong nakatakda para sa atin. Dadaan tayo sa ilang mga pagsubok at hindi ito maiiwasan. Dadaan din ang mga panahong iibig tao sa iba't ibang maling tao ngunit dumaan lang sila sa buhay natin u...