"YES, YES NGUMITI SYA! YES!!"
"Si Daren ngumiti?? Talaga best???"
"Oo best ngumiti sya!!"
"Kanino sayo??"
"Ngumiti sya pero hindi saken, basta ngumiti lang sya bigla, nakita ko."
"Toinkz! Kala ko naman sayo ngumiti.."
"At least ngumiti sya. Makita ko lang na masaya sya ok na rin ako."
Ganon ako, kahit mga simpleng galaw lang ng crush ko ay sobrang kilig to the bones na ko. Sinuklay nya lang yung buhok nya gamit yung kamay nya ay parang nakahigh score na ko sa exam sa sobrang kasiyahan; nag-inat lang sya ng braso bigla kuminang mga mata ko habang pinagmamasdan sya sa ginagawa nya; tinali nya lang yung sintas ng sapatos nya bumagsak na panga ko sa sobrang pagkamangha. Lahat kasi ng gawin nya ay kaakit-akit dala ng kagwapuhan nya.
Ganon ako kaapektado ng mga kilos nya. Alam nyo yung butterfly effect? Yung isang flip lang ng pakpak ng isang paruparo ay pwede mabago ang weather sa isang lugar or pwede magdahilan para magkabagyo kung minsan. Ganon din si Daren saken...dahil ganon ko sya kagusto.
At kanikanina lang ay ngumiti sya! Kaya sobrang saya ko talaga..
Nabuo nya na ang araw ko. :)
"Asus! Saka ka na nga lang magdiwang kapag kayo na best okay?" ngumuso sya bilang pagbaliwala sa katuwaan ko saka tinignan yung mga kuko sa daliri nya na bagong manicure at napipinturahan ng kakaibang nail art.
"Maganda ba?"
"hmp! Ewan ko sayo..tara na nga best."
~~~~~~~
"Alam mo best tingin ko mas ok kung magpalit kana ng crush .." bigla ako napalingon kay Neda na nakadapa sa kama ko at kumakain ng ice cream in cup.
"At baket?!"
"Alam mo kasi best parang wala kang chance kaya fafa Daren e, he doesn't even know you exist."
"Ano naman! Sya parin crush ko kahit anong mangyari. Feeling ko kasi talaga si Daren na yung Mr. Right ko."
"Ganun? Pano yun di ka naman nya kilala and we know na ang mga juniors na tulad nya ay di interesado sa mga sophomore na tulad natin kundi they're after with senior girls in campus."
"Kung ganun imamassacre ko lahat ng senior girls!"
"Turuy! Osha! Ikaw na mataray teh."
"tehee :D"
Tumawa na lang ako kunwari pero di ko maiwasan isipin yung sinabi ni Neda..
Hanggang kelan nga ba kong ganto? Umaasa na balang araw mapapansin ako ni Daren na kahit minsan di pa nangyari.:(
Hindi ko naman kasi basta magagawa na palitan lang sya basta kasi iba sya sa mga naging crush ko na after ng ilang months ay kusang nawawala. Sya kasi habang tumatagal lalong lumalalim yung paghanga ko sa kanya.
Siguro nga hindi na lang to basta crush, siguro love na to..isang one sided love.
Hanggang makaalis ang bestfriend ko ay ganon parin ang laman ng isip ko...
Kung paano ako magawang mapansin ni Mr. Right.
Agad ko kinuha yung gunting mula sa drawer at humarap sa salamin..
Siguro kapag nagbago ako ng hairstyle mapapansin na nya ko.
Inumpisahan ko na yung paggupit sa mahaba kong buhok at ginaya ko yung hairstyle nung babae sa magasine.