Part 1

8 1 0
                                    

Ako pala si Daniel. Simpleng tao, Pala-kaibigan, mabait, matulungin. 18 years old na ako. magaling sumayaw. Mapagmahal na tao. seryoso magmahal pero laging nasasawi pagdating sa pag-ibig.

Meron akong girlfriend. Ang pangalan niya ay Monica. Maganda, Mabait, Pala-kaibigan din, Drummer, Ang Ganda ng boses. sa totoo lang na sakanya na ang lahat.

Kaklase ko siya since 3rd year highschool hangang ngayon (2nd year college). actually nakilala ko siya nung 2nd year highschool kami (2010). pinakilala sa akin ng pinsan ko na si Bea. Yung araw na yun Love at first sight na ako sakanya. pero nahihiya pa akong kausapin siya that time.

February 22, 2011 - Birthday ko. Naghanda ako ng madami. nag si datingan mga kamag-anak ko, kaibigan ko at syempre di mawawala ang crush ko na si Monica :) ito na yata ang pinaka-masayang birthday ko kasi andun siya :)
Pagkatapos kumain. nag-videoke kami. habang kumakanta yung iba kumuha na ako ng lakas ng loob para tabihan siya at kausapin.

Ako: Okay ka lang ba jan?

monica: Oo, actually masaya ako kasi nakilala ko kayo at mga kaibigan mo kasi ang kukulit niyo pala :)

(ito na yung pagkakataon para bumanat)
*Hinga ng malalim*

Ako: Ay hehe ako din masaya kasi nakilala kita :)

Monica: ayy! oo pala! Happy birthday ulit ahh! pasensya ka na wala akong regalo sayo

(aray! di niya yata napansin na bumanat ako. Daniel! isa pang banat baka this time mapansin niya na)

Ako: hala! okay lang kahit wala kang regalo basta ang mahalaga andito ka sa birthday ko :)

(Bigla yata nakapansin si insan Bea ang pagbanat ko kaya siguro nakatingin sa akin)

Bea: hoy insan! kanina ka pa ah. pangalawang beses ka ng bumanat jan sa bff ko.

(Grabe tamang Hinala nga ako)

Monica:Oo nga! kanina ko pa napapansin na banat ka ng banat ah. yung totoo?

(Patay! Yung totoo daw Daniel!)

Ako:Banat ba yun! asus kayo talagang mga babae hay naku!

Grabe! bigla akong nahiya dun ah. Ang bilis ng tibok ng puso ko tuloy! ano na gagawin ko. Wait! Punta nga muna ako ng terrace magpapahangin ako!

(Habang nasa labas si Daniel. Si Bea at Monica naguusap)

Kapag ang lalake na ang tinamaan ng tunay na pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon